Chapter 15- Girlfriend

10.3K 250 7
                                    

Chapter 15: Girlfriend

•KLAD'S POV•

SABI ni Nanay ay mas epektibo sa lagnat ang pag-higop ng sabaw ng isda kaya bago siya pumunta sa may baybayin para tingnan ang lagay ng cottage ni Vice ay tinuruan niya muna ako kung paano magluto ng tinolang isda. Kahit hindi ako sanay magluto gamit ang kalan na kahoy lamang ang nagpapa-apoy ay ginalingan ko na. I wanted to really achieve this food recipe para mahimasmasan sa lagnat si Vice at saka ito ang ulam namin ngayong umaga and Nanay Lorna trusted me with this one, I just cannot fail her.

Nilunod ko iyong hiniwang kamatis at dahong sibuyas nang kumulo iyong tubig. I have always been trained to cook at home. Ikinulong naman kasi ako simula bata pa. Not literally, but my life revolved only at school and at home. Nakakalabas lang ako sa mga family event. Nakakalabas lang ako madalas ng pumasok ako sa kumbento dahil sa mga mission namin sa iba't-ibang lugar.

My family molded me with utmost dignity and reservation. Dignity. That word has been cracked by my heart's desire. Hindi ko alam kung may dignidad pa ba ako pagkatapos kong makipagtalik sa isang lalaki sa kabila ng pagiging misyonarya ko.

But what was so much shocking...I don't really care about that dignity now as long as my heart is beating with happiness. I have bargained with God. I pray to Him just to give me time to experience this kind of happiness and I will get out from this insanity after this week.

Malaki ang utang na loob ko sa Panginoon, sky is the limit. Malaki ang pagmamahal ko sa kanya. Ilang pagkakataon na akong malapit mamatay noong sanggol at bata pa lamang, pero dahil sa Kanya, buhay na buhay pa ako. Living and experiencing still the wonders of life.

Babalik ako sa Kanya dahil mahal ko ang Panginoon at iyon lang ang nakikita kong paraan para pagbayaran lahat ng mga kasalanan na nagawa ko. I will worship Him not hoping to be forgiven, dahil sa sobrang laki ng kasalanan ko, I don't deserve a man like God. I don't deserve His forgiveness.

And I don't deserve a man like Jonah either. Sa lahat ng kasinungalingan ko, hindi ko alam kong tatanggapin pa niya ako.

This is the new view I have discovered in life. May mga taong nagsisinungaling para lumigaya lang kahit ang dulot ng kaligayahan na iyon ang isang kaparusahan.

Tatanggapin ko lahat ng parusang nakaatang sa akin. Tatanggapin ko kahit sa bawat segundo na ngingiti ako kasama si Vice ay buong pwersa akong sinasampal ng takot. My fears to God are so high.

Napaigtad ako saglit nang tumunog iyong takip ng kaldero buhat sa sobrang pagkulo. Kinuha ko kaagad iyon at nilagyan ng asin at pampalasa para sumarap iyong sinabawang isda.

I jerked when the heat from the woods touch my fingers accidentally.

"God..." agaran kong tinakpan iyong kaldero at pumasok sa kusina para hugasan iyong kamay ko na napaso. Naluluha ako sa hapdi na kumalat agad sa akin pero ininda ko dahil walang mangyayari kung manghihina ako.

May nararamdaman akong sakit ngayon, iyong sa ibabang parte ng katawan ko na hanggang ngayon ay sobrang hapdi pa rin at iyong maliliit na sugat sa paa ko buhay ng matinik ako sa mga matulis na bato nang maligo kami ni Vice kahapon.

This is really me. Hindi ko pinagsasabi sa ibang tao na nasasaktan ako kasi nagpapanik sila kaagad, my family is always like that. Ayaw kong trinatro nila ako na sa kada sakit na nararamdaman ko ay kailangan ko ang ibang tao. I also need to be independent of the pains I am feeling. Hanggang kaya ko, ako ang nagpapagaling sa sarili ko, though the pain in my private part is not really bearable. Tiniis ko lang na maglakad ng normal dahil baka mahalata ni Nanay Lorna na may iniinda akong sakit at magtanong siya kung bakit ko iyon nakuha.

She Who Stole My Beastly HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon