Chapter 5

11.9K 290 31
                                    

VICTORIA

"Thank you for coming!" Nakangiti kong bati mula sa papaalis na customer.

Agad kong nilinis at inayos ang mesang pinagkainan nila. Pagkatapos ay inilagay sa tray ang mga pinggan at basong nagamit at tumungo sa dishwashing area at inilapag doon.

Tumingin naman ako sa orasan. Alas nuebe na pala ng gabi. Ang bilis ng oras hindi ko man lang namalayan at malapit ng matapos ang shift ko.

Nadagdagan pa ng tatlong oras ang shift ko. Kailangan kasi agad umalis ni Jenny dahil nasa ospital ang anak nito at sinabi kong ako na ang sasalo sa tatlong oras na natitira sa shift niya.

Pumunta na ako ng locker room para magpalit at kunin ang mga gamit ko.

Paalis na ako ng makasalubong ko si Dustin.

"Pauwi ka na?" Tanong ni Dustin.

"Oo, baka hinihintay na ako ni Daddy." Sagot ko.

"Ganun ba. Can you do me a favor?" Nag-aalangan niyang tanong.

"Oh sure, what is it?" Nagtatakang tanong ko kasi ngayon lang ulit humihingi ng pabor si Dustin.

"Pwede bang samahan mo ako sa bar?" He said.

"P-pero Dustin si Dad--" I unsurely answered.

"Please, Victoria. Ngayon lang naman tayo ulit lalabas. Mag-dadalawang linggo ka na dito pero hindi pa tayo nagbobonding nakakatampo na. Wag kang mag-alala libre ko." Sabi nito gamit ang nagmamakaawang tono.

"S-sure pero tatawagan ko pa si Bebang na--" He cut me again. I rolled my eyes.

"No need, I already called her and she said yes. Pagpayag mo na talaga ang kailangan." He grinned.

Nakilala niya na kasi si Nanay Mercedes at si Bebang nung ihatid niya ako. Ang babaeng yun talaga. Balak pang maging textmate si Dustin.

"Naku Dustin. Nagtanong ka pa talaga ha?" Pagbibiro ko.

Tumawa naman siya at umakbay sakin. Napailing naman ako.

"Pwede ko bang isama si Mira?" Tanong ko. Sigurado akong matutuwa iyon kapag nalaman niyang lalabas kami at kasama si Dustin.

"Of course you can. I'll just wait you there at the parking lot. Okay?" I nodded.

Ilang sandali pa ay nakasakay na kami ni Mira sa kotse. Habang nasa kotse kami panay ang asaran at bangayan naming tatlo natatawa nalang ako. Lalo pag si Dustin at Mira na. May chemistry talaga sila. They will make a perfect couple.

Tumigil ang kotse ni Dustin at nag-park. Lumabas naman kami ni Mira sa kotse. Binasa ko ang signage. Infinite Bar.

Ang alam ko ang bar na ito ay exclusive lang sa mga mayayamang tao. Kumbaga high-class na bar ito.

"Nawindang ako sa amoy ng kotse ni Fafa Dustin amoy palang yummy na." Bulong nito sakin. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to.

"Ewan ko sayo Mira baliw ka na." Naiiling na sagot ko. Sinundot niya ang tagiliran ko.

"Matagal na, hindi mo alam?" Tumawa ito.

"Let's go girls." Singit ni Dustin.

Habang naglalakad kami papasok sa bar ay hindi ko maiwasang tumingin sa paligid. Grabe ang daming tao ngayon atsaka hindi naman bago sakin ang pagpunta ng bar. Dati kaming gumigimik ng mga dati kong kaibigan. Hindi naman strikto si Daddy. Lagi sinasabi ni Daddy na minsan lang ako maging dalaga. Basta magpapaalam lang ako at uuwi on time.

And to my friends, akala ko tunay ko silang kaibigan pero nagkamali ako nung nalaman nilang naghirap kami iniwan na nila ako sa ere. Meron naman akong totoong naging kaibigan pero wala na akong balita sakanila.

Heartless Jerk PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon