Chapter 14

10.2K 234 25
                                    

VICTORIA

Habang sakay ako ng taxi papuntang ospital ay ramdam ko pa rin ang mga labi ni Ryke sa aking noo. Ang mga mata nitong na isang tingin palang bumibilis ang tibok ng puso ko. Napahawak ako dito. Hindi maaari. Hindi ko pa siya masyadong kilala.

Kita mo nga naman ang pagkakataon. Sa dinami-dami ng hospital sa bansa doon pa talaga sa pagmamay-ari nila kami napunta.

So that means his filthy rich.

Pero wala akong pakialam! Isaksak niya sa ngala-ngala niya ang pera niya!

Ginulo ko naman ang buhok sa sobrang asar.

Nakita ko sa salamin na tinignan ako ng driver ng taxi na sinasakyan ko. Sa uri ng tingin nito parang pinapahiwatig na nababaliw na ako.

Tinignan ko naman ito ng masama at dali-daling nag-iwas ng tingin.

Suot ko pa rin ang damit ni Ryke. Ni hindi man lang ako nakapagpalit bago umalis sa penthouse niya.

Naka-shirt at sweat pants lang ako. Wala rin akong dalang phone dahil hindi ko iyon dala sa pagkakaalala ko nasa ospital iyon.

Pag pumupunta ako ng ospital laging damit niya ang dala ko. Nakakainis lang.

Natanaw ko naman ang ospital sa di kalayuan.

Napabungtong hininga ako. Sana okay lang si Daddy.

"Miss nandito na tayo." Sabi ng Driver ng taxi.

Binuksan ko naman ang pintuan ng taxi at dumukot ng pera sa bulsa.

Napatampal naman ako sa noo ng may naalala ako.

Wala pala akong dalang pera! Bukod sa damit na suot-suot ko at business card ni Ryke. Kung tinamaan ka nga naman ng malas.

Ang laking tanga mo talaga Victoria kahit kailan.

Kinagat ko naman ang labi ko. At luminga-linga sa paligid. Hala! Paano ko ito babayaran.

Nainip naman ang driver ng taxi.

"Ano ba Miss! Yung bayad mo! Ang tagal naman! Nasasayang ang oras ko!" Bulyaw nito sa akin.

Pero sa buhok mo hindi ka nasasayangan?! Tangina mo panot!

"Saglit lang naman panot este manong! May lakad ka ba?!"

"Eh kung nagbayad ka nalang kaya para matapos na! Huwag mong sabihing wala kang pambayad?! Sabihin mo lang at pupunta tayo sa presinto para dun ka magbayad!" Lumaki ang butas ng ilong nito at hinawi ang tatlong hibla nitong buhok na tumabing sa noo niya. Na akala niya ay bangs niya. Taray!

Luminga-linga ako baka may mahingian ako ng tulong. Dahil pakiramdam ko sasabunutan na ako ni Manong Panot dahil inggit siya sa hair ko! Kanina pa kasi siya nakatingin sa buhok ko.

Jusko! Lord sana may dumaang anghel na pwedeng makatulong sa akin.

Saktong pagkatapos ng dasal ko ay may biglang dumaan sa harap ko at naglalakad ito patungo sa entrace.

Tinapik ko naman si Mamang Panot.

"Saglit lang Manong! Magbabayad ako. Sa katunayan nakita ko ang kaibigan ko. Ayun oh! Kukuha lang ako ng pambayad sakanya. Diyan ka lang manong baka liparin ang tatlong hibla niyong buhok at tuluyan na kayong makalbo." Bulong ko sa huli.

"Anong sinabi mo?" Tanong nito.

"Ah eh wala manong sabi ko ang pogi niyo. Pwede kayong mag-artista." Pweh! Ang panot mo.

Ngumiti naman ito.

"Talaga? Alam mo ba noong kabataan ko--" Pinutol ko ang ano mang sasabihin niya. Wala akong oras para makinig sa storya ng buhay niya. Hindi ako interesado!

Heartless Jerk PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon