Chapter 11

11.9K 321 24
                                    

VICTORIA

Nagising ako dahil nakaramdam ako na gusto kong gumamit ng magbanyo.

Patayo na sana ako ng may mahigpit na nakayakap sakin.

Napasimangot ako.

Naalala ko ang lahat ng nangyari sakin kahapon pati rin ang pagkikita namin ng kumag na 'to. Akala ko hindi na kami magkikita pero kita mo naman, pinaglalaruan ata kami ng tadhana.

Ewan ko ba sa lalaking ito na kada makikita ko siya laging wrong timing.

Pero ang mas kinainis ko ng nasa ibabaw niya ulit ako. Ano ba 'tong lalaking ito. Nagtitipid ba siya ng higaan? Ang luwag ng kama niya kasya nga ang limang tao dito sa sobrang laki.

Napaigtad ako ng pakiramdam ko sasabog na ang pantog ko.

Umalis naman ako sa ibabaw niya at nagtungo sa banyo. Buti naman at hindi na ako nahirapan na maalis ang pagkakayakap niya sakin dahil hindi ako mangingiming tadyakan siya pag nahirapan pa akong makaalis sa ibabaw niya. Kahit pa magising siya wala akong pakialam.

Nagkumahog naman akong pumunta ng banyo. Patalon-talon pa ako habang papunta dun. Ihing-ihi na talaga ako!

Grabe! Ang luwag ng banyo niya halos kasing laki na ata ito ng kwarto ko. Nagtungo naman ako sa toilet bowl dahil hindi ko na talaga kayang pigilan pa ang ihi ko.

Pinunasan ko muna ang pawis ko gamit ang braso ko. Ang lagkit ko.

Bago ako lumabas ng banyo naghilamos muna ako ng mukha at nagmumog.

Napadako ang tingin ko sa rack dahil nakita ko ang isang toothbrush. I think toothbrush ni kumag iyon.

Kaya kumag ang tawag ko dahil hanggang ngayon hindi ko pa alam ang pangalan niya.

Tengene naman nakakabobo dalawang beses na kaming nagkikita at to think na siya pa ang nakauna sakin pero hindi ko man lang alam ang pangalan niya.

Bumuga ako ng hininga at pinigil ito gamit ang kamay ko. Inamoy-amoy ko naman ito. Yuck! Ang baho!

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at kinuha ko ito mula sa rack at nilagyan ng toothpaste.

No choice ako alangan namang hindi ako magsepilyo mas pipiliin ko nalang gamitin ang toothbrush niya kaysa mangamoy ang bibig ko.

Wala namang sigurong bad breath si kumag. Napakalayo naman ata nun morning breath nga wala bad breath pa kaya.

Habang gamit ko ang sepilyo niya hindi ko mapigilang mapatigil dahil naiisip kong ginagamit niya ito araw-araw at dumadaan ito sa buong bibig niya at ini-imagine kong ang toothbrush na ito ay parang dila niya.

I shake my head. Stop being naughty Victoria.

Tinapos ko na ang pagsesepilyo at binalik ito kung saan ko ito kinuha.

Sana lang hindi niya mahalatang ginamit ko ito.

Tinignan ko naman ang repleksyon ko sa salamin. Lumaki naman ang mata ko.

W-wait hindi ito ang damit ko!

Nakasuot kasi ako ng white shirt at gray na pajama. Nagmukha akong poste sa itsura ko. Sobrang laki nito.

Napakalaking bulas ni kumag kaya hindi na ako magtataka kong pati yung pangalawang ulo niya malaki rin.

I stomped my feet in annoyance. Kaasar!

Huwag mong sabihing siya ang nagpalit sakin?! Walanghiya! Binosohan pa ata ako.

Inayos ko muna ang buhok ko and tie it into messy bun. May tumakas pang ilang hibla ng buhok ko.

Heartless Jerk PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon