CHAPTER 11
JULIANA's P.O.V
"Wow , ang aga mo naman nagising ngayon nak?" wika ni mama habang nagluluto ng pang almusal. Medjo hindi sya makapaniwala dahil madalas talaga na kailangan pa nya akong gisingin para kumain.
" Hehe maaga kasi ako natulog kagabi ma" sagot ko. Habang humihikab.
Maaga talaga akong natulog mga 4 AM na HAHAAHAH tas nag alarm ako ng 5:30 AM. Nakatulogan ko nalang ang pag iisip kung paano ko sasabihin kay Austin ang totoo. Huhu, nakokonsensya ako.
"Hmm talaga ba Juliana? Mukha ka ngang puyat e. Naku! Sinasabi ko sayo Juliana Hazelle ha..alam mong bawal na bawal kang magpuyat tas - Ay naku! Pag ikaw inatake nanaman ng sakit mo.."saway ni mama sa'kin habang napapakamot sa ulo nya.
Ano ba itsura ko pag puyat? Bakit alam na alam ni mama. :(
"Ah hehe.. Si mama talaga, gumising kasi ako ng maaga ma para mag review may quiz kami mamaya e.." palusot ko. Habang nagpapalaman ng tinapay.
" Wag mo akong pinagloloko jan Juliana ha.. Baka naman may boyfriend kana at yun yung kausap mo kagabi? Akala mo siguro di kita narinig ano? " nang uusisa na wika ni mama.
" Maaaa! Wala akong boypren no!! Si ano yun..si Shaine..oo tama si Shaine nga! Nagka insomnia sya kagabi ma di makatulog." pagsisinungaling ko sakanya.
" Naku ! Sinong...may boyfriend ?" Di ko namalayan ang pagbaba ni daddy sa hagdan. Nakabihis na ito at handa na para pumasok sa trabaho.
" Wala dad , si mama kung anu-ano iniisip hehe" sagot ko habang nakatingin kay mama na naglalapag ng kanin at ulam sa mesa.
" Siguraduhin mo Lang Juliana.. Bawal kang magka boyfriend "
Parang nagbabanta na sabi ni mama." Opo ma..alam ko naman yun" malungkot kong tugon. Malungkot dahil alam kung bakit bawal ...hindi dahil sa bata pa ako kundi dahil bawal talaga akong makipag relasyon. Iniiwasan lang nila mama na hindi ako makaramdam ng too much emotions.
I can't be so sad and I can't be so happy. Dapat sakto lang. Kailangan ma-control ko ang emotions ko. That's why di ako pwedeng ma fall kahit kanino ..kasi pag na inlove ka di mo maiiwasang masaktan o maging sobrang saya.
" di bale nak' pag may heart donor kana ..pwedeng pwede na" pabirong tugon ni daddy habang hinihimas ang buhok ko.
" hahaha si daddy talaga.." bahagya akong natawa sa sinabi ni daddy. Nagsimula na din kaming kumain.
Ilang sandali pa ang nakalipas ay natapos na din kaming kumain. Medjo mabigat pa rin aking pakiramdam dahilan marahil ng puyat pero di ako nagpahalata kina mama. Kumuha ako ng baso at nilagyan ng tubig ang baso ko. Nakakailang lunok pa lang ako ng tubig ay bigla na lamang sumikip ang dibdib ko.
Nilapag ko ang baso sa mesa at napahawak ako sa dibdib ng mahigpit.. Ang sakit!
" Juliana??! " tawag sakin ni mama ng makita nya ako.
" Ma...ang..sakit.." hirap na hirap kong bigkas.
Agad na tumakbo si mama papunta sakin.
" LUISSSS! LUISSS! Si Julianaaa" sigaw ni mama kay daddy na umakyat balik sa taas para kunin yung susi ng sasakyan.
Agad agad na nagmadali si daddy na bumaba ng hagdan. Natataranta syang lumapit kung nasaan kami ni mama.
Saktong dumating si daddy sa tabi ko ay nawalan na din ako ng malay dahil sa sobrang paninikip ng dibdib ko.

BINABASA MO ANG
ALMOST A LOVE STORY
FanfictionSabi nga sa Sid and Aya movie " Hindi porket may i love you ay love story na..."