CHAPTER 8
Austin's P.O.V
Mag aalas dose na pala ng gabi at ngayon lang ako nakauwi galing sa inuman. Medyo nahihilo na ako kaya umuwi nalang ako hindi ko pinangarap madisgrasya kawawa naman ang napakaganda kong mukha kung magasgasan HAHAHAHA.
Hindi paman ako nakakaidlip ay biglang nag ring ang phone ko, nang tignan ko kung sino ay si Lyka pala yung GF ko.. Kahit sobrang antok ko ay sinagot ko ang tawag niya.
" hello babe? "
" Buti naman at sinagot mo pa tawag ko?!" halatang nanggagalaiti sa galit na sabi niya.
" Bakit naman hindi , e girlfriend ko yung tumatawag.. miss-" hindi pa man ako tapos sa pang uuto ay bigla nalng syang nagsalita.
" Miss mo mukha mo! May nakakita sayo kahapon may kasama kang babae bwiset ka ! Sino nanaman yun?!!" sigaw nito sa'kin.
Napabuntong hininga nalang ako, " Babe, si Mara yun pinsan ko !" pagsisinungaling ko.
" Ay wow ang sweet nyo naman ng pinsan mo? Naghahalikan pa nga daw kayo e. Kung magsisinungaling ka please galingan mo naman! Hayop ka. Bahala kana sa buhay mo! Break na tayo!!" nilayo ko ng bahagya ang cellphone ko sa tainga ko dahil parang mababasag na ang eardrums ko sa lakas ng boses niya. Binagsakan pa niya ako ng telepono kaya hindi na ako nakapagsalita pa.
Medjo nawala ang kalasingan ko dahil don. Hindi naman sa nasaktan ako pero parang ganun na nga Hahahaha. Mahal ko naman si Lyra pero di ganun ka tindi na kaya kong maging loyal sakanya.
Gusto ko sana siyang tawagan pero..mas mataas pa sa Mt.Everest ang pride ko. Hihintayin ko nalang na sya ang unang tumawag.
Nilagay ko ang phone ko sa ilalim ng unan ko at natulog.
***Nagising ako bigla dahil sa lakas ng tunog ng cellphone ko. .
" Hello?... " ani ko na halatang inaantok pa.
" Hi there, Austin! Good morning. "
Kumunot ang noo ko at napaisip kong sino ba ang babaeng to. " uhmm sino to? ''
" Its me , Zyra.. Di man lang ba naka save yung number ko sa phone mo?" wari mong nagtatampong boses nito.
" Oh , hi Zyra. Sorry , kakagising ko lang kasi di ko man lang tinignan kung sino yung tumawag" bumangon na ako mula sa pagkakahiga.
" Ah. Ok lang! Kamusta kana? " sagot niya.
" OK naman. Free ka ba mamaya? Sabay tayo mag lunch.." Aya ko sakanya.
" SURE! Hehe..pero baka naman may magalit? " Halatang kinikilig na sagot nito.
" Wala no. So, see you mamaya sa labas ng gate? "
"OKAY. SEE YOU Austin.. " sagot niya at binaba na ang tawag.
Napangiti ako hindi dahil sa kinikilig ako kundi dahil parang may mauuto nanaman ako mamaya. Bwahahahaah
Kinuha ko na ang tuwalya ko at dumiretso sa banyo para maligo.
Pagdating ko sa school ay agad nag tinginan saakin ang girls. Wow. LOKO Lang oy! Hahaha. Medjo napaaga ako ng 2 mins. ngayon kaya hindi masyadong highblood si maam hehe.
Naging mabilis ang oras kaya naman di ko namalayan na magla-lunch na pala. Hindi ko na pinuntahan pa ang mga barkada ko dahil tiyak ako na aasarin lang nila ako.
BINABASA MO ANG
ALMOST A LOVE STORY
FanfictionSabi nga sa Sid and Aya movie " Hindi porket may i love you ay love story na..."