CHAPTER 4
Juliana's P.O.V.
"Beshieee! Inadd ko na yung Austin sa account mo. " chika ko kay Shaine. Andito kami sa kwarto ko ngayon, dahil Sabado ngayon at walang pasok naisipan niya akong bisitahin at para pahiramin ako ng notes. "Hala. Ano besh gwapo ba?" excited na tanong ni Shaine sakin. "Oo beshh gwapo. Kaya lang medjo mayabang at presko!" honest na sagot ko sakanya. Totoo naman e 😔 "Haha bakit besh? " natatawang tugon ni Shaine. "Basta sobrang feeling.." sobrang asar na sabi ko.
"Hmm e bakit mo inadd? Yieee!" panunukso ni Shaine sakin habang tinusok tusok yung tagiliran ko. Natawa naman ako sa ginagawa nya or more like nakikiliti hahaha. "Haha wag besh bawal akong kilitiin hahahah" saway ko sakanya habang di ko mapigil na matawa ...
"Ay sorry besh hahah" tinigil nya agad ang pangingiliti alam nya kasi bawal akong tumawa ng sobra dahil mahihirapan akong huminga.
"I just added him kasi para you know ...magka lovelife ka na man.." pang aasar ko sakanya.
"Ay wow hahah supportive! You're so sweet beshiee. " sagot nya saka pinisil ang pisnge ko.
"Patingin naman ako kung anong itsura ng Austin na yan" dagdag nya. Bumangon sya mula sa pagkakahiga sa kama at kinuha ang laptop ko na nasa study table. Bumalik sya sa kama at nilagyan ng unan ang kanyang legs at doon ipinatong ang laptop. She opened her fb account and searched Austin's profile.
"Yan sya besh !" turo ko sakanya.
"Oh myy.. Gwapo nga beshh! Pwede nato char hahahaha" kilig na kilig na sabi ni Shaine.
Alam ko na talaga na magugustohan sya nito.
Napangiti nalang ako sa reaction ni Shaine. I'm happy for her. I mean I'm happy to see her happy .
"Besh , baka chickboy to!" tanong nya saakin habang patuloy ang pag istalk kay Austin.
"Honestly besh , yeah he is. Obvious naman e, pero you know what di nya ako nilalandi pag nag uusap kami lagi nya akong inaasar unlike don sa mga na co-comment sa posts niya..tignan mo mga replies niya apaka landi e " sagot ko."O? Maybe because. .you're different! Ayieee",panunukso nito.
"Lol paanong different? Ay nako Shaine tigilan mo'ko ! " natatawang sagot ko.
Bumalik naman ako sa pagkakahiga at niyakap ang isa pang extrang unan ko..
"Malay mo ..may crush na sayo yun! " patuloy na panunukso ni Shaine.
" Oh my gosh ,Shaine! Hahah baka sayo! Ikaw kaya yung nasa imagination niya " ganti ko kay Shaine.
" Whatever besh.." umirap sya na may kasamang ngiti.
" Girls, kain muna kayo gumawa ako ng merienda! ", pumasok si mommy sa kwarto.
" Tara besh kain tayo..." Bumangon ako at inaya si Shaine sa baba para kumain.
Habang nasa baba kami at kumakain, patuloy ang kwentohan namin.
" Beshiee , what if gusto niyang makipag meet?",tanong ko sakanya.
" hmm, siguro. Gusto mo ba? " casual na tanong nito.
" Depende sayo. Kung okay lang sayo :) "
"Sige ba. Wala naman problema sakin .." ngumiti sya at sumubo ng spaghetti na niluto ni mommy.
Na excite ako sa sagot niya, "Really?!! ...pero tsaka na pag medjo kilala ko na sya"
"Anytime besh.." patuloy pa din ito sa pagkain.
Ewan ko kung bakit na eexcite ako sa idea na magmi-meet sila. I better make sure na hindi sya masamang tao. I mean di ko naman ipapahamak yung beshie ko no. .
Mga alas tres ng hapon kami natapos mag chikahan ni Shaine. Sinundo na sya ng daddy niya.
Pagkauwi nya ay agad ko pinag aralan ang lessons namin para di ako mahuli pagdating ng lunes.
To be continued. ..
A/N : ang ikli ng chapter 4 hehe
Wala na kasi akong maisip..Baka mag update din agad mamaya for chapter 5. Abang lang :)
Thank you so much sa pagbabasa ❤
Keep safe guys.

BINABASA MO ANG
ALMOST A LOVE STORY
FanfictionSabi nga sa Sid and Aya movie " Hindi porket may i love you ay love story na..."