CHAPTER 12
AUSTIN's P.O.V
" bye, i love you" put*k! Pinatay ko agad ang phone ko. Nagulat ako sa sarili kung bakit ko yun nasabi kay Shaine. Lagi ko naman yun sinasabi pero...arrrgh! Ang corny ko lang.
Lasing na yata ako.
Bumalik ako sa loob ng bahay nina Jasper kung saan kami nag iinoman , wala sa sarili kong nilagok ang tagay na para sana sa isang kasama namin at nagpaalam sakanila na aalis na." Hoyy! Austin. Parang tanga ! Saan ka pupunta hoy!!" sigaw ni Jasper sakin.
Diridiretso lang ako sa paglalakad palabas. At ng makarating ako sa motor ko ay agad ko itong pinaharurot pauwi ng bahay.
Pagkadating ko sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto at kaagad na humiga. Gusto ko ng makatulog. Ayaw ko nitong nararamdaman ko. Hindi ako to!
" Lasing ka lang .. Lasing ka lang Austin! Hahaha Tarantado lasing ka lang.." parang sira ulo kong sabi sa sarili ko.
Hindi ko alam kung bakit ko ba to nararamdaman..Para bang nahihiya ako sa sinabi ko pero hindi naman ako nagsisisi. Ay ewan ! Ang gulo-gulo.
Nang hindi pa rin ako mapakali ay naisipan kong tawagan si Zyra.
" Hello babe? Gabing gabi na ah bakit ka napatawag? " halatang nagising sya sa tawag ko.
" Ah hehe tulog kana pala .."
" Bakit..?" antok na tugon nya.
" wa-wala naman.. May sasabihin lang sana ako . "
" Ano yun babe? Pwedeng bukas nalang? Inaantok na talaga ako e." -Zyra
" Sige. " walang emosyon kong tugon. Nawalan ako ng gana bigla na sabihin sakanya na pumasa ako dahil parang di naman sya interesado sa sasabihin ko.
" Bye babe.. I love you "
" Gegeh. Good night din" wala sa sarili kong sagot.
" sabi ko i love you. .." inis na sabi nya
" ay! Bwahahaha sorry babe bye good night " dali-dali kong pinatay ang tawag. Hindi ko kayang sabihin ang katagang gusto nyang marinig. Bukod sa nakokornihan ako ay hindi ko naman talaga sya mahal.
Pero bakit kapag kay Shaine sobrang komportable akong magsabi ng lahat ng gusto ko.
Impossible!
erase . erase. erase..
Mary Shaine Mendoza..sino ka ba talaga? Paano mo nagagawang guluhin ang isip ko at pasunurin ako sa kahit na anong sabihin mo..
***
" Bespren? " tawag ko sa babaeng naka tayo habang nakatitig sa malalakas na hampas ng alon ng tubig sa dagat.
Kahit na medjo malabo ang mukha nya ay alam at ramdam kong siya si Shaine. Nilingon nya ako.
" Anong ginagawa mo dito? "Nagtatakang tanong ko. Bakit kami nandito..paano kami napunta sa lugar nato? Paano sya nakarating dito?
" Sino ka? " tila naguguluhang tanong nito.
" Shaine, ako to si Austin. Ang gwapo mong bespren! " sinubukan kong mag biro.
" Bespren. ." isang boses ng babae ang tumawag sakin. Napalingon ako para tignan kung sino iyon.
Nakangiti ito sa'kin. Ang ganda....sya na yata ang may pinaka magandang ngiti na nakita ko, yung kapag nginitian ka nya kahit gaano ka pa kalungkot ay sadyang mapapangiti ka din. Biglang nalang lumakas ang tibok ng puso ko dahilan para mapahawak ako sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
ALMOST A LOVE STORY
FanficSabi nga sa Sid and Aya movie " Hindi porket may i love you ay love story na..."