VICTORIA
Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko ang napakatayog na building ng Montesilva Empire.
Siguro kapag tumalon ka sa tuktok nito sigurado akong durog na durog ang katawan mo. Nakakalula.
Hindi ko na naabutan si Ryke sa penthouse niya dahil umalis na daw ito. Sabi ng receptionist na pinagtanungan ko kanina ay nasa Montesilva Empire ito at dito raw nagtratrabaho ang kanilang boss.
BOSS!
Ibig sabihin sakanila din ang pamoso at kilalang Alcotel! Na sikat sa buong panig ng mundo.
Lahat ng sikat na artista mapahollywood man o lokal, mga presidente na galing sa ibat-ibang bansa at mga bigateng business man ay nagcheck-in na sa Alcotel.
Hindi rin biro ang presyo ng isang gabi nila sa Alcotel dahil katumbas na nito ang halaga ng bagong kotse.
Lagi lang namang laman ang Alcotel sa tv, diyaryo at magazine na laging naii-feature. Hindi ko lubos akalain na sobrang yaman talaga si Ryke.
Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sa sobrang dami ng nalaman ko.
H-huwag mong sabihin na ang nakilala kong Allia Montesilva ay ang nag-iisang asawa ng bilyonaryo at kilalang business man at dati ring sikat na artista na si Marco Montesilva kung saan hango ang Alcotel dahil sa pinaghalong pangalan nila. Ang Alcotel ay regalo ni Sir Marco sa kanyang asawa noong kaarawan nito.
Oh no!
Hindi ko na talaga kinakaya ang mga nalalaman ko. Pero base na rin sa mga napapanood ko kahit naman napakayaman ng pamilya ni Ryke ay madami silang tinutulungan at hindi sila makasarili.
Kaya pala pamilyar sa akin si Ryke dahil nakita ko na ito minsan. Isa lang naman itong highest paid model ng sikat na brand ng underwear.
Naalala ko na kong saan ko siya unang nakita sa.. EDSA!
Dahil may malaki lang naman siyang billboard doon kong saan litrato niya ang nakalagay.
Hindi lang ito simpleng litrato dahil nakasuot siya ng puting underwear.
Naka-sideview ito at nakasandal ang ulo sa dingding at nakatingala ito. Kumikintab ang katawan nito dahil sa body oil na mas lalong nadepina ang abs nito.
Kitang-kita mo ang perpektong hubog ng katawan niya dahil maselang parte niya lang ang natatakpan pero kitang-kita pero ang malaking tinatago nito dahil sa malaking nakatambok doon.
Mula sa magagandang asul na mata niya, ang seryosong mukha niya na kahit saang anggulo mo tignan ay masasabi mong napakagwapo niya. Ang malalambot niyang labi na minsan ng humalik sa labi ko.
Ang mga muscles niya na nasa tamang pwesto at ang pinaka agaw eksena sa lahat ay ang..
Eight pack abs niya!
Kaya pag napapadaan ka doon eh madami kang babaeng makikitang tumitili.
Sa tingin ko iyon ata ang dahilan ng traffic doon dahil madami ang napapatigil at napapanganga. Pwera ako syempre!
Pero hindi ko pa rin maiwasang pagpantasyahan si Ryke. Kasalanan ko bang sobrang gwapo niya.
Napakamot nalang ako sa batok.
Ano ba 'tong napasok ko. Hindi pala basta-bastang tao ang nakilala at nakasalamuha ko.
I shake my head in disbelief. Kailangan ko pang gawin ang dapat na pakay ko dito.
Nag-umpisa na akong maglakad. Bago kasi ako makarating sa entrance ay may malaking hagdan ito pataas.
Hindi naman sakin nakaligtas ang mapanuring tingin na ipinupukol nila sa akin.Yumuko nalang ako habang naglalakad dahil nahihiya ako sa suot ko.
BINABASA MO ANG
Heartless Jerk Possession
Ficción GeneralRyke Deismond Montesilva & Victoria Garcia