Chapter 1

20.8K 372 72
                                    

VICTORIA

Agad kong pinunasan ang tumulong pawis mula sa aking noo ko. Napakainit at alinsangan ng panahon ngayon.

Tinignan ko ang aking wrist watch. Alas dos na pala ng hapon. Nakaramdam ako ng pagod at gutom. Hindi pala ako nag-umagahan kanina at ngayon pati pananghalian. Iyong baon kong biscuit kanina ay naubos na samantalang ang tubig naman ay kanina ko pa nainom dahil tuyong-tuyo ang lalamunan ko sa sobrang init ngayon.

Hahakbang na sana ako para magpatuloy sa paglalakad ng matapilok ako.

Tinanggal ko ito sa aking paa at agad na tinignan. Napailing nalang ako. Kita mo nga naman pati pala sapatos ko gutom na rin.

Ito nalang ang natirang desenteng sapatos ko. Regalo pa ito ni Mommy nung 18th Birthday ko kaya pinakaingat-ingatan ko ang sapatos na 'to. Maaayos ko pa ito. Bibili nalang ako ng rugby sa tindahan ni Aling Rosie mamaya pagkauwi ko.

Nalaman ko kasi sa dati naming kasambahay na binenta ni Tita Criselda ang mga sapatos ko at ang iba naman ay binigay kay Clarise. Nuknukan talaga ng swapang ang mag-inang iyon.

Luminga ako sa paligid para tignan kung may mauupuan ako.

Agad naman akong nakakita ng bench malapit sa kalsada. Katabi nito ang isang poste. Malilim din ito dahil may puno ng acacia sa likod ng upuan. Paika-ika akong tumungo sa upuan at agad na naupo. Maganda na rin ito para makapagpahinga kahit saglit.

Hinilot ko ang binti kong nangawit dahil sa paglalakad.

Nang makuntento ako ay sumandal naman ako sa upuan at pumikit.

Minsan gusto kong magtanong sakanya. Bakit ako? Madaming masasamang tao sa mundo na pwedeng parusahan bakit ako pa ang napili niya? Pero alam kong wala akong karapatang magtanong sakanya.

Lahat tayo ay may kanya-kanyang pagsubok na ipinapataw ng Diyos. Mayaman ka man o mahirap, maganda ka man o pangit. Maski bungi, panot, duling, kirat, at tambay sa kanto ay walang kawala.

Perfect example diyan ay ako mismo dahil kahit nasa akin na ang lahat ng bagay sa mundo pero nasaan ako ngayon? Ito naghihirap at dumadanas ng matinding pighati.

Simula nung mag-asawa ulit si Daddy nagkanda leche-leche na ang buhay namin. Dati akala ko okay lang pero sabi nga nila madaming namamatay sa maling akala. Sa umpisa lang pala.

Magkasundong-magkasundo kami ni Tita Criselda sa lahat ng bagay. Mother material kumbaga kaya madali kong napalagayan ng loob at tinanggap na may pangalawa na akong ina.

Pero nung minsang may business trip si Daddy sa New York at isa linggo siya doon. Nag-umpisa ang kalbaryo ng buhay ko.

FLASHBACK

Wala ngayon si Daddy dahil may business trip siyang pupuntahan pero bago siya umalis ay nakapag-paalam na ako sakanya na may pupuntahan ako ngayon.

Nasa pintuan na ako ng marinig ko ang boses ni Tita Criselda ang bagong asawa ng aking Daddy.

"At saan mo balak pumunta?" Sabi nito gamit ang maarte nitong boses.

Nagulat naman sa tono ng boses ni Tita Criselda. Malayo ito sa mahinhin at malambing niyang boses. Hindi ko na lamang pinansin yun at sinagot na lamang ang tanong niya.

"Tita pupunta po ako sa bahay ng kaklase ko dahil may group study kami." Sinagot naman niya ito ng pabalang.

"Group study?! Ang sabihin mo makikipaglandian ka lang. Ang dami mo pang satsat. Katulad ka rin ng Mommy mo pareho kayong makati!" Sabi nito ng may kataasang boses.

Heartless Jerk PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon