CHAPTER 9
AUSTIN'S P.O.V
" Austin! Bumangon kana jan! " nagising ako dahil sa lakas ng boses ni papa. Pumasok sya sa kwarto ko at as usual galit nanaman siya. Hindi ako umimik bagkus ay tumagilid ako at ipinatong ang isa kong unan sa tenga ko. Nakakainis!
Lumapit ang tatay ko at hinablot ang unan at hinampas sa akin "Alam mo bang sobrang late kana? Ano?! Di ka nanaman papasok?! Wala ka talagang kadala dala e no? .. Sige! Alam ko naman na hindi ka din naman papasa ..mabuti nga siguro wag kanang magsayang ng panahon para pumasok ! Dito ka lang sa bahay ha at wag na wag kang lalabas! " gigil na sabi ni papa.
Kahit medjo masakit ang ulo ko ay bumangon na ako. Kilala ko si papa alam ko na hindi niya talaga ako palalabasin ng bahay at kapag sumuway ako ay panigurado akong papalayasin na niya ako.
" o? Bakit ka bumangon? G*go ka ba talaga Austin? Wag kana mag sayang ng pagod HINDI KANA PAPASA! Dahil wala kang utak ,bobo!."
" PAPASA AKO! Dahil di ako kasing bobo ng iniisip mo! " hindi ko napigilan ang sarili ko na sagutin siya. Pucha! Ang sakit na ng mga pinagsasabi nya.
Tumawa pa ito na akala mo ay nagbibiro ako, " Ohh, PATUNAYAN MO! Dahil kapag hindi..mag hanap kana ng ibang matitirhan mo. Nakakahiya ka!" matapos ay lumabas na sya sa kwarto.
Malakas kong sinara ang pinto ng kwarto. Kinuha ko ang tuwalya ko at dumiretso sa banyo para maligo. Habang naliligo ako ay di pa din natatanggal sa isip ko ang sinabi ni papa. Dahil sa inis ay sinuntok ang dingding ng banyo. Di ko naramdaman ang sakit kahit pa gawa ito sa semento. T*ng inang buhay to!
Binilisan ko na ang pag ligo para makaalis na sa bahay nato!
Pagkatapos ko maligo ay tinignan ko ang wallet ko ..tamang tama konti nalang ang pera ko. Sakto lang para pagkain at panggasolina ko sa motor. Paano naman ako hihingi sa tatay ko neto? Ugh. Buset!
Hindi ako nanghingi kay papa ng baon dahil baka may masabi nanaman. Umalis nalang ako! Hindi muna din siguro ako iinom o maglalaro ngayon wala din ako sa mood.
Dahil sobrang late sa canteen nalang muna ako nagpalipas ng oras at hihintayin ko ang susunod kong subject.
" Austin? Babe?..." sambit ni Zyra.
Napadaan pala sya sa canteen at may dalang mga test papers.
" Oy? " gulat kong tugon sakanya.
" Bakit di kana sumasagot sa mga tawag ko? Anong nangyari?" malungkot na tanong neto.
" Sorry ha, naparami kasi ang inom ko e. " pagkukunwari ko. Dahil ang totoo ay ayaw ko muna syang makausap.
" I miss you, babe.." sabay hawak sa kamay ko.
" I miss you too. " sagot ko sakanya kahit naiilang ako.
Akmang hahalikan na niya sana ako ng biglang nag ring ang bell. Kaya napaatras ako mahirap na. Hindi ako yung tipong nakikipag halikan in public.
" Sorry babe, mamaya nalang. Hahatid kita. Bye!" agad kong kinuha ang bag ko at mabilis na tumakbo papunta sa room ko.
****
Mag aalas tres na at ipinatawag ako ni Ms.Laurel sa faculty room.
" Pinatawag kita Mr. Sanchez para sabihin sayong baka hindi ka nanaman pumasa this year. I need to talk to your parents. "" E, ma'am. .ofw po yung nanay ko" kinakabahan kong sagot.
" what about your father? I know you're living with him Mr. Sanchez.."
BINABASA MO ANG
ALMOST A LOVE STORY
Fiksi PenggemarSabi nga sa Sid and Aya movie " Hindi porket may i love you ay love story na..."