t h i r t e e n [ 1 ]

113 6 1
                                    

Hyeongjun's POV

"Ma alis napo akooo" Sabi ko kay mama dahil papasok nako sa school kinuha kona ang bag ko at binuksan kona ang pintuan namin pagkalabas ko naman ay nandon na si Yohan,

Masaya ako na makita siya dahil sa nangyari nung isang araw kailangan ko bumawi sa kanya "Goodmorningg!" Bati niya sakin kaya naman bumati din ako pabalik,naglalakad na kami katulad ng lagi naming ginagawa araw araw kapag papasok na kami papunta na kaming bus stop para mag abang ng bus na papunta sa school,

Habang naglalakad ay kinuha kona ang pagkakataon para mag sorry "Yohan tung-" hindi pako natatapos magsalita ay may biglang humintong sasakyan sa gilid ni Yohan nagulat ako ng bigla akong itago ni Yohan sa likod niya,

Biglang bumaba ang bintana ng kotse at nawala ang pangangamba ko ng makita ko si Hangyul hyung kaya naman medyo naitulak ko si Yohan sa gilid,

"Hi Hangyul hyung bat ka andito?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko alam kung bakit dito siya dumaan dahil hindi naman sa gawing dito ang bahay niya,

"To pick you up ofc" At nginitian niya ko "Hop in" hindi ako makapaniwala sa narinig ko kaya naman tinanong ko ulit si Hanyul hyung,

"Seryoso bato? " tanong ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwala "Yep kaya sumakay kana" nag ning ning ang mga mata ko at agad ko namang binuksan ang pintuan ng kotse niya at umupo nako sa passenger seat,

Napatingin naman ako kay Yohan at sinenyasan kona siyang sumakay bubuksan na sana ni Yohan ang pinto sa likod ng pigilan siya ni Hangyul hyung,

"Oh nope I am just here for Hyeongjun" agad naman akong napatingin kay hyung at mag poprotesta na sana ako ng biglang nag salita si Yohan,

"Agh o-okay ingats juniie" At ngumiti siya sa akin,.

"Pero y-"

"No its fine sige na mauna na kayo malaki nako ano kaba" And with that inistart na Hangyul hyung ang sasakyan at umalis na kami.

。・:*:・゚★,。・:*:・゚☆

Nakarating nadin kami sa school makalipas ang wala pa sa  kalahating oras,Agad namang nag park si Hyung sa parking lot sa loob ng school,

"Let's go" At bumaba na kami sa kotse habang nag lalakad kami papunta sa main hallway ay nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Hangyul hyung kaya naman bumilis ang tibok ng puso ko at ramdam kong nag iinit ang mga pisngi ko,

Rinig ko ang mga bulungan sa paligid namin habang naglalakad kami " Ang swerte niya naman","hala sanaol","so he's gay?","omg they are cuuuutee"
At medyo napangiti naman ako sa mga narinig ko.

Nagulat ako ng makita ko si Chaeyeon unnie nakatitig siya samin at halatang hindi siya natutuwa sa nakikita niya may kasamang magandang babae si Chaeyeon unnie at nakatitig din ito ng masama samin parang hindi din siya masaya na makita kaming dalawa ni Hangyul hyung,ilang minuto lang ng paglalakad ay nakarating nadin kami sa room ko,

"Oh mag aral ka ng mabuti ah I will pick you up again later okay?"
Tumango naman ako pagkatapos niya yon sabihin ay he kiss my head kaya naman bigla akong nag blush napayuko nalang ako at umalis na siya,

Ng makapasok ako ng room ay pinagtitinginan nila ako "sanaol Hyeongjun" Sabi ng isa kong kaklase "sanaol jowa si Hangyul" Sabi pa ng isa kong kaklase umupo nako sa upuan ko at nagtaka ako dahil wala padin si Yohan 'nasaan na kaya yon?' Tanong ko sa sarili ko.

。・:*:・゚★,。・:*:・゚☆

𝙈𝙮 𝙎𝙩𝙚𝙥𝙗𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧 (𝘚𝘦𝘶𝘯𝘨𝘱𝘺𝘰) [ 𝐄𝐝𝐢𝐭𝐞𝐝 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon