Chapter 25.2

3.3K 136 2
                                    

Continuation.
__
SA PAGSAPIT ng gabi ay abala ako sa paghahanda  ng pagkain. Napagdesisyunan ko kasi na dalawin ngayong gabi si Vice. Wala na naman atang mga press ang nagbabantay sa akin sa labas. Naiisip kong pagod na sila sa buong araw nilang paghihintay sa tapat ng mansion at sa labas ng subdivision. The security team of the subdivision may chase them away already for now.

Media were really desperate to know my point of view. Tama si Vice. Hindi maganda ang mga reporters sa akin. They brought my mind with too much stress. Sapat na siguro na may nag-interview sa aking taga magazine na mapagkakatiwalaan. Though, it's not really easy to trust people now adays, but my instincts said so.

Intuition never fail me naman. Umaasa akong ang balitang isinawalat ko sa kanya ang siyang maglilinis sa pangalan ni Vice pagdating ng tamang panahon.

"Para saan 'yan, hija?" biglang sumulpot si Nanay Ligaya sa likod ko at itinanong iyon.

Mag-la-lagpas alas nuwebe na ng gabi at iyong mga kapatid ko ay tulog na. I caught my parents talking at the pool. Nilamon na sila ng seryosong pag-uusap so I bet they will never recognize when I get out later.

"Dadalawin ko si Vice, manang," dadalawin ko siya na may dalang pagkain kasi na-i-stress daw si Marga sa kapatid niya dahil hindi ito namamansin kapag inaalok ng pagkain. Naiintindihan ko kung bakit siya nagkakaganoon.

"Gabi na, anak. At isa pa, hindi ka na makakalabas ng mansion," tama si Manang kaya napatitig ako sa kanyang matamis siyang nginitian.

"Cover me up, manang."

Napasinghap si manang na may pag-aalala sa mga mata na may takot na hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"Maraming bantay sa labas. Iyong mga magulang mo ay nag-uusap sa may pool. Mapapansin ka nun. Saka delikado nang lumabas, hija. Ano ka ba? Kung dadalhin mo yong kotse ninyo, mahahalata ka ng Daddy at Mommy mo. Anong gagawin mo? Mag-ko-commute?"

"Manang, hindi ka dapat matakot, okay. Maniwala naman kayo ngayon sa akin. I can handle myself now."

"Hindi mo ba napapansin? Pinahihigpitan ng Daddy mo ang security para lang sa'yo. Paano kong may desperadong reporter na nag-aabang sa'yo sa labas? Hija, dumito ka na lang at ako na ang maghahatid niyan sa presinto," tingin niya sa food boxes na nakahanda na. Naiintindihan ko rin ang pag-aalala ni Manang kaso gusto kong makita ngayon si Vice.

I did not given the chance to visit him this day lalo pa't kay dami kong nalaman sa araw na ito. From his father to my father. Ang totoong nangyari sa Mama niya. Hindi ko maatim na gusto akong ilayo ni Daddy sa Pilipinas na hindi nakikita si Vice. My flight is dated tomorrow.

Ngayon lang ang nakikita kong oras na pwede akong makawala sa mga nagbabantay sa akin. My decision is strong that I will not leave him. At gusto kong marinig ulit ang opinyon niya. Mahalaga sa akin iyon dahil malaki na ang na sakripisyo para sa akin. His famous name and dignity were crashed down into hell. Maybe if I will see him tonight, mababawasan ang bigat ng mga iniisip ko. Mawawalan ng isang kilo ang bigat ng puso ko kapag narinig ko ang boses niya. Kahit iyon lang para ngayong gabi.

"You can't convince him to eat, manang."

"Kakainin naman ata kung sasabihin kong galing iyan sa'yo," umiling akong hinawakan ang isang kamay ni Manang.

"Kaya ko 'to, manang. Kung nag-aalala ka sa akin. Pwede mo naman akong samahan," sa sinabi ko, nagliwanag ng konti ang mukha ni Manang.

She Who Stole My Beastly HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon