Chapter 8 - Loyalty

12K 316 15
                                    

Chapter 8: Sister Lene and Vice Jonah Part 2 😉

•KLAD'S POV•

Matapos ang pinakamagandang araw na nangyari ngayon, ay nasa chapel kami ng malaking kumbento ng kongregasyon namin, taimtaim at sabay-sabay na nagdadasal ng Santo Rosaryo. The usual reverence that we offer to God every night. I was very well satisfied of the help I have extended to the people. Noon pa man, iyon na talaga ang ginagawa ko at gustong-gusto ko talagang gawin. Iyong mga ngiti ng mga tao kapag nagpapasalamat ay parang gamot na nagpapasigla sa'yo kahit na may sakit ka.

From those wonderful things happened to me this day, isang hindi magandang bagay ang nangibabaw na hindi ko makakalimutan, at iyon ang pagsisinungaling ko kay Vice na kakambal ko ang sarili ko...which was not.

Nadala lang ako sa mga palusot ni Claire kasi kinain at nilukob ng matinding kaba ang puso ko sa pagkabigla sa presensiya ni Vice kanina. That usual beat of my heart never tired creeping into the depths of my heart. I wondered when my heart would stop beating that abnormally. Its beats were out of the world, like if it will continue, it will break my heart into shattered pieces.

Sa kabila ng mga kaguluhan sa isipan at damdamin ay buong sensiridad akong humihingi ng tawad sa Panginoon sa lahat ng mga kasalaman na nakamit ko. Conscience and guilt swallowed my system with bitterness. Gusto kong lumuhod ng isang araw sa harapan ng Panginoon, mapatawad lang niya ako.

Lord, I never wanted to lie, and I'm sorry for doing such. I am not worthy to be forgiven. Bakit pakiradam ko, ang mga tibok na dumadama sa puso ko ay mapanganib ngunit hindi ko matanggal tanggal? Ang tibok na ito ay nagdulot sa akin para magsinungaling. I was too nervous that Vice would notice me. My mission is to hide my true identity behind my true name, but its still not right to make lies even more.

Paano ako makakabawi, Lord?

Bakit hanggang ngayon si Vice pa rin ang laman ng aking isipan? I am starting to scold my own self for acting an indecent act like this. Dapat naka-focus lang ang atensyon ko kay God.

Aware akong sumasabay sa dasal ngunit pilit na pumapasok sa isip ko si Vice. It's hard for me to chase his existence from my thinking. Simula noong nakatira na ako sa mansyon, kapag nagdadasal ako, ganito ang nangyayari. I am fighting my feelings while praying, kasi it's bad to think another man between worshipping another man. Minsan nga, the topic of my personal prayers favored Vice. Pinagdadasal ko ang kaligtasan niya, ang kalusugan niya, ang trabaho niya, ang ugali niya, every things that concerned him, I pray them to God.

It's not bad to pray for another person, but I begin to think that it will create a mistake if he will surround my mind while I'm praying to God.

Matapos ang pag-iisip na 'yon, itinuon ko ang aking isipan sa kalagayan ni Daddy. Pinikit ko nang pinikit ang aking mga mata, sinasabayan ang sagot ng dasal habang nanawagan kay Mother Mary na pagalingin na ang Daddy ko. I want him to see me. I want him to ask questions why he was shot. Gusto kong malaman kung bakit kilala siya ni Vice. Gusto ko siyang bigyan ng hustisya dahil alam kong hindi niya deserve na masaktan sa lahat ng bagay na nai-ambag niya sa lipunan, from his service in the PNP. Gusto kong makakuha ng katarungan sa pagkakabaril niya, pero ayaw kong maniwala na si Vice ang gumawa noon.

Masama bang maniwala na hindi nila ginawa ang mga masasamang bagay na iyon? Masama bang maniwala na pareho silang mabuting tao?

Should I ask Daff if they have another suspect for the crime? Bakit si Vice kaagad ang inakusahan nila sa hindi gaanong kabigat ng ebidensiya? Bakit kailangan pang barilin si Daddy?

I don't know what to believe anymore. I just wanted to prove that they are good people. I just wanted to prove that Vice is not guilty. I just want answers why?

She Who Stole My Beastly HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon