Chapter 9.2

4K 152 5
                                    

Continuation.

Note: Baka magtaka po kayo, hinati ko po sa dalawa ang mahahabang chapters. 😊 Not edited. Hinati ko lang ng deristo. 😂

__

...

•JONAH'S POV•

"Boss, Mr. Cuangco is the country. Nakasagap ako ng balita ay nandito siya para sa isang business deal," bungad ni Trejus sa akin habang nagpipirma ako ng mga dokumento para sa bagong ordinansa ni Thomas.

It's a home sitting in this government office. Nakakahinga ako nang maluwag sa mga bagay-bagay, pero ito naman ang sinasabi ni Trejus.

"You know what to do, Boselli. Give him the warmest warning he deserves. Just warning, ring the bell and viola. Huwag mong hayaang makatakas ang g*go na 'yan ulit," kalmadong malamig kong utos. Tama Cuangco, kainin mo ang mga bala na karapat-dapat para sa'yo. Hindi ka sana bumalik.

Tatlo na lang kailangan kong patumbahin eh. Si Bautista, si Cuangco at ang walang silbi kong ama na hindi na bumalik sa amin. Huling kita ko sa kanya ay 'yong pinagalitan niya si Ezekiela.

"Boss, umuuwi na rin pala ang Kuya mo sa inyo. Galit na galit po siya dahil nakumpiska ng mga awtoridad ang bilyon-bilyong shabu niya, that's what I heard from the agency. Your brother is after the governor now."

"Mabuti nga sa Oscar na 'yan, and Thomas can manage himself. Maraming nagmamahal sa kanya, hindi pa 'yan mamamatay."

"Saka po nahanap ko ang Papa mo, nasa Maldives po siya, kasama ang bago niyang pamilya, the one I told you last month Boss," pumikit akong kinuyom ang kamao. That nerve of that old demon! Ayos lang naman sa akin na magpamilya siya kasi wala naman talaga siyang silbi sa amin ni Ezekiela. Galit na galit pa siya dahil nabuntis ang kapatid ko, at kahihiyan iyon. Ano pang mas nakakahiya sa ginagawa niya? Ang mag-asawa ulit. Though it's not public, pero nakakasuka isipin. I just jope he will be loyal to his new wife that he never did to my mother.

I want him to enjoy right now because he will taste hell in the next few months. Blood by blood, I will kill him with my bare fcking hands!

"Let him experience heaven muna, Boselli. Kapag babalik na siya rito, give him the grandest welcome," ilang segundo ako natigil at pinatay ang tawag. Wala pang minuto ay may tumawag na ulit, sinagot ko kaagad na si Ezekiela ang tumawag.

"Kuya," hikbi at takot ang bumungad sa akin. "Si Kuya Oscar...lasing po siya. May dala siyang baril. Kuya, iligtas mo ako rito. Gusto niyang mamatay ang baby ko."

"F-ck," napamura akong tumayo agad saka walang dalawang isip na lumabas ng opisina. "Saan ka niya dinala? Kalma ka, Eze, okay. I will be there."

Sinenyasan ko 'yong sekretarya ni Thomas na pumasok sa opisina ko dahil tapos na ang pinapirmahan niya. Pagdaan ko sa hallway ay nakasalubong si Thomas na kalmado at malamig ang mga tingin.

"Where are you Eze?! F-ck! Huwag kang umiyak. Hindi kita pinalaking mahina! Nasaan ka?!"

"Nasa kwarto niya lang, Kuya. Kinaladlad niya ako kanina dahil galit na galit siya kay Gov. Kuya, sinuntok...niya ako...Kuya...'yong baby ko. 'Yong baby ko..." wala akong pakialam sa mga taong nadadaanan ko at nagmumura ako ng wagas.

Kinain ako ng galit at puot. Anong karapatan niyang panghimasukan kaming dalawa ni Ezekiela? Sh-t!

"Man..." napatigil ako nang may biglang humawak sa akin. Susuntukin ko na sana siya nang makita kong si Thomas 'yon.

"Ano? Nagmamadali ako ha. Huwag ka munang sumabat."

"Ano bang nangyayari? You...f-ck, bakit ba ako nag-aalala sa'yong g*go ka..." umiling-iling akong hindi ko alam ang sagot saka sinamaan lang siya ng tingin.

She Who Stole My Beastly HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon