CHAPTER 6

14 1 0
                                    

CHAPTER 6

Austin's P.O.V

Hindi ko na namalayan ang oras mag aalas dose na pala at kausap ko parin si Shaine. Puro mga kabalbalan lang ang naging topic namin. Infairness sakanya, alam niya kung paano ako mapatawa. Kung ibang babae siguro tong kausap ko malamang kanina ko pa nilandi to pero iba siya palagi niya akong nababara at hindi umi-epekto ang mga banat ko sakanya.

Shaine:  ilan kayong magkakapatid?
Me: apat. Tatlo kaming lalaki at isang babae
Shaine: lalaki ka pala? Hahaha
Me: HA-HA-HA
Shaine: nasan na parents mo?
Me: Hiwalay sila..
Shaine: Bakit?
Me:Wala e. Gusto ni mama yung may dollars
Shaine: Baliw ka. I'm sure may mas malalim na reason yung mama mo
Me: Ewan ko sakanila. Sarili lang nila iniisip nila.
Shaine: Oy, don't say that. Ang importante mahal nila kayo...
Me: Pag mahal hindi iniiwan..
Shaine: Hindi porque iniwan , di na mahal. Everything happens for a reason nga dba?
Me: ......

Wala nakong masabi pa. Hindi niya din ako maiintindihan.

Shaine: uhmm nasaan na ba yung mama mo?
Me : sa US isa siyang caregiver doon. Nakapag asawa ng cano kaya dun na sya nag stay. Minsan umuuwi sya dito.
Shaine: sino kasama mo sa bahay? Nasaan na yung iba mong kapatid?
Me : Nasa US yung dalawa kong kapatid. Ako tsaka yung kuya lang ang nandto. Si papa ang kasama namin sa bahay.
Shaine: Eh bakit di ka nalang sumama sa US?
Me : Sabi ni mama kukunin nya daw kami pagka graduate ko.
Shaine : Oh? Woww.. Magpractice ka na mag english hahaha
Me : whatever hahah
Shaine: tarayyy hahaha
Me: di na nga ako makapag antay e. Gusto ko ng maka graduate
Shaine: Miss mo na mama mo no?
Me : Uhmm Oo, iba pa rin pag nanay yung nag aalaga sayo .
Shaine: Yeah right. Pero , paano papa mo? Kapag umalis kana..
Me : Wala naman yung pakialam sakin.
Shaine:  Paano mo nasabi?
Me: Lagi syang galit sakin.
Shaine : Pasaway ka kasi.
Me: Di man lang nila inisip na sila ang nagkulang sa pag gabay samin habang lumalaki kami.
Shaine: Why are you blaming your parents for all the mistakes you've done? It's your choice.  Ang gusto nga ng papa mo na mapabuti ka kaya palagi ka nyang pinapagalitan. Ikaw pala ang selfish e. Di mo man lang naisip yung mga sakripisyo ng mga magulang mo para sayo..

Medjo natigilan ako sa mga sinabi ni Shaine sakin. Napaisip ako kung tama nga ba sya na ako pala ang naging selfish? 

Me: Bakit hinayaan nya lang mawala si mama?

Ewan ko. Hindi ko alam ano bang meron sa babaeng to at kung paano niya akong nagawang makapag kwento tungkol sa buhay ko e kahit nga sa mga tropa ko hindi ko kayang ikwento ang mga ganitong bagay.

Shaine: Malay ko. Pero wala namang nawala Austin nanjan pa rin naman sila para sayo. Lalo na yung papa mo, buksan mo lang puso't isip mo.

F*ck! Natamaan ako dun ah.

Me: Hahahha ang drama mo haha inaantok kana siguro. Sige na matulog kana,

Sinikap kong siglahan ang boses ko para di niya mapansing naapektohan ako sa mga sinabi niya.

Shaine: Yiee..iiyak na yan hahaha. Sige na matulog kana din ah.
Me: Oo..sige na...salamat
Shaine : Okay. Goodnight bespren!

Bespren? *sigh*
Tinawag nya akong bespren.. Bespren lang pero bakit ang sarap sa pakiramdam. Pakiramdam ko, may masasandalan na ako sa tuwing malungkot ako at makakausap sa mga panahon na walang may gustong makinig sakin.

Napangiti ako.

Me: goodnight.....bespren

Hindi ko inakala na mapupunta kami sa ganung usapan. First time kong naglabas ng sama ng loob , first time kong magkwento tungkol sa pamilya ko. Ang gaan pala sa pakiramdam ..

Pero parang may kung ano saakin na nagsasabing ito na ang una't huling pagkakataong gagawin ko 'to. Ayokong mag drama! Ayoko na may makakita sa totoong nararamdaman ko. Ayokong sanayin ang sarili ko sa mga bagay o sa mga taong alam kong iiwan din ako sa.huli.

Ilang sandali pa lamang ang nakakalipas ay dinalaw na din ako ng antok. Mag aalas 2 na din pala ng umaga ng tignan ko ang orasan. Mabilis naman ako nakatulog marahil ay dahil nakainom ako...

To be continued. ..

ALMOST A LOVE STORY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon