Chapter 7.2

4.7K 137 9
                                    

Continuation.
__
...

•JONAH'S POV•

Sumulyap muna ako sa mansion bago binuhay ang makina ng sasakyan ko na nakaparada sa harap ng grand staircase.

"You deserve to know, Bautista. Feel what I feel," huwag kang magkulong sa kabutihan lang ng ama mo, dahil pakitang tao lang lahat ng ginagawa niya, demonyo siya. Kung demonyo siyang nakatunganga lang sa pagkakapatay ng Mama ko, mas demonyo ako.

No one was there to help her. My father who I trust and believe that would do was just staring at her like a beast that can't be slammed by a mercy. Nakatanaw lang siya habang ginagapos ang Mama ko, binugbog at hinaras. Nagalit ako sa sarili ko kung bakit isang siyam na taong gulang lang akong walang magagawa.

I felt so worthless at that time, kaya kahit ngayong alam kong huli na para tulungan ang Mama ko, gusto ko lang maghiganti sa kalapastangan na ginawa nila. Hustisya lang. Hustisya na ako ang gagawa.

Ang hustisya ng batas ay minsan hindi makatarungan. Minsan na ako lumapit at nagmakaawa na isaka ang kaso sa korte, musmos na bata lang ako, but no one dare to help me. No one.

Kung hindi ko madadaanan sa tama ang pagkamit ng hustisya, edi, daanin natin sa maruming paraan. Wala na akong awa sa iba. Ubos na ubos na ako.

I'm just waiting for my mission to end. I'm just waiting for my revenge to end, and I will surely go with my mother. Kaya ilalayo ko talaga ang sarili ko kay Bautista kasi binabasag niya lahat ng plano ko sa buhay.

Kapag nakikita ko kasi siya...umiiba ang pananaw ko. Nakakalimutan kong maghiganti, nakakalimutan kong may misyon din ako. Nakakalimutan ko ang lahat ng kasamaan sa mundo, at isa itong hindi magandang pangyayari sa buhay ko. Hindi na ito maganda.

Mas lalong masama na humahanga siya sa akin. She is infuatated, I know, hindi iyon maipagkakaila, pero imbis na magsaya ako, nanghihinayang pa ang peste kong katawan kung bakit infatuation lang 'yon.

She's innocent who doesn't know her feelings, and I don't want to deal with that kind of person who is too innocent.

Kaya sinadya kong papapasukin siya sa opisina ko. She'll surely read some signs there. Mga hinanakit ko lang ang mga iyon noong bata pa ako. Alam kong may mababasa siyang gugulo at wawasak sa buhay niya.

Yes baby. Your father was one of those montrous being that is addict of dealing illegal business with my father. Sakim din sa pera at kapangyarihan ang ama mo.

You deserve to know that.

Pinaharurot ko na ang sasakyan ko patungo sa headquarters ko. Trejus said that they have caught a bank hacker yesterday. I will deal with him this time. Ilang bilyones ang nakuha niya sa ilang mga bangko sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa.

Pagkalipas ng ilang oras ay nakapasok na ako sa headquarters. Dumiretso ako sa interrogation room kung saan naabutan ko ang tagabantay ng headquarters, si Daemon Alferez.

"Boss," sumaludo siya sa akin kaya tinanguan ko lang siya. Nakatingin ako sa nakayukong lalaki, nakaupo siya sa puting silya sa ilalim ng malaking ilaw. "Percy Flavio is his name. Half-Filipino half-Belgian. Isang daang bilyones ang nanakaw niya sa sampung bangko rito sa Pilipinas."

Dahan-dahan ko siyang nilapitan, hinawakan ng baba niyang, pinatingin sa akin. His eyes were peircing coldly. Napangiwi akong binitawan siya. Masyadong malaki ang kasalanan niya.

She Who Stole My Beastly HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon