VICTORIA
Nakarating ako sa ospital pero pagdating ko sa ICU ay naka-lock iyon. Nagtaka naman ako dahil pasado alas tres palang ng hapon kaya hindi pa tapos ang visiting hours.
Nakita kong bukas ang kurtina sa bintana ng ICU kaya sumilip ako para tignan pero nakita kong malinis na ang kwarto at higit sa lahat wala na doon si Daddy!
Biglang kumabog ang dibdib ko at nanlamig ang buong katawan ko.
Nasaan si Daddy? May nangyari bang masama sakanya? Nilibot ko ang paningin ko at pati si Nanay Mercedes wala rin.
Halos tatlong oras lang akong nawala pero ganito na ang madadatnan ko.
Biglang may napadaang nurse sa harap ko kaya bigla kong hinablot ang braso niya.
"Miss nasaan ang pasyente dito sa ICU?" Kinakabahan kong sabi at pakiramdam ko ay bumagal ang takbo ng oras.
"A-ah kasi po.." Nauutal na sabi ng nurse.
"Miss pwede ba? Sagutin mo ng maayos ang tanong ko !" Aligaga kong tanong pero puno ng pag-alala.
"K-kayo po ba si Ms. Garcia?" Tanong niya.
"Oo ako nga." Tipid na sagot ko.
"Bilin po kasi ni Ms. Salazar na pag nakita kayo papuntahin kayo agad sa waiting room." Malumanay na sagot ng nurse.
Si Nanay Mercedes ang tinutukoy niya. Nagpasalamat ako sa nurse at agad na pumunta sa waiting room ng ospital.
Nang makadating ako sa waiting room ay agad kong binuksan ito.
Mula sa isang puting kwarto na puno ng upuan ay nakita ko sa gawing kanan si Nanay Mercedes na nakaupo at may hawak-hawak na rosaryo.
Nag-angat ng tingin si Nanay at nakita ako. Tumayo ito para lumapit sa akin.
"Anak buti naman at nandito kana kanina pa kita hinihintay." Nakangiting sabi ni Nanay.
"Nay, nasaan po ai Daddy? Bakit wala na siya sa ICU? May nangyari bang masama sakanya? Inilipat ba siya sa ibang kwarto? Ano nay?" Sunod-sunod na tanong ko. Nag-aalala kasi ako kay Daddy baka may nangyari nang masama sakanya.
Tinawanan naman ako ni Nanay at tinapik ang balikat ko.
"Huminahon ka lang nak. Pasensya ka na kong hindi ko nasabi sayo biglaan din kasi pero dahil nandito ka na sasabihin ko sayo ang magandang balita na siguradong ikatutuwa mo." Masayang sabi ni Nanay.
"Ano pong meron nay?" Agad kong sabi.
"Anak! Meron ng donor ang Daddy mo! Nagulat nga ako ng ilabas na nila ang Daddy mo sa ICU pero kinausap ako ng Doctor at sinabi ang magandang balita. Na pwede na raw operahan ang Daddy mo dahil may nahanap nang compatible donor! Pasensya ka na kong hindi ka na namin nahintay kailangan na kasing operahan ang Daddy mo agad. Kasalukuyang nasa operating room ang Daddy mo ngayon at inooperahan." Mahabang paliwanag ni Nanay.
Napapikit naman ako at umusal ng pasasalamat.
Halo-halo ang nararamdaman ko. Masaya na malungkot. It's bittersweet. Masaya kasi sa wakas maooperahan na si Daddy at maililigtas na siya sa kahapamakan. Malungkot dahil alam ko ang naghihintay na kapalit nito at walang iba kundi ako.
True to his words. Tinulungan nga ni Ryke si Daddy. Kakapayag ko palang kanina pero tinupad na agad ni Ryke ang kondisyon ko. May isang salita din pala ang kumag.
"Salamat naman po nay! Masaya po ako dahil sa wakas maliligtas na si Daddy." Masayang sabi ko dahil para akong nabunutan ng tinik sa dibdib at nakahinga ng maluwag.
BINABASA MO ANG
Heartless Jerk Possession
Ficción GeneralRyke Deismond Montesilva & Victoria Garcia