Yohan's POV
Nasa loob ako ng bahay namin at hindi ako lumabas dahil wala naman si Hyeongjun kapag gantong araw kasi ay nag sisimba kami tuwing linggo pero hindi natuloy dahil may date sila ng pinakamamahal niyang si Hangyul medyo nasasaktan ako kapag naririnig ko ang pangalan niya hindi ko alam kung bakit gustong gusto ni Hyeongjun si Hangyul ano bang meron yung lalaking yon na wala sakin siguro masyado lang bulag si Hyeongjun para mapansin ako kasi kaibigan niya ako at kahit kailan di niya ko makikita na mas higit padon,
Dahil sa sobrang kabagutan naisipan kong buksan ang mga social media accs ko sinubukan kong mag facebook, mag tiktok at mag twitter pero walang naka pukaw sa atensyon ko,
Binuksan ko ang Instagram ko pero imbes na mawala ang at lungkot at kabagutan ko ay lalo akong mas nanlumo sa nakita ko,
Naramdaman kong parang kumikirot ang dibdib ko sa nakikita ko,halatang masaya siya na kasama niya ang taong gusto niya,hindi ko namamalayan na pumapatak na pala ang mga luha ko na galing sa mata ko.
Pinatay kona lang ang phone ko at pinikit ko ang mga mata ko at sinubukan kong matulog.
。・:*:・゚★,。・:*:・゚☆
Pagkatapos ng pagkahaba kong tulot ay nagising ako napatitig lang ako ng saglit sa kawalan dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko, napasilip ako sa bintana ng aking kwarto at kitang kong madilim na sa labas biglang pumasok sa isip ko si Junii kaya naman bumangon ako agad at kinuha ko ang hoody ko at nag sweat pants ako at dali dali akong pumunta sa bahay nila Junii para icheck kung nakauwi naba siya,
Mabilis akong naglakad papunta sa bahay nila, pag kapasok ko ng bahay nila ay sumigaw ako ng "pasok po" senyales ng pag galang at upang ipaalam na pumasok ako natagpuan ko si tita na nagluluto ng hapunan sa lamesa kaya naman agar ko siyang tinanong "Tita nandiyan napo ba si Hyeongjun?"
Nagulat naman siya dahil siguro hindi niyako narinig na pumasok naghihiwa siya ng mga gulay agad naman siyang sumagot "Ay nak wala pa eh pero siguro pauwi naden yon, gusto mo hintayin mona siya at dito kana den mag hapunan" At nginitian niya ko ngumiti nalang den ako at tumango lumabas nako ng bahay nila at umupo ako sa hagdan sa tapat ng bahay nila upang hintayin si Hyeongjun
Ichachat kona sana siya ng may biglang humintong kotse sa tapat ng bahay nila Hyeongjun at alam ko kung kaninong kotse yon,bumaba na si Junii at mukang masaya siya ngumiti siya bago niya sinara ang pintuan ng kotse at bago ito umalis.
Ng papalapit na siya ay nagulat siya dahil nandito ako sa labas nag iintay
Pagkalapit na pagkalapit niya ay agad siyang nagtanong "Oh bat ka nandito?" Halatang nagtataka siya,"Kamusta date niyo masaya ba?" Tanong ko naman sa kanya pabalik pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko dahil ayokong maging mukang kaawaawa sa harap niya hindi ko alam pero pag dating kay Hyeongjun nanghihina ako,
"Okay naman ahaha it was fun,osige na umuwi kana Yohan mag gagabi na oh delikado na sa labas" And with that tuluyan na siyang pumasok sa loob ng bahay nila hinayaan konang tumulo ang mga luha ko at bumalik nako sa bahay namin hindi ko alam kung bakit gusto niyakong pauuwin at hindi naman delikado dahil katapat lang naman namin ang bahay nila,
Ng makapasok ako ng bahay namin ay tumambad sakin ang nag sisigawan kong mga magulang tinakpan kona lang ang tenga ko at dumiretso na ko sa kwarto ko,
Pag kahiga na pagkahiga ko sa kama ko ay doon na bumuhos ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko at dahil sa mga magulang ko.
。・:*:・゚★,。・:*:・゚☆
End of chapter eleven
Naawa ako kay Yohan but I have to make it like that,anyways guys thankyou for reading dont forget to comment down your thoughts reactions and opinions❤godbless and always stay safe.
BINABASA MO ANG
𝙈𝙮 𝙎𝙩𝙚𝙥𝙗𝙧𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧 (𝘚𝘦𝘶𝘯𝘨𝘱𝘺𝘰) [ 𝐄𝐝𝐢𝐭𝐞𝐝 ]
Fanfiction𝘛𝘩𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘰𝘧 𝘵𝘸𝘰 𝘴𝘵𝘦𝘱𝘣𝘳𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳𝘴 𝘸𝘩𝘰 𝘴𝘶𝘱𝘱𝘰𝘴𝘦𝘥 𝘵𝘰 𝘩𝘢𝘵𝘦 𝘦𝘢𝘤𝘩 𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘣𝘶𝘵 𝘨𝘰𝘵 𝘤𝘢𝘶𝘨𝘩𝘵 𝘰𝘶𝘵 𝘰𝘧 𝘭𝘰𝘷𝘦. [ 𝐞𝐝𝐢𝐭𝐞𝐝 ] Thankyou for 2.92k ♡ 。・:*:・゚★,。・:*:・゚☆ 𝙃𝙞𝙜𝙝𝙚𝙨𝙩 𝙍𝙖𝙣𝙠𝙞𝙣𝙜𝙨...