Chapter 7

14.4K 293 34
                                    

VICTORIA

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock. Kainis naman oh!

Kinapa ko ang alarm clock habang nakapikit pa ang mata.

Nang makapa ko ito ay agad ko itong hinagis.

Wala na akong pakialam kong masira iyon. Tumigil naman ito sa pagtunog at lalo ko pang isiniksik ang sarili ko sa unan at niyakap ito.

Ano kayang fabric conditioner ang ginamit ni Bebang at makabili nga ng isang karton nakakaadik ang amoy. Walang panama ang pinagsama-samang downy, del at surf sa sobrang bango nito.

Sininghot-singhot ko pa ito lalo. Sobrang nakakaadik talaga! Napangiti naman ako. Mapapasarap ang tulog ko nito.

Tatagilid na sana ako dahil hindi na ako komportable pero bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko parang nakadikit ako sa kama at nagtaka ako kung bakit matigas at mainit ang kama ko.

Grabe! Nahulog nanaman ba ako sa sahig?! Nagtaka pa talaga ako. Hindi lang naman ito ang unang beses na nahulog ako sa kama sa sobrang galaw kong matulog.

Minulat ko naman ang mata ko. Pero halos magimbal ako sa nakita ko dahil pagdilat ko isang gwapong lalaki na mahimbing na natutulog ang nabungaran ko!

P-paano?

Pinikit ko ulit ang mata ko at kinurot ang pisngi ko dahil baka hanggang ngayon ay nananaginip pa ako.

"Aray." Daing ko. Napadiin ata ang pagkakakurot ko.

Unti-unti ko namang minulat ang mata ko pero yun pa rin ang nakita ako.

Halos atakihin ako sa puso ng malaman kong ano ang pwesto naming dalawa.

Nakapatong lang naman ako sakanya at nakayakap ang dalawa niyang matitipunong braso sa bewang ko na parang prinoprotektahan ako at nakasiksik ang ulo niya sa leeg ko.

Biglang nag-flashback ang lahat ng nangyari sakin kagabi niyaya ako ni Dustin sa Bar, uminom ako hanggang malasing, sumayaw na parang wala ng bukas, at ang masaklap kong paano mawala ang virginity ko sa isang estranghero.

Wala na iyong bagay na pinaka iniingatan ko ng dalawamput apat na taon. Ang virginity ko!

Gusto kong maiyak nalang sa panghihinayang. Kahit gusto kong magalit at patayin ang lalaking ito ay hindi na niya maibabalik pa ang virginity ko.

Gumalaw ako ng kaunti pero agad kong naramdaman ang pagsakit ng pagkababae ko. Sa laki naman ng ano niya at magdamag pang may nangyari samin ewan ko nalang

Babangon na sana ako ng maramdaman kong masakit ang buong katawan ko parang pakiramdam ko tinakbo ko ang Manila hanggang Baguio ng walang pahinga. Masakit na pagkababae ko, katawan at pati na rin ulo ko dahil sa hang-over. Sabay-sabay talaga!

Halos madaling-araw na ata kami natapos. Kung hindi pa ako nagreklamo hindi talaga ako titigilan ng lalaking ito. Ganun kalakas ang stamina niya.

Pasalamat nalang ako at inalis niya na ang pagkakatali sakin. Naawa siguro sakin dahil hindi ako komportable.

Halos ma-estatwa ako at pigil ang hininga ng gumalaw ito. Pumikit naman ako at paulit-ulit na nagdasal sa isip ko "Wag sana siyang magising.. Wag sana siyang magising.."

Nakahiga naman ako ng maluwag ng hindi ito magising pero lalo naman niyang isiniksik ang mukha sa leeg ko at hinigpitan ang yakap sakin.

Gusto kong tumawa dahil malakas ang kiliti ko sa leeg. Ginamit ko ang isang kamay ko para takpan na wag lumabas ang tawa ko.

Halos mautot naman ako kakapigil ng tawa.

Nang banayad na ulit ang hininga niya umalis na ako ng dahan-dahan.

Heartless Jerk PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon