CHAPTER 3
Austin's P.O.V
After namin mag usap ni "Shaine" daw agad na akong umalis papuntang computer shop.. Hindi ako pumasok ngayon. Wala trip ko lang. Kinuha ko ang susi ng motor ko at nag drive. Malapit lang naman yung computer shop kaya lang sobrang init hahaha.
Pagka dating ko , nakita ko ang motor ni Jasper. Tinabi ko ang motor ko malapit sa motor nya at pumasok na agad sa loob.
"Hoy ! Mga weak ano na?!! Hahaha" Bungad ko sakanilang lima. Nagkakantyawan kasi sila habang naglalaro.
"Sht bro! Ambilis mo a. " sabi ni Jasper na busying busy na nakatutok sa computer.
"Ako pa! Hahaha" sabay upo sa pinaka dulong computer sa tabi ni Ryan. "Tae. Sht talo nanaman arrgh!" padabog na tumayo si Ryan. Nag unat muna sya ng katawan bago umupo ulit. Halatang kanina pa sya nangangalay kakalaro lmao hahaha. " Di ka pa ba sanay Ry? Hahahaha" kantyaw ni Liam. Kina Liam nga pala itong computer shop , kaya dito kami madalas tumambay kahit gabi na. Haha
"Ang yabang mo! Isa pa. " sagot ni Ryan na halatang medjo naasar " Ayyy . .sige2 gusto mo pa matalo a hahaha Baka maubos lang allowance nyo hahah" pagmamayabang ni Liam. Oo mayabang talaga sya at nakakaasar. Well, mayabang ako pero gwapo oh right! Hahahah seryoso, minsan nakakaasar talaga sya.
'' Ulol daming dada.."sagot ni Ryan. " Game! Ano Austin sali ka?" tanong ni Liam sakin. "Oo mamaya. Mag facebook muna ako hahah" sagot ko. Open muna ako ng Facebook baka nag message si mama. Wala nakong allowance e. Nasa US ang mama ko. Isa siyang caregiver.
" Asus si Austin , siguro may chix ka nanaman no?" kantyaw sa akin ni Lenard.
" Hahahaha lol " tinawanan ko lang sila..
Habang nagsimula na silang maglaro, binuksan ko na yung fb account ko.
Umabot na sa 99+ yung friend requests ko. Wow famous! Loko lang. Hahaha Habang inuusisa ko ang mga nag friend requests sakin ..syempre stalk muna bago accept. XD
Inadd ko na lahat ng babae na pasok sa taste ko ahahah. At ilang segundo lang biglang nag pop up ang friend request galing kay Mary Shaine Mendoza.Agad kong inistalk si Shaine.
Sh*t! Chix pare. Hahaha
Ang ganda niya..mahaba ang buhok niya at straight na straight. Maputi at magkasing tangkad kami. Bilogan ang hugis ng mukha nya at nakasuot ng eye glasses. "Siguro..matalino sya" sabi ko sa isip ko. Ibang iba sya kumpara sa mga babaeng kadalasan kong nakaka date. Simple lang sya yung tipong di na kailangan pang mag ayos ng todo para lang magmukhang maganda.Agad kong inaccept ang friend request niya. At ng makita kong online sya ay chinat ko na din ..
Me : Ayiieee! Inaccept ko na friend request niya 😍
Siya : typing.....Ang tagal namn mag reply. Tadtarin ko nga hahaha
Me: Oyyy kinikilig sya
Naiihi ka na ba sa kilig?Hey! Gwapo ba ako??
Siya: Baliw ka?
Me: Bwahaha ang tagal mo mag type
Siya : Bakit? Excited ka?
HAHAHAHAHA
Me : Lol hahahah malapit ka lang pala e. Meet tayo!
Siya : Ayoko. Rape.pin mo pa ako e hahahahahah
Me : oyyy feeler. . . Hahah
Siya : Hahaha
Me : Baka magpa rape ka pa saakin e. Haha
Siya : In your dreams
Hindi ko namalayan na tumatawa ako habang nagtatype. . Ewan ko ba , natutuwa ako kapagka naaasar sya hahaha.
"Hoy! Austin, parang tanga ah. Sino ba yan ha..." tanong ni Ryan sakin habang sinisilip kung sino ba ang kausap ko.
"Sino nanamang biktima mo jan Oz" pang aasar ni Liam sakin. Nagsi tawanan naman sila.
" Mga chismoso! Hahaha " sagot ko sakanila. Agad kong sinara ang chatbox ko bago pa man nila masilip. Hindi ko ugaling mag share e haha nagkunwari nalang akong tumitingin ng kung anu-ano sa news
feed ko.
" Sige na. Maglaro na tayo! Puro ka Facebook e!" asar na sabi ni Lenard. Tinapik niya ako sa balikat bago bumalik sa upoan nya. "Oo na, sandali." sagot Ko at ng makitang wala ng asungot sa likod ko agad akong bumalik sa chat box.Nireplyan ko muna si Shaine. Ewan feel ko lang magpaalam sakanya.
Me : Lol sige na bye. Laro muna ako ng dota haha
Siya : K.
Sana matalo ka.
Me : In your dreams. ..
Siya : Haha yabang!
Me : Bwahaha byeHindi na sya nag reply. Chinat ko muna si mama para makahinge ng allowance hehez. Pagkatapos ay naglaro kami magdamag at as usual nanalo nanamn ako.
"Tara shot muna tayo!" pag aaya ni Ryan habang palabas kami sa computer shop.
" Tamang tama meron ako dito..." sagot ni Lenard sabay may dinukot sa bulsa niya na isang maliit na pakete ng droga.
"Libre ba yan?" tugon ko sakanya. Hindi na ako nagulat dahil sakanya naman kami bumibili.
"Ano? Syempre hindi. Pero presyong kaibigan lang 350 isa..malupit to bro d ka magsisisi" sagot ni Lenard sakin.
Nag tinginan kaming tatlo ni Ryan at Jasper ..
Tumango naman silang dalawa na ibig sabihin ay kunin ko na ang inaalok ni Lenard.
"Sige. Bigyan nyukong dalawa ng teg 100, wala na akong pera! " pagmamaktol ko.
Natawa naman sila sakin at inabot sakin ang pera nila. Pinunan ko nalang ng 150 para solve na. Pagkatapos ay dumiritso na kami sa bahay namin.."i-lock mo yung pinto Jas!" utos ni Ryan kay Jasper na nakatayo sa harap ko habang sinisindihan ko ang droga na hawak ni Ryan.
Agad naman inilocked ni Jasper ang pinto.Yes, I use drugs.
Sabado bukas kaya magiinoman kami hanggang umaga at kailangan namin ng energizer. Bwahahaha
Kagaya ng napag usapan ay Pagkatapos namin humithit ay nag inoman na kami. Bumili kami ni Ryan ng maraming alak at Bumili naman si Jasper ng pulutan. .
****
Alas tres na ng umaga kami natapos mag inoman.
At alas 11 na ngayon ng umaga. Sobrang sakit ng ulo ko. Bumaba ako para kumain dahil kumakalam na ang sikmura ko.
Nagtimpla ako ng kape at kumuha ng kanin. Sakto at may natirang ulam kaninang umaga, itlog at pritong isda.
" Austin! Saan ka nanaman galing kagabi? Akala mo siguro hindi ko alam ang pinagagawa mo! " Galit na galit na sabi ni papa sakin.
Hindi ako umimik. Nanahimik lang ako at patuloy sa pag subo ng kanin." Wala kanang ibang inatupag kundi yan walang kwenta mong bisyo!! Ayosin mo ang buhay mo Austin . . wag kang pariwara! Parehas lang kayo ng kapatid mo! Mga walang direksyon ang buhay! Ito tatandaan mo ha.. Kapag hindi ka pumasa sa taong ito.. HINDI KANA MAG AARAL! BAHALA KA NA SA BUHAY MO !!" gigil na sabi ni papa sa akin hinampas nya ang mesa ng malakas at umakyat na sa taas. Kinagat ko ang labi at ikinuyom ang kaliwang kamay ko. Napa higpit ang hawak ko sa kutsarang hawak ko dahil sa sinabi ng tatay ko.
Gusto kong sagotin sya at sabihing bakit hindi niya subukang itanong sa sarili niya kung bakit nagka ganito kami. Walang silang ka alam alam na sila ang dahilan kung bakit pinili kong mag bisyo at mag liwaliw kaysa mag aral at maging isang mabuting anak. Wala naman silang ibang nakikita kundi ang mga mali ko. Hindi naman nila alam ang nararamdaman ko. Ni minsan hindi ko naramdaman na naging magulang sila sakin. Walang silang paki sa nararamdaman ko! Mabubuhay ako sa paraang gusto ko at wala na silang magagawa don!
Binilisan ko ang pagkain at bumalik sa kwarto. Itutulog ko na muna to dahil sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hang over ko. . .
To be continued
Sana madagdagan yung followers ko. :(
Thanks for reading! Have a nice day ❤
BINABASA MO ANG
ALMOST A LOVE STORY
FanfictionSabi nga sa Sid and Aya movie " Hindi porket may i love you ay love story na..."