CHAPTER 15

9 0 0
                                    

Austin's POV
            
     " Babe, kanina ka pa tingin ng tingin sa cellphone mo. May hinihintay ka bang mag text ?" naiinis na tanong ni Zyra.

" Sorry. Wala naman, sige na kumain kana. " sagot ko at nilapag sa mesa ang phone ko.

Sabado ngayon at kasama ko si Zyra. Nag aya kasi syang kumain sa labas. Hindi naman ako makatanggi kasi baka mas lalo pa syang maghinala sa nararamdaman ko para sakanya , I mean ayoko munang maging single.

Kaya ako tingin ng tingin sa cellphone ko ay dahil hinihintay kong magtext si Shaine ..ay Juliana pala ! Ang gulo. Hindi naman talaga ako nagalit nong sinabi ni Juliana ang totoo. Ewan, gusto ko syang makita at magpasalamat. At gusto ko din makita si Shaine sana isama ni JUliana si Shaine.

" Baka naman may iba kana babe?" pangungusisa ni Zyra habang kumakain ng pizza.

" Wala ah... Tsk ikaw naman " agad kong tanggi.

Sakto naman pagka sabi ko non ay biglang may nag text . Pero mabilis itong hinablot ni Zyra.

" Ano ba Zyra! Akin na nga yan. " medjo napagtaasan ko sya ng boses dahil sa inis.
Nagulat sya sa naging reaksyon ko dahilan para matigil sya sa pangingialam sa phone ko. Agad ko naman iyong hinablot pabalik.

Binasa ko muna yung text bago mag salita ulit.

Message from Bespren_SHAINE

I'm here na. I'll wait til 4PM..hope you'd come! See you...

" Ayoko sa lahat yung pinapaki-alaman ang mga gamit ko. Kung di mo kayang respetuhin yun mas mabuting maghiwalay nalang tayo." direktang sabi ko sakanya tsaka tumayo na ko at naglakad paalis.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Zyra. Iniwan ko na sya at nagmadaling pinaharurot ang motor ko papunta sa kung saan ko kikitain si Juliana.

Pagkaraan ng isang oras ay narating ko na ang mall kung saan sya naghihintay. Pagka hubad ko ng helmet ko ay tsaka ako nakaramdam ng kaba. Takte! Bakit ako kinakabahan?

Pinilit kong alisin ang kaba sa dibdib ko. Nang makapasok ako sa mall ay agad kong tinext si Juliana.

Nasaan kana nandito nako..

Message sent!

Nagpalinga linga ako baka sakaling mahagip ng mata ko kung nasan sya.

Nang mag vibrate ang phone ko ay madali kong binasa ang text nya..

Message from Bespren_SHAINE

Andito kami sa 2nd floor. Kain muna tayo, nag order ako ng chicken joy sa mcdo XD

Kumunot ang noo ko sa text nya. Pinag trirtripan nya ba ako?

Saan ba? Mcdo o jollibee?

Message sent!

Message from. Bespren_SHAINE

HAHAHA joke lang. Jollibee: )

Hindi na ako sumagot sa text nya. Agad kong tinungo sa kung nasan sya..sila . Ramdam ko ng si SHAINE ang kasama nya.

Nang makapasok ako sa loob ay hinanap ko na agad kung nasan sila pero di nagtagal ay may tumawag sakin

" Austin! Here !!" - si shaine . kumakaway pa sakin. Yung babaeng kaharap nya ay hindi man lang ako nilingon.

Hanggang sa marating ko ang kinaroroonan nila.

" Austin, your real bespren .. Juliana " pakilala ni Shaine kay Juliana sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ALMOST A LOVE STORY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon