CHAPTER 7 [Part 1]

8 1 0
                                    

Chapter 7 [ Part 1 ]

JULIANA'S P.O.V

"Alright. Today, ay magsisimula na ang practice natin para sa ating cotillion dance for our JS PROM. . " anunsyo ni Mrs. Buenaventura

" Eh ma'am,  sinu-sino po magkakapartner ma'am? " excited na tanong ni Crisha.

" Para fair..base on alphabetical order nalang..nilista namin lahat ng names 3rd year  students including from other sections. We will announce kung sinu-sino ang partners later. For now, get ready and let's proceed to our school ground. " lumabas na ng room si ma'am.

"Ay shet! Ang init kaya -!!" reklamo ni Crisha.

" Oo nga. Arrgh sana pinagdala naman tayo ng jacket no! " nagmamaktol na sagot ni Angela.

Nagsimula na kaming maglakad papuntang school ground. Hindi lang pala kami ang narereklamo dahil sobrang init naman talaga sa labas pati ibang students ay nakasimangot din.

" GIRLS doon kayo sa right side. And BOYS on the left! " sigaw ni Sir Ramirez sa microphone. Nasa stage lahat ng 3rd year and 4th year teachers. 

Kinuha naman ni Ms. Cristobal ang mic at nag simulang basahin kung sinu-sino ang magkaka pareha para sa cotillion dance.  " Boys pag natawag ang pangalan ng partner nyo susunduin mo sya sa kabilang side, tapos you both stay here ..tas Next doon and dyan naman yung sunod. Understand? "

Wala paman din ay nagtitili na ang ibang girls, including Crisha at Angela. Excited lang mga mamsh? HAHAHAH

Nagsimula ng mag announce si Ms. Cristobal.

" OMG! Sino kaya partner ko sana si Ryan Domingo ! Eeehhh " hinampas hampas pa nya ang braso ni Angela.

"Tanga ka? Anlayo kaya ng Valdez at Domingo! Baka si Albert Vargas ! Mas malapit yun. " natatawang sagot ni Angela.

Pati kami ay natawa dahil si Albert Vargas ang palaging nakaka away ni Crisha.  Pogi sya , chinito at moreno bonus nalang yung height nya..mga nasa 5'5..
Para silang aso't pusang dalawa. Lagi kasi nyang inaasar or binabara si Crisha kesyo maingay daw kasi si Crisha at maarte.

" YUCK! Please don't say that-! Baka mamaya magkatotoo. Hmmp! " nawala ang kilig nya at nakasimangot na.

Medjo may kaba din akong nararamdaman ngayon dahil ako ang unang matatawag. Nagtitilian naman sila sa tuwing pumupunta yung boys para sunduin ang partners nila. My goshhh nakakailang kaya.

" Ikaw besh .. Sino gusto mong maging partner?" nanunuksong tanong ni Shaine.

" Sino pa edi si Andres! Yiee " sabat ni Angela

" Ano ba! Hindi ah. Baka may makarinig sa inyo isipin nila pinag uusapan natin yung tao. " agad na sagot ko.

Oo crush ko na si Iñigo Andres Ford...pero very light lang. Lahat naman yata ng girls crush siya! Paano ang gwapo gwapo niya! Matangkad , matalino , at mabait. My gosh...ang PERFECT niya girl. Hahahah

" asus..oh ayan na ayan na si Ford na -!! " excited na sabi ni Shaine. Inalog alog pa nila ako.

" Ano ba.. Ang layo ng Flores sa Ford .. Di yan" walang pag asang tugon ko.

" Iñigo Andres Ford your partner will be miss Juliana Hazelle Flores.. " - Ms. Cristobal

Dug. Dug. Dug.

Sabay sabay naman silang nag tilian at niyugyog ako. Parang mangingisay na si Crisha at Angel sa kilig para saakin lalo na nong papalapit na si Andres sa gawi namin.

Pilit kong kinalma ang sarili ko kasi bukod sa bawal akong kabahan or ma stress ay ayoko din naman tuksohin pa nila lalo kapag nalaman nila na pati ako ay kinikilig dahil sya ang kaparehas ko.

Buset na mga kaibigan to kung makaturo sakin parang may utang ako.

" Andres! Nandito si Juliana nandito!! " sabay sabay silang tatlo na nagsisigaw. Tinutulak pa nila ako. Sht. Nakakailang

Mas lalong nagtilian sila ng ilahad ni Andres ang kamay nya. Agad ko naman iyong kinuha. OMG! Sana hindi niya maramdaman ang lamig ng palad ko gaya ng ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya. Waah ! Naka smile pa sya at nakalitaw pa ang cute nyang dimple malapit sa kanang bahagi ng labi niya.

Habang naglalakad kami patungo sa gitna ay naririnig ko ang mga bulong bulongan ng mga ibang girls.

" Oh my! Ang swerte naman niya.."

" Sana kami nalang partner! Kainis . "

" Grabe ang gwapo ni Andres !! "

Makapag concentrate naman kaya ako nito. Nako-conscious talaga ako.

" Are you okay Juliana?" biglang tanong ni Andres sa'kin.

" Huh? Ye- yes! Bakit? " natatarantang sagot ko.

" You look... nervous. Kinakabahan ka ba kasi baka di ako marunong sumayaw?" biro niya.

Natawa ako ng bahagya at mahinang tinapik siya sa braso, " sira. Hindi ah .."

Mahirap man ay kinalma ko ang sarili.

Ilang sandali pa ay natawag na din sina Shaine,  Crisha at Angela with their partners.

* Mary Shaine Mendoza - Steven Kyle Mendez
* Crisha Morinne Valdez -  Albert Vargas
* Zyra Angela Villarico - Jord Ethan Villega

Hindi mapinta ang mukha ni Crisha ng magka totoo ang sinabi ni Angela na si Albert ang magiging partner niya.

Kahit medjo malayo sila samin ay halatang nagsisimula na silang magbangayan.

Hapon na ng magsimula kaming mag practice ng sayaw dahil madami pang inanunsyo ang mga teachers tungkol sa PROM. Ang napili nilang kanta para sa cotillion dance ay A thousand years by Christina Perri...

Sobrang kaba ang naramdaman ko habang kasayaw ko si Andres. Medjo natataranta pa ako at ilang beses nagkamali pero buti nalang at mabait si Andres kahit naaapakan ko na sya ay di man lang sya sumimangot..he would just smile at me like he's saying ' it's okay '...

Nakakapagod man ay natatabunan iyon ng saya at kilig sa puso ko dahil kay Andres. Hanggang sa pag tulog ay naiisip ko pa rin sya..

To be continued ...

A/N
Sorry ngayon lang nakapag update huhu.
Kahit nawawalan na ako ng gana magsulat , promise! Tatapusin ko 'to! Hehe.

Keep safe everyone.

ALMOST A LOVE STORY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon