CHAPTER 7 ( Part 2)

11 1 0
                                    

Chapter 7 [ Part 2 ]

JULIANA's P.O.V

Mahigit isang linggo na din kaming nagpra-practice ng sayaw para sa PROM at excited na ang karamihan para isuot ang kani kanilang gowns sa araw na yon. Noong Sabado lang sabay kaming apat nina Shaine , Crisha at Angela na pumili ng gowns na gagamitin para sa darating na prom.

Simple lang ang gown na pinili ko hindi naman ako sanay magsuot ng mga gan'tong klaseng mga kasuotan. Ganon din naman sila Shaine, Crisha at Angela.  Kulay pink ang gowns naming apat para parehas kami hehe magkaiba nga lang yung designs. Bumili naman si Angela at Shaine ng sapatos, hindi na ako bumili kasi medjo madami naman na akong sapatos na pinadala ni ate Joarah tsaka marami din syang mga pinaglumaan na kasyang kasya saakin. Si Crisha naman ay binigyan naman ng pambili ng papa niya pero sabi niya hihingi nalang daw sya saakin ng sapatos hahaha. Nako! Corrupt talaga yun. Pumayag naman ako kasi medjo nga marami yung sapatos namin sa bahay sayang naman nakatambak lang doon.  Pagkatapos ay bumili din kami iba pang gamit like make-ups , eye liner, hair clips and more.

Ngayon naman buong araw na kaming nagpra-practice ng sayaw. Medjo mabigat yung pakiramdam ko pagka gising ko pero kaya ko naman.

" Okay ka lang ba, Juliana? " nag aalalang tanong sa'kin ni Andres habang nagpra-practice kami ng sayaw.

" Oo bakit? " matamlay kong tanong.

" You look pale. Pwede ka naman sigurong eexcuse e. Sabihin natin kay ma'am! " bakas sa mukha nya ang pag aalala.

Assuming na kung assuming mga mamsh pero may kilig na hatid saakin ang pag aalala niya.

" Hmm gusto mo lang ata magpahinga e. Naiinitan kana no? aminin... " biro ko sakanya.

Bahagyang ngumiti sya at parang pinag aaralan ang mukha ko kung okay lang ba talaga ako " Ang init nga e. Haha kaya baka gusto mo magpahinga muna "

Natawa nalang kaming dalawa sa sinabi niya. Medyo nagiging close ko na sya ngayon at nabibiro ko na sya pero nanjan parin yung kilig hehehe.

" Sige. Pero ikaw magpaalam kay ma'am"

" Oh sure. Wait lang ! "  hinanap ng mga mata niya si Ms. Cristobal na syang naka assign na magbantay sa amin ngayon.

Mabilis na lumapit si Andres kay ma'am habang ako ay naiwan muna sa pwesto namin kanina.. Nakatitig lang ako kay Andres na kasalukuyang kinakausap si Ms. Cristobal. Ramdam ko na talaga na parang unti-unti nanamang sumasakit ang dibdib ko. Nakita ko si Andres na nakangiti na nakatitig saakin nakakasiguro ako na pinayagan kami na magpahinga muna.

Mabilis siyang naglakad palapit sa'kin " Pumayag si ma'am!  Tara kain muna tayo sa canteen" hinawakan niya ang kamay ko.

Nagulat ako sa ginawa niya kinikilig ako pero d*mn this ! Pasikip ng pasikip ang dibdib ko.

" Wait lang. " yun nalang nasabi ko. Hindi pa kami nakakalayo ay di ko na kaya pang humakbang. Napahawak ako sa dibdib ko at pilit na huminga. Wala na akong marinig kundi ang tibok ng puso ko at nagsisimula na ring dumilim ang paningin ko. Hanggang sa tuloyan na akong nawalan ng malay....

NAGISING ako na nasa hospital na ako. Kasama ko si mama. Alam ko na wala pa syang pahinga simula kahapon. Naaawa ako kay mama dahil alam ko na alang alala nanaman silang dalawa ni daddy sa'kin. 

" Ma, kailan daw tayo makakauwi? " tanong ko kay mama habang naghahanda sya ng pagkain para sa'kin.

" Mga 5 days pa tayo dito, nak." lumapit sya sa'kin at inalalayan akong maupo sa kama para kumain.

" Huh? e sa makalawa na yung PROM namin ma.. Hindi ako makaka attend ma?" naiiyak na tanong ko.

" Juliana , you have to be okay first. Wag matigas ang ulo please anak?" hinawi nya ang buhok ko at nilagay sa likod ng tenga ko..

" maaaa, please?  Ok naman na ako e. Please? " pagmamakaawa ko sakanya.

Tinitigan ako ni mama sa mata...

" Okay, pag pumayag si daddy mo we will talk to your doctor. For now kumain kana muna.."

" Yiee thank you ,mama! I love you. . " sobrang nasiyahan ako sa sinabi ni mama niyakap ko sya ng mahigpit.

Pagdating ni daddy ay nagpaalam kaagad ako at pumayag naman siya basta daw magpapalakas muna ako. Sabi naman ng doctor ko ay kung mapilit daw ako ay pwede naman basta naka wheelchair ako. Ayaw pa sana niya kaming payagan kasi medjo di pa daw kaya ng katawan ko pero sa huli nakumbinsi din namin siya dahil baka mas lalo pa akong lumala pag masyado kong dinamdam ang lungkot.

Matutulog na sana ako ng tumawag si Shaine sa'kin.

" hello? Beshy! " - Shaine

" wow miss na miss besh?! Haha"

" Gaga! Kmusta kana?!" -Shaine

" OK na ako besh.. Ito tamang pahinga lang. "

" Malapit na ang PROM! Pupunta ka ba? " Shaine

" Sana besh.. Pero di na ako makakapag cotillion dance. "

" Ano ka ba! Okay lang yan. Basta ba nandito ka!  " - Shaine.

" Thanks besh. See you! Bye."
Binaba ko na ang phone ko. At nagpahinga na.

Naging mabilis ang panahon. Nakalabas na ako sa hospital at ngayon ay nandto na kami sa venue kung saan gaganapin ang PROM. Habang hinihintay namin mag start ang program ay nag pictorial muna kami, char! Model ka ghorl? Hahaha nagdala kasi ako ng camera para naman remembrance di ba. Hehe

Grabe din yung saya ko ng magpa picture si Andres sa'kin. My goshhh!
Alam na din niya na hindi ako pwedeng sumali sa cotillion dance which means wala syang partner. Nalungkot ako para sakanya kasi sayang naman first time pa naman sana namin na maka attend ng PROM tas dinamay ko pa sya na di maranasan ang cotillion dance. 

" Bakit ganyan ang mukha mo, Shaine ? " medyo natatawang tanong ni Crisha kay Shaine na nakabusangot ang mukha

" Si Kyle kasi hindi yata makakapunta. Naglaro daw ng basketball kahapon tas na injured yung paa, ayon pinagbawalan ng doctor na tumayo sabi ng pinsan niya. " halatang dismayado nyang sagot.

Napaisip naman ako bigla na wala ding namang ka partner si Andres bakit hindi nalang sila hehe. I texted Andres para alokin nya mamaya si Shaine na sila nalang ang magpartner. Hindi ko na sinabi kina Shaine ang naisip ko , para may konting thrill haha lol.
Agad naman pumayag si Andres.  Hindi nagtagal ay nagsimula na ang program. Nagulat naman si Shaine ng lumapit si Andres sakanya, tumingin pa sya sa'kin para siguradohing okay lang ba sa'kin ngumiti naman ako at tumango..tsaka nya lang inabot ang kamay ni Andres. 

Kitang kita ko sila mula dito sa kinauupoan ko. Kitang kita ko na nag eenjoy sila sa isa't isa. Hindi ko alam kung nagseselos ba ako o kung ano. Idea ko naman to but why am I feeling this way? I can't be jealous with my bestfriend.

Hindi ko maiwasang maisip na Sana ako nalang yung kasayaw niya ngayon.. Ako dapat yun e..
Naramdaman ko na bigla nalang tumulo ang luha ko sa pisngi ko. Agad ko iyong pinahid bago pa may makahalata.

Dahil sa bigat ng nararamdaman ko nag text ako kay daddy na magpasundo ng maaga. Kaya after namin mag dinner ay sinundo na ako ni daddy.

I still enjoyed the night. I didn't hate my bestfriend instead I'm happy for her because the way Andres looked at her I can say there is something special.  After all my bestfriend deserves someone like Andres..they look good together honestly.

To be continued. .

ALMOST A LOVE STORY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon