Chapter 17- Religious Nun

8.6K 243 3
                                    

Chapter 17: Religious Nun

•KLAD'S POV•

NAGISING ako sa isang mainit na hapon. Nakita ko naman ang mensahe sa isang nakatuping papel na nasa tray na may pagkain. From the looks of it, parang kanina pa ito nandito. Mukhang malamig na iyong sinigang eh.

'Baby, pagkagising mo, kumain ka muna bago lumabas. Smile for me.' -Vice J

I instantly smiled and got out from bed. Hindi ko alam kung saan ako nakatulog, ang naalala ko ...Wait. Nagkausap kami na Vice kanina habang umiiyak ako and I slept in his chest.

Kinuha ko iyong tray at lumipat doon sa may lamesa sa may balkonahe ng kwarto at nagpasyang dito na kumain. Mas nadagdagan lang ang pagkamangha ko nang natikman kung gaano kasarap iyong sinigang kahit hindi na talaga siya gaanong mainit.

I roamed my eyes around the large premises of the mansion. Napansin kong dumami ang mga taong nagbabantay sa bahay. Noong una, isa lang ang nagbabantay sa may gate, ngayon...tatlo na. Iyong sa may garden ay dalawa lang nakita ko, ngayon ay lima na sila. Naka-unipormeng kulay asul ang pang-itaas at itim na slacks naman sa ibaba. May nakakabit na lapel sa kanilang likod at nakasuksok sa gilid nila ang kanilang mga baril.

Masinsinan silang nagmasid na animoy may mga kalaban na dadating.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa may kama upang silipin ang cellphone kong tumunog kanina para sa isang mensahe.

Claire: I'll give you the time until this night. Sulitin muna ito. Confess your feelings and all. Nalaman ni Reverend Mother ang ginawa mo. She's angry. Alam mo naman kung ano siya kapag nagalit, hindi ba.

Ang magaan kong damdamin kanina ay napalitan na naman ng libo-libong pag-aalala. Minsan lang magalit si Tita, kung magalit man siya ay huhupa din at iintindihan ka niya, pero sa ganitong kalaking kasalanan ay hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng galit niya.

I'll accept whatever consequences they will impart to me. Ako ang gumawa nito, paninindigan ko. Sakto na siguro ang maging masaya ng maikling panahon.

Confess your feelings and all. Ang ibig sabihin ba nito ay sasabihin ko ang totoo kay Vice kung ano talaga ako.

Napaupo ako sa kamang nag-iisip kung paano sasabihin kay Vice ang lahat lahat. From my sole intention why I enter into his mansion, and why I am pretending my identity.

Kung sasabihin ko sa kanya ang totoo, makakalaya na ako sa kasinungalingan ko sa kanya. Makakahinga na ako ng maayos at haharapin ang iba pang problemang kahaharapin ko. Hindi na niya ako papansin at sigurado akong matitikman ko ang galit niya. I'll expect it anyway.

It will pain me to leave him, pero ito lang ang dapat at kailangang gawin. In the first place, I am just barging in a wrong path of my destiny. Minsan natatanong ko na sa sarili ko, ano nga ba ang tadhana ko? Ano nga ba ang totoong takbo ng buhay ko? Kung susundin ko ang puso ko naman, my family who I treasured the most, the Sisters in the congregation, the children in the orphanage, those people who believe in me... I know they will disgrace me. Ikakahiya nila ako. Lalong-lalo ni si Reverend Mother na sobrang nagtiwala sa akin at ang Panginoon na pinanataan ko ng isang pangako.

Tatanggapin ko ang lahat ng ito. Tatanggapin ko na masasaktan ko talaga siya. Tatanggapin ko na kailangan ko talaga siyang iwan.

She Who Stole My Beastly HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon