Chapter 10.2

4.3K 122 15
                                    

Continuation.
__

•JONAH'S POV•

I stormed in Crexion's office without notifying him that I will visit this day. Naiinis na ako. Limang araw na simula nang hindi pagbalik ni Klad sa mansion. I strongly believe that it was because of the kiss. Hell yes! I was offended that she always ignore my kiss! And right now, my ego was not the one hurting but something new.

She was confessing to me unnecessary words! Okay, I disrespected her, kasalanan ko rin talaga, pero bakit ba niya ako ginaganito? Pinapadama niya sa akin na importane ako. Pinagsasabi niya na ganito ganyan ang nararamdaman niya kapag nandiyan ako, pero hindi niya naman magawang panindigan ang mga iyon.

I was starting to think that I was hoping again. Ang umasa ang pinakaayaw ko sa lahat ng pinakaayaw ko sa mundo!

"Where's Klad?" my voice appeared dark and almost screaming. Tinaasan lang niya ako ng kilay na kalmadong nagtataka na nakatingin pa rin sa inaatupag niya.

"Good morning din, Jonah," he answered with too much sarcasm. "Umupo ka muna para maintindihan mo ang sasabihin kong 'binabakuran na siya ng mga sundalo niyang tiyuhin'. Kung hindi mo pa naibabalita sa kanya ang gusto mong malaman niya patungkol sa ama niya, ay masasabi kong, wala ka ng pagkakataon na ipagsabi pa iyon. Sabi ko naman sa'yo, huwag mo ng lapitan si Klad sa party na 'yon. Maraming media, at alam nating wala kang takas sa kanila."

Umupo nga ako sa silya sa harap niya na nagpupuyos sa inis ke-umaga pa. My jaw was clenching because of anger and desperation. Nakakagulat na hindi ko naisip ang misyon patungkol sa mga plano ko. Ang gusto ko lang ngayon ay makita siya.

"The whole family is angry at you. Ikaw kasi inakusahan na bumaril kay Bautista na totoo mo naman talagang ginawa. Kaya please lang, huwag ka ng magtaka kung bakit wala na siya--"

"Pabilikin mo siya. I will pay you with my wealths! Kahit ako pa ang sponsor ng campaign mo sa next elections ay gagawin ko. Pabalikin mo lang siya," nanatili siyang kalmado na hindi ko alam kung matatawa ba siya kasi ang mga mata niya ay punong-puno ng katatawanan. P*ta!

"Nice offer. Baka naman pwede mong sabihin sa akin ang pinaka-nakakakumbinsing dahilan para gawin ko 'yan," his voice was extremely serious but I f-cking feel that it was almost to crack a laugh!

"The usual plan. Ganoon pa rin," tikhim ko na puno ng lamig.

"You can find a way to tell her you want to tell her. Lahat ng ebidensiya na nakalap mo tungkol sa ama niya ay pwede mo namang palihim na ipadala sa kanya such as a secret box or gift or message or wrong send email. Mga ganoon. Sa koneksyon na mayroon ka, alam kong kaya mo iyon. So, I will not accept that nonsense answer."

Gusto ko nang suntukin si Crex dahil diyan sa mga pinagsasabi niya! L*tche! Ano ba gusto niyang marinig?

Ilang segundo akong nag-isip na magandang isasagot.

"I want---I want to see her for f-cking out loud, Sanchez. Gagawin mo lahat, pabalikin mo si Klad, kahit makikipagkaibigan pa ako kay Thomas."

"Woah, man. You're actually begging me. The fcking miracle of the day. Ganoon ka na ka-desperado na makita siya. Iba na tama mo, Oh."

"Oo, iba na ang tama ko, kaya gawin mo lahat, at baka ikaw ang matatamaan ng kamao ko."

"What a nice friend you are. Ikaw na nga nanghihingi ng pabor. Nanakit ka pa. F-ck you, Oh!" napailing siyang napabuntong-hininga naman ako.

Ang hindi pagbalik ni Klad ay sobrang nakakapagpabagabag. The plan have been decided. Gustong-gusto kong ipaalam sa kanya kung gaano kasama ang ama niya. Noong nag-uumapaw pa ako sa galit kaysa sa papaputok na Bulkang Mayon. Everything in me was consume my by beastly perceptions of the world...but right now?

She Who Stole My Beastly HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon