Chapter 16 - Loves

8.6K 234 3
                                    

Thank you for reading! 😘

Chapter 16: Loves

•THIRD PERSON'S POV•

Nanginginig ang kamay ng lalaki habang nakatingin sa mala demonyong ngiti ng isang kilalang businessman sa balat ng Asia. Isa lang ang hiling ni Edelferio Bautista sa tanang buhay niya, at iyon ay tantanan siya ng mga taong kasali sa isang karumaldumal na nakaraan na siya mismo ay dinadalaw nito sa mga panaginip niya.

"Kumusta, mahal kong kaibigan?," ang tube na nakakonekta sa bibig na mistulang sumusuporta sa buhay niya ang siyang nagpipigil para makapagsalita. Kumukurap kurap lang ang mga mata niya dahil sa galit na hinaluan ng takot. "Suffering from bullet shot, I see. Why can't you sleep peacefully? Nakikita kitang gising, parang nahihirapan ka."

Panunuya nito sa kanya. Pinalibot niya ang paningin sa paligid at wala niisang kapamilya niya ang nandoon. Kagagaling lang ng mga kapatid at asawa niya rito pero lumabas din ang mga ito ng dumating ang walang hiyang Armando na ito. Ang kaibigan niya kunong may malasakit sa kanya.

Malasakit! Ptngina! Walang sinuman ang may malasakit sa mga kaibigan niyang ituring noon. Demons were flocking in their beings like birds.

"Sa totoo lang, hindi ako masayang gumising ka. Leonardo is not happy also. Gusto ka na naming e dispatsa dahil ilang taon na kaming nagbabantay sa iyong g*go ka. You're pain in the ass. Baka traydorin mo kaming demonyo ka."

Mabagal siyang umiling. He is a respected highest ranked police officer, but he is willing to sacrifice the position just to protect his family. May kasunduan siyang pinirmahan. He will keep his mouth shut and these mtherfckers will let his family out of the dangers.

"Pero, kahit anong gawin namin sa'yo para lang manatili kang nakaratay sa ospital ay hindi ka nagpapaawat. Gumising ka pa rin. Why?" the man gripped his weak arms. "Why, Bautista? Wala na kaming tiwala sa'yo na hindi ka magsisiwalat ng kung ano sa mga awtoridad. You'll die and keep your family at ease from dangers or you'll live and at the expense of your loving daughter. Kahit anong gawin mo pala, Bautista, nakasalalay pa rin ang buhay ng anak mo."

Kaninang mabagal na iling ay napalitan ng pag-iling na sunod sunod. No! Hindi pwedeng galawin nila ang anak niya!

"Oh, still afraid," gusto niyang suntukin ang pagmumukha ng lalaki dahil hilig lang nito ang tudyuin ang kahinaan niya. "Balita ko, Bautista, nililigawan ng anak ni Leonardo ang anak mo. Hindi ba, madre iyon? How shameful could that be for a father like you, right. Pero hindi iyon ang punto ko, kaibigan, ang nais ko lang sabihin na nasa panganib ang buhay niya sa mga kamay ni Jonathan. He is the primary witness of his mother's murder, right? Kawawa anak mo kung siya ang mapaghigantian ng galit ni Jonathan."

At doon gumuho at umusbong ang takot niya. Kakaibang takot na tangi lang niyang nararamdaman para sa anak. Kung ano man ang nakita ni Jonathan noon ay wala talaga siyang kinalaman. Matagal na niyang kaibigan ang ina ng binata kaya hanggang ngayon ay nagsisisi siya na isa siya sa mga pumatay nito. Jonathan was there begging him to help his mother, but he can't.

Kung may sasabihin man siya sa awtoridad o sa mataas na hukuman sa mga panahon na iyon ay malalagay sa panganib ang buhay ng asawa niya na nasa buwan na kapanganakan sa anak niyang babae. He can't expense his wife's and daughter's lives dahil apat na taon ang hinintay nila para lang mabigyan ng anak. Kladeria is so special to him. Lahat sinakripisyo niya para sa anak at hindi niya hahayaang wakasin lang iyon ng isang binata!

She Who Stole My Beastly HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon