Chapter 3

10.8K 273 39
                                    

VICTORIA

Patalon-talon pa ako habang naglakad papuntang trabaho. Masaya lang naman ako dahil nakaganti ako sa hambog na lalaking iyon.

Siguro naman mababawasan ang pagiging arogante ng asungot na 'yon. Atsaka sigurado akong hindi ko na makikita ang lalaking iyon para gantihan ako sa ginawa ko sakanya.

Napakalawak ng Manila. Para siyang naghahanap ng karayom sa Philippine Arena na punong-puno ng tao.

Tumingin naman ako sa wrist watch ko. Ilang minuto nalang malalate na ako. Pero kayang-kaya ko pang humabol.

Habang naglalakad ako papunta sa Skyline hindi ko maiwang isipin ang lalaking hambog na iyon.

Kung paano kumibot ang mapupula at malalambot niyang labi habang nagsasalita, ang swabeng boses niya na kahit nakaangil o nakasigaw pero masarap sa pandinig at ang mga mata niya. Matang hindi ko malilimutan sa tanan ng buhay ko, no other than his aqua blue eyes.

Naputol ang pagmumuni ko ng makarating na ako sa Skyline.

Nginitian ko si Kuya Lito ang security guard dito. Nginitian naman niya ako pabalik.

Nang makapasok ako ay agad na lumapit naman sakin si Mang Gusting ang utility worker ng Skyline.

"Magandang Umaga iha. Buti nakaabot ka." Sabi nito habang nag-momop ng sahig.

"Magandang Umaga din po. Oo nga po. Nagkaroon lang ng kaunting aberya. Nga po pala Mang Gusting meron na ba si Dustin este si Sir Dustin?" Sabi ko.

"Kakapasok lang ni Ser Dustin nasa opisina na siya ngayon. Ewan ko ba at ang agang pumasok ng batang iyon. Kung tutuusin ngayon ko lang nakitang pumasok ng maaga si Ser. Pero pagkadating niya tinanong ka rin niya sakin. Destiny ba." Nang-aasar na tono ni Manong Gusting.

Si Manong talaga napaka-malisyoso porke ba hinahanap may destiny agad? Di ba pwedeng may kailangan lang.

"Kahit kailan talaga Manong Gusting napaka-intrigero niyo. Sige po mauuna na ako." Paalam ko.

"Asus! Ang showbiz mo namang sumagot iha. Sige ikaw ang bahala." Sabay tawa nito.

Maganda naman ang trabaho ko dito. Nag-eenjoy ako kasi lahat kami ay magkakasundo at kahit bago pa lamang ako ay itinuring na nila ako na parang pamilya.

Kahit na pagod na kaming lahat ay nakangiti pa rin kami dahil sa corny na banat ni Manong Gusting kay Manang Belen na isa ring utility worker. Nililigawan kasi ni Manong si Manang kaso pa-hard to get si Manang dalagang pilipina kasi kaya lagi niyang binabara at tinatarayan si Manong Gusting.

Pero napapansin ko pag bumabanat si Manong nakikita kong namumula si Manang Belen kaso natatakpan lang ito dahil sa kunwaring galit siya.

Pumunta naman ako sa locker para magpalit ng uniform. 9:00 am to 6:00 pm ang shift ko dito sa Skyline.

Nang makapagbihis ako ay lumabas na ako.

Nakasalubong ko naman si Mira. Si Mira ang pinaka-close ko dito sa Skyline. Pareho kasi kami ng hilig at magaan ang loob ko sakanya.

"Bakit ngayon ka lang? Dati ang aga mong pumasok mas nauuna ka pa nga kaysa sa akin. Muntik na nga kitang bigyan ng award para sa pagiging Most Punctual mo. Atsaka bakit ganyan itsura mo 'te para kang namumutla Nagkape ka ba ng suka?" Sunud-sunod na tanong nito.

Paanong hindi ako mamumutla e ikaw ba naman ang muntik masagasaan hindi ko lang alam kong hindi ka takasan ng dugo mo.

Gustuhin ko man sabihin yun kaso mas mabuting wag nalang. Knowing Mira babatuhin ka niyan ng napakaraming tanong. Dakilang intrigera pa naman ang babaeng ito katulad ni Manong Gusting.

Atsaka ayaw ko ng pag-usapan yung antipatikong lalaking yun. Pag naiisip ko siya nangigigil akong sakalin iyon.

"Wala kinakabahan kasi ako. Alam mo na akala ko malalate ako. First time ko sana malate pag nagkataon e ayoko namang malate kasi bago palang ako sa trabaho." Sabi ko kinagat ko naman ang labi ko. Sana maniwala siya.

Tinitigan naman niya ako kong totoo bang nagsasabi ako ng totoo. Pagkalaon ay tumango nalang ito.

"Halika na mag-umpisa na tayo madami ng customer at kailangan ko pang magpa-impress kay Fafa Dustin." Sabi nito habang parang kiti-kiting hindi mapakali ng sinabi niya ang pangalan ni Dustin.

Natawa nalang ako. Kahit kailan talaga 'tong si Mira. Halatang patay na patay kay Dustin.

Kinuha ko ang tray sa counter at nag-umpisa ng mag-trabaho.

**

Nang matapos ang shift ko ay agad akong nagpaalam kay Dustin at sa mga katrabaho ko. Gusto pa sana akong ihatid ni Dustin kaso sinabi kong wag nalang. Alam ko naman pagod din siya.

Pinakain ko muna si Daddy at hinatid sa kwarto niya. Kumain na kasi ako sa Skyline bago umuwi.

Pagod na pagod akong humilata sa kama ko.

Habang nakatingin ako sa kisame naiisip ko pa rin ang mga matang iyon.

'Yun na ata ang tumatak sakin.

Naiinis kong ginulo ang buhok ko at nagtalukbong ng kumot at pumikit.

Pero ilang minuto na ako nakapikit kaso hindi man lang ako dalawin ng antok.

Naiinis akong inalis ang kumot at nagtakip ng unan sa mukha.

Patulugin mo naman ako!

Lumipas pa ang isang oras pero wala talaga.

Nabilang ko na ata lahat ng tupa pero kada magbibilang ako na-iimagine kong lumingon ang tupa sakin gamit ang kulay asul na mata.

Pwede ba! Tama na. Huwag ka ng tumambay sa utak ko!

Tumayo naman ako at nag-jumping jack at baka sakaling pag napagod ako ay makatulog na ako.

Kulang nalang tumambling, mag-split at magbending ako.

Pero nakaka-isandaan na akong jumping jack at tagatak na ang pawis ko kaso wa-epek pa rin. Tumigil na ako dahil mas lalo akong naiinis.

Bigla ko namang naisip iyong nabasa ko sa isang libro na kapag hindi ka daw makatulog maaari raw na nasa panaginip ka ng isang tao.

Sino kaya iyon? Siya kaya? Asa pa naman ako baka nga limot na ako ng hayop na 'yon.

Inalis ko nalang iyon sa utak ko at ibinagsak ang sarili sa kama.

Sa kakaisip ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

I fall asleep and dream about a man with aqua blue eyes.

Heartless Jerk PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon