Chapter 26- An Alzani

9.4K 236 11
                                    

•JONAH'S POV•

KAHIT nasa court room ako habang inuusig nila ang kaso ay nakatulala lang akong iniisip ang pag-alis ni Klad kahapon. Pilit na pumapasok sa isipan ko ang pagpapaalis ko sa kanya habang nagmamakaawang siyang manatili. This is not the right time to be with her, when almost everything are crashing down, pero ganoon pa man, nasasaktan pa rin ako sa katotohanang umalis na siya.

Lahat ng ginawa ko ngayon ay para naman ito sa kanya. Iniisip ko lang ang kapakanan niya. She doesn't know how society judges. Ako, sanay na sa pang-aapi ng lipunan. At paulit-ulit kong sinasabi ito na hindi kaya ni Klad na harapin lahat ng panghuhusga. Pinipilit kong iniisip na ginagawa ko ang lahat ng ito para sa kadahilanang iyon, na ang lahat ng ito ay para sa babaeng pinakamamahal ko, ngunit, sadyang wasak ang puso ko ngayon dahil alam kong magkakalayo kami ng mas mahabang panahon.

Aside from that reason, buhay pa si Cuangco at Oh. Masayang-masaya pa siguro silang nakabulok ako ngayon sa kulungan. Their evilness is already running wild in their minds, kaya kailangang makalabas ni Klad ng bansa.

Pwede ko naman siyang sundan, sa totoo lang, kapag matatapos ko ng maaga ang laban na ito. I want to take care of her while she carries our baby. Gusto ko siyang alagaan bilang isang lalaking magiging katuwang niya sa panghabang-buhay, isang bagay na ni minsan ay hindi naranasan ng Mama ko kay Oh. I want to experience taking care of my beloved why she is pregnant with my child...our child.

Pero, sa kadami-daming problemang lumabas ay natatakot akong hindi ko na magagawa iyon. Gusto ko kapag bumalik na si Klad dito ay malinis na ang buhay ko nang sa gayon ay kapag ihaharap ko siya sa altar ay wala nang magiging sagabal sa aming pagmamahalan.

I want to end Cuangco and Oh.
I want to achieve justice for my mother.
I need to process the fact that my father is Baruch Alzani. Isa itong bagay na sobrang hindi madaling tanggapin ng ganun ganun lang.
I want to court Klad's family to prove my worthiness.
I want to rebuild my company that has lost many millions of investment. Kompanya iyon ng pamilya ni Mama na hindi pwedeng bumagsak.

Naniniwala akong lahat ng sakripisyo ko ay masasagutan ng biyaya. I don't usually pray for blessings, but Klad taught me how, so ...I pray for hope to favor me now.

Nakatingin na ako kay Thomas na ngayon ay kinakausap si Judge. Lahat ng ginagawa nila sa court room na ito ay pawang pakitang-laro lamang. All the attorneys present here know the plan. Mga abogado sila ng mga kaibigan ko. Kahit nga ang abogado ng mga Bautista ay alam ang plano ngunit inilihim namin sa pamilya ang katotohanan na iyon.

We need to act true, that the rape happened. Gusto kong isiwalat sa mapanghusgang lipunan na ginawa ko ngang mamilit ng babae. Idadagdag ko na sa paulit-ulit nilang panghuhusga sa gawain ko noon.

Babaero. That's true.
Mamamatay tao. Partly true.
Masama ugali. Very true.
Magnanakaw ng buwis sa kaban ng bayan. Never true. Hindi ko magagawa ang bagay na ni minsan ay hindi nasagi sa utak ko. I never wanted politics that's why I can't attempt to steal.
Loving nighouts. Yes, iba ibang babae ang kinakasama ko sa iba't-ibang bar noon. Minsan, laman ako ng headline sa mga newspapers tuwing umaga. People doubt my ability to rule the province for that. Kasi hindi ko naman talaga gusto ang politika. I was just entered because my evil father and brother wanted back up from their illegal drug transactions. Ngunit, kinamumuhian nila ako dahil hindi ko nagawa ang bagay na iyon. Hindi ko magawang kampihan sila kaya ngayon, nagtataka ako kung bakit may napupuslit pa rin na mga droga sa probinsiya.

Pinalabas din namin na na-traumatized si Klad at hindi makapagdadalo sa hearing. We just hired witnesses to prove that I really did it.

Nandito sina Tatang Andoy at Nanang Lorna to do that. Even the ob-doctor kung saan kami nagpa check up noon ni Klad ay nandito. They all know the plan. My friends explained it to them.

She Who Stole My Beastly HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon