VICTORIA
"K-kasi ang D-daddy mo itinakbo k-kagabi dahil i-inatake sa p-puso. Sabi ni Nanay Mercedes maiwan daw ako dito sa bahay para may magsabi sayo kapag dumating ka." Umiiyak na sabi ni Bebang.
Parang kinapos ako ng paghinga ng malaman ko ang nangyari kay Daddy.
Inabutan pa ako ng tubig ni Bebang pero hindi ko iyon tinanggap dahil hindi kayang tanggapin ng sistema ko ang nalaman ko.
"S-saan ospital Bebang??!" Natatarantang sabi ko.
Sinabi naman sakin ni Bebang at hindi na nag-abalang magpalit pa ng damit.
Halos liparin ko na ang Montesilva Medical Hospital para makapunta lang doon.
Buti nalang at wala pang masyadong sasakyan kaya nakarating ako agad.
Nang makarating ako sa ospital ay agad kong tinanong sa nurse kung nasaan ang Daddy.
"Nurse! Anong room naka-confine si Victor Garcia?!" Tila nagulat naman ang nurse sa pagtaas ng boses ko at agad na tumalima. Wala akong pakialam kong masigawan ko lahat ng tao sa ospital na ito dahil ang importante sakin ay ang malaman kong ano ang kalagayan ni Daddy.
"Nasa ICU po siya Miss." Agad na sagot nito.
Wala na akong sinayang na oras at agad tinahak ang ICU mas kinabahan naman ako dahil last time na dinala siya dun ay kritikal ang kondisyon ni Daddy.
Parang ginapangan naman ako ng takot. How can I be so cruel? Kung hindi ko sana pinili ang mag-bar walang mangyayaring ganito. Pero wala naman dapat akong sisihin sa kapabayaan ko kundi ako rin lang.
Nakarating naman ako sa ICU at nakita ko sa tapat nito ay si Nanay Mercedes na nakaupo sa blencher at may kasama siyang lalaki..
Dustin?
"Nay M-mercedes!" Hinihingal ako dahil hagdan ang ginamit ko imbes na elevator dahil sa pagmamadali. Lumingon ito at agad na lumapit sakin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.
"Victoria! Saan ka ba pumunta bata ka? Nag-aalala kaming lahat sayo. Akala namin kung napaano ka na. Ang Daddy mo Victoria." Umiiyak na sabi ni Nanay Mercedes.
Inalo ko naman ito. Hindi pwedeng ma-stress si Nanay baka may mangyaring masama sakanya at hindi ko kayang tanggapin kong may mahal sa buhay pa akong mapapahamak.
"Tahan na po Nay. Alam ko na po ang nangyari sinabi sakin ni Bebang pagkadating ko sa bahay. Malakas ang Daddy makakaya niya yan." Pinapalakas ko ang loob ni Nanay pero ako pakiramdam ko anumang oras ay mawawalan na ako ng ulirat.
Lumapit sa amin si Dustin. Concern is visible on his face. Magulo ang buhok at damit nito. Medyo maitim din ang ilalim ng mata niya dahil sa kawalan ng tulog.
"Victoria! What the heck! Saan ka ba pumunta? Nalingat lang ako saglit pero pagbalik ko wala ka na. Si Mira hindi ko naman matanong ng maayos dahil lasing. Alalang-alala ako sayo kaya pumunta ako sa bahay niyo sa pag-aakala kong umuwi ka na pero wala ka dun." Nagulat ako ng makita kong galit na galit ito. Laging kasing kalmado si Dustin kahit pa noong mga bata pa kami. Kahit nasira ko pa ang paborito nitong laruan dati ay hindi ito nagalit. Niyakap ako ni Dustin. Ramdam ko na labis itong nag-aalala. I hug him back. Dustin is like a family to me. Bata palang kami nandyan na siya para sakin.
"Iha, siya yung kasama kong nagtakbo sa Daddy mo dito sa ospital nagkataon kasing nandun siya." Segunda ni Nanay.
"Salamat Dustin sa pagdala kay Daddy sa ospital. Wag kayong mag-alala sakin okay lang ako. Saka na ako magkwekwento. Pwede ko bang makita si Daddy?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Heartless Jerk Possession
General FictionRyke Deismond Montesilva & Victoria Garcia