CHAPTER 10

8 1 0
                                    

CHAPTER 10

JULIANA's P.O.V

It's been two weeks mula noong tinutulungan ko si Austin sa special projects niya. Hindi ko alam kung bakit ko ba sya tinutulungan na pumasa. Ang alam ko lang masaya ako sa mga nagawa ko para sakanya. Kahit simpleng thank you niya ay agad na binabalot ng saya ang puso ko.Marahil ay dahil alam ko na sya yung tipo ng tao na hindi expressive. Kaya I find it so sweet sa tuwing nagsasabi sya ng salamat. Kahit na sobrang dami ng mga pinapagawa niya ay pinagtyagaan ko na gawin lahat para mapasa niya on time kahit na minsan limang oras nalang ang tulog ko ay Okay lang kasi ramdam ko na naaappreciate niya ang mga ginagawa ko.

Dahil two weeks na mula noong tinulungan ko syang gawin lahat ng projects nya..dalawang linggo ko na din syang sunod-sunod na nakakausap. Tinatawagan niya ako o ako yung tumatawag sakanya para mapag usapan namin ang tungkol sa projects nya. Minsan ay sobrang nagiging makulit na sya at di ako makapag concentrate kaya naman pinapatay ko ang tawag niya. Kagaya nalang ngayon last 2 projects na nya ito at bukas na din ang deadline kaya kahit naka 10 missed calls na sya ay hindi ko sinasagot.

Nag text nalang ako sakanya para tumigil na sya sa kakatawag.

Wag ka munang makulit dyan! I'll call you back later. Malapit na matapos.

Message sent!

Wala pang isang minuto ay tumunog ulit yung phone ko. Nag reply pala sya.

Message from Crazy_Bespren

May lakad ang barkada. Sama ako ah,

Medjo masarap pala sa pakiramdam na may nangangailangan ng approval mo haha pero NO! Ano sya hilo? Ako naghihirap sa ka gagawa ng projects na di naman saakin tas sya nagsasaya ? Hindi ako ganun ka understanding.

Hoy ano ka hilo? Subukan mo lang umalis .. Di ko tataposin to.

Message sent!

Agad naman itong nag reply ng nakakainis.

Message from Crazy_Bespren

Whatever. Saglit lang ako! Bwahahaha

Nakakainis talaga sya. Okay na e kinilig na ako kanina e. Buset talaga!!!

Nawawalan na sana ako ng ganang taposin itong projects niya pero hindi ko naman yata kayang mag break ng promise. Kaya sige na nga lang basta ba ma keep ko lang yung promise ko sakanya na tutulong ako.

Mahigit isang oras din ang nakalipas bago ko matapos ang isang project nya.Isa nalang talaga. Ang last project nya ay magsusulat daw ng letter para sa taong gusto nyang pasalamatan.

Hmm sino naman kaya ang bibigyan nya? Bigla akong napaisip. Kaya nya na siguro to.

Di ko namalayan ang oras 9:53 na pala ng gabi. Nakauwi na kaya ang taong yun? Nag email  muna ako sakanya ng ginawa Kong essay na nag coconsist ng exactly 10,000 words.

Pagkatapos ay tinawagan ko sya. Naka tatlong ring ito bago sumagot.

Austin: hellowwww
Me: nasa'n ka?
Austin: Tumatae. Hahaha
Me: Baliw ka. Ewww!
Austin:  Bwahahaha ang oa mo naman..
Me: Kadiri kaya! Sige na push mo muna yan.
Austin: Tapos na. Di mo narinig nahulog? Hahaha
Me: Sira ulo ka Austin!  Bye muna.
Austin:  Arte mo naman! Hahaha patapos na ako oy.
Me: Yay kadiri ka mag hugas ka ah. Hahaha
Austin:  Tapos na. Hahaha
Me: Hahaha lanya. Kala ko umalis ka? Tumatae ka lang pala.
Austin:  Sabi ko sayo diba saglit lang ako.
Me: Chaaar. Ano ginawa nyo?
Austin : Wala nag inuman konti.
Me: Tss.. Lasinggero
Austin:  Bwahahaha
Me: Anyways,  nag email na ako sayo ..yung essay mo. Print mo nalang ah.
Austin:  Oh..salamat
Me:  At yung letter. Alam mo na yun siguro.
Austin:  Okay bes
Me:  Sino pala susulatan mo?
Austin: Ikaw nalang yiee Hahaha
Me: Hahahah gagi.
Austin:  Oo nga. Hahaha
Me:  Ah sige sige. Dapat sweet ha ..
Austin:  Bwahahaha Gegeh
Me: Ano ha hmm . pakilagyan ng i love you bespren tas drawing ka ng heart ha HAHAHAH
Austin : Ahahaha baliw talaga. Ikaw nalang kaya mag sulat bes. Hahah
Me:  Gag* scripted pala yung letter Hahaha Ikaw na kasi para kiligin ako. Basta ha yung iloveyou wag mo kalimutan. Hahaha

Natapos naman nya yung letter kahit kung anu-ano nalang yung sinulat nya. Tawa kami ng tawa magdamag dahil puro mga kalokohan lang pinagsasabi namin. Nakakatuwang isipin na kaya naming sabayan ang kalokohan ng isa't isa.Marami syang kwento tungkol sakanya na sobrang nakakatawa.

Hanggang sa di namin namalayan na malapit na palang mag alas tres ng umaga.

Me : Hoy bespren! Malapit na mag umaga. Matulog na tayo!
Austin : Bwahahaha inaantok ka na ba?
Me: Hindi naman..pero hello? Papagalitan ako nila mama pag nalaman nilang nagpuyat ako.
Austin:  Oh? Hahaha. Sige na nga.
Me: goodnight bes
Austin: Yung promise mo ha. Pag pumasa ako!
Me : Hahaha alin ? Tinulungan na nga kita diba?
Austin:  sabi mo makikipag kita ka sakin
Me: ah yun ba. O-oo naman. Hehe
Austin:  Pakiss ako pag nagkita tayo Hahaha
Me: Sapak you want?
Austin:  bwahahaha
Me:  sige na bye na..
Austin: Bye bespren. Aylabyoo hahahaha
Me: labyutoo hahahaha eww. Hahaha
Austin:  baliw talaga. Hahaha

Tumawa lang ako at pinatay ko na ang tawag. Pinilit kong makatulog pero ayaw ako dalawin ng antok.

Di ko mapigilan ang sariling isipin ang mga pinag usapan namin ni Austin kanina. Paano ako makikipag meet sakanya e hindi naman ako si Shaine. Kung kanina ay labis akong natutuwa sa kwentuhan namin ngayon namay biglang nalang ako nakaramdam ng takot. Takot na baka magalit siya at isipin nyang sana hindi nya ako pinagkatiwalaan. Ayokong isipin nya o maramdaman nyang niloko namin sya.

Sana hindi nalang ako nagpanggap bilang Shaine...

Sana..hindi lumayo ang loob nya sa'kin kapag sinabi ko na ang totoo..

Sana best friend parin ang tingin nya sa'kin kahit na malaman nya na hindi ako si Mary Shaine Mendoza ..

I'm sorry Austin..
I am Juliana Hazelle Flores not Shaine....

****

A/N
Sorry for very short update huhu. T^T

See you next chapter guys!

Comment naman kayo jan please. Hehe! Vote din. Thankies 💓

ALMOST A LOVE STORY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon