Chapter 9 - Opinion

12.1K 306 10
                                    


Chapter 9: OPINION

•JONAH'S POV•

I cannot contain the fast beating of my heart when Sister told me that Klad is worried about me. Kung paano niya nalaman na nalasing ako ay hindi ko na alam. Hindi naman siguro magsisinungaling ang isang madre, hindi ba? That idea blurred my negative image towards everything. Ang bagay lang na 'yon ang tanging umiikot ngayon sa utak ko.

Nag-aalala na siya dahil gusto niya akong talaga? Hindi ko iyon maipagkakaila na may nararamdaman si Klad sa akin na parang ngayon lang niya naramdaman. And infatuation that is. I am worried because of that. Na baka nag-aalala lang siya dahil sa mga bagonh usbong na emosyon. And why would I even worry?

F-ck! Nababaliw na talaga ako. This is not really good anymore. Wala talagang maganda kapag binabaliw ka ng isang tao na kinagagalitan mo. O rephrase, anak ng kinagagalitan mo, ang mas bagay.

Nakatingin ako sa babaeng inaayos 'yong kamay ko dito sa repleksyon ng salamin habang nagbibihis ako ng pang-opisinang kasuotan. Sabi kong hindi na niya kailangang gawin pero she insisted to do it, ginagampanan niya raw nang maigi ang utos ng kanyang kapatid.

Her skin is snowy fair and her long hair is cascading to her back, and it's beautiful. Kapag tinitigan mo ang mga mata niya ay magaganda iyon. Magkamukhang magkamukha talaga sila ni Klad, the only difference are that Klad's skin is brown, morena brown and she was wearing eyeglasses. Kung hindi ko pa nababanggit, isa pa siyang madre. If I'm not insane to Klad's presence, sasabihin kong sayang siya. Boys in her age can be smitten by her beauty, unique and exquisite beauty.

Kapaniwala-paniwala man o hindi, may kakambal talaga si Klad na hindi sinabi sa akin ni Crex. Not that I'm interested on his family, ngayon lang naman dahil kay Klad.

Sh-t! Kailan pa naging may ibang dahilan ang mga ginagawa ko sa buhay? Lahat ng ginagawa ko ay para lang sa Mama ko, at hanggang paglaki ko ay inaalay ko lahat ng mga ito sa kanya, dahil sa nangyari.

I live only for my mother's justice. That's my fifth rule. Iyan lang ang nasa isip ko hanggang paglaki, natiwarik lang 'yan nang nagkagusto ako kay Peitho. I cannot believe this time that when that happened years ago, I thought me and her can build a beautiful future. Hindi ko inakala na ganoon pala ang lalim ng pag-ibig ko para maisip na pakasalan ko siya. Pero this time, I thank all sh-ts dahil hindi ako ang pinili niya. It's cheesy to remember those times that I was inlove.

She always chose Thomas and I don't have any grudge against it anymore. Wala na akong pakialam, at wala na rin akong pakialam kay Thomas, pero may pumipigil pa rin sa akin para hindi makipagbati sa kanya. Maybe because, he tainted our friendship with betrayal. Noon, pinakalasan niya lang si Peitho na hindi nagpapaalam sa akin...sa amin. Kahit man lang respeto sa pagkakaibigan, nagpaalam siya kahit masaktan ako.

And it doesn't change anything this time, my heart is still full of hatred and anger towards everything. May marami pa akong dapat gawin para sa Mama ko. Marami pa.

At ang panlalambot para sa isang babae, Jonah, ay hindi katanggap-tanggap. F-ck! I will never let love enter my being once again. Kapag iyang bagay na 'yan ang maghahari sa puso ko, it will completely dominate me, and it's fearsome. Naalala ko noong umiibig ako kay Peitho, nawala ako sa wisyo, sa diwa at sa misyon, I forget all those bastards who killed my mother, at nang sa oras na nanahimik ako, hindi ko pala alam na umaangat na umaangat silang lahat, gained more name in the industry they are in. Lumago rin ang ilegal na negosyo ni Papa at Kuya, na hindi ko namamalayan.

See? Love is not a good thing for me, that's my least...or never my priority.

But I promise Sister that I will be good to Klad now.

She Who Stole My Beastly HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon