Chapter 35One year has past and hangang ngayon ay masakit parin.
Pinayagan ako nila mama na wag munang pumasok ng school dahil masyadong marami na yung nangyari.
I still having break downs every night thinking about Andres and the people in kasiyahan who are all dead now.
Imagine, i was in a barely stabled bus with a bunch of bead people who turned out to me my second family.
Every week kong binibisita yung therapist ko at pag katapos non ay dumideretso ako sa simenteryo kung saan naka libing si andres.
Naka upo ako ngayon sa harap ng libigan nya habang umiiyak.
Ang sakit talaga. Kung dati akala ko sobrang malas ko dahil niloko ako ng boyfriend ko, pero ngayon....
Andres, Oliver, ninang, at aji. Sana... masaya na kayo jan sa langit.
Hindi ko mapigilan yung luha ko. Hindi ako makapaniwala na yung mga nakasama ko habang naka coma ako ay matagal nang patay.
Bakit ba lahat nalang ng kamalasan ay napunta na saakin?
Jusko lord ayoko na. Let me rest.Binalik ko tingin ko sa libingan ni andres.
"Andres... it's been a month now. I miss you so much." Naramdaman kong tumulo yung luha ko sa mata.
Bahagya kong hinimas ito. "Andres hindi kona kaya, gusto na kitabg makasama. Andres pagod nako sa buhay. Gusto konang bumalik sa kasiyahan. Please! Ayoko na! ayoko na dito!" Wala na akong pake kahit sumigaw sigaw na ako dito.
Pagod na pagod na talaga ako sa lahat. Hindi ko aakalaing balang araw mag mamakaawa akong bumalik sa kasiyahan.
Habang Inaalala ko yung mga nangyari dati nung nandon pa ako sa kasiyahan bigla ko tuloy naalala si aji.
Agad kong pinunasan yung mga luha ko. Naalala ko nga palang ayaw akong nakikita ni aji na umiiyak. Jazz, tatagan mo sarili mo.
Huminga ako ng malalim. Inayos ko yung sarili ko bago tumayo.
"Paalam na muna andres. Babalik ako bukas, pangako yan." Bulong ko sa sarili ko.
Tumalikod ako para umalis nang bigla kong nakita si mikel sa na naka tayo sa likod ko.
Nagulat ako nang makita ko sya. Tinignan nya ako ng seryoso sa mata at sinabi.
"Jazz, mag-usap tayo." Seryoso nitong sabi.
Hinawakan nya yung kamay ko pero agad ko itong tinangal.
Hindi, wag dito sa harap ni andres.
Sa totoo lang ngayon kolang ulit nakita si mikel. After all those months ngayon lang sya nag pakita saakin.
Hindi ko naman sya masisi, para sa ikabubuti ko naman din yon.
****
"Alam mo jazz, nag sisi ako sa lahat ng pinang-gagawa ko. Hindi lang sayo pati kay andres." Nag lalakad kami nang biglang nag salita si mikel.
Napa tingin ako sa kanya nang binangit nya si andres.
"Jazz, hindi ko sinasadya. Kala ko yun lang yung paraan para umamin si andres sayo, pero torpe talaga si gago." Bahagya itong tumawa habang inaalala nya si andres.
"Sa tingin mo jazz, papatawarin pa kaya ako ni andres?" Tingignan nya ako nang lumuluha yung mga mata.
Tumango ako. Mabait na tao si andres at alam kong papatawarin din nya si mikel.
Umiwas ng tingin si mikel saakin at tumingin sa langit.
"Ayaw mo parin ang kausapin. Hindi kita masisi, ang dami ng pinag daanan mo." Naka ngiti nitong sabi.
"Nag tataka lang ako kung paano mo nakilala si andres." Sabi nito habang naka tingin parin sa langit.
"Pinuntahan kaba nya matapos kitang iwan?" Tanong nito. Tinginan kolang ito. Ayoko syang sagutin. Kung sasabihin ko sakanya yung mga nangyari baka hindi naman sya maniwala.
I mean pano koba sasabihin? Naka sama ko si andres habang naka coma ako? Habang kasama ko yung nga bangkay nila sa sirang bus?
Habang iniisip koyon hindi ko mapigilang malungkot.
Hindi ko tuloy alam kung talagang mahal ako ni andres o imagination kolang iyon.
Binalik ni mikel yung tingin saakin at unti unting nawala yung ngiti sa mukha nya.
"J-jazz, patawarin mo ako."
Tinignan kolang ito ng seryoso. Natatawa lang ako kasi dati patay na patay pa ako sakanya at gagawin ko lahat para bumalik sya saakin, pero ngayon tinitigna ko nalang sya na para bang wala anlabg sya saakin.
"Hindi yan mangyayari sayo kung hindi dahil saakin."
Tumingin ito sa baba at nakikita kong pinipigilan nya yung mga luha nya.
"Jazz, mahal na mahal ka ni andres. Araw araw ka nyang kinukwento. Kaklase daw kayo sa computer subject at lagi ka daw nyang pinag mamasdan. Kahit kelan daw hindi mo daw sya pinapansin." Bahagyang natawa si mikel habang kinukwentoa nya ito saakin.
"Jazz, patawarin moko kung ako yubg rason kung bakit hindi kayo nag katuluyan. Dahil saakin wala na sj andres." Tumingin ito saakin at kitang kira sa mukha nya na nag sisi sya.
Hindi ko parin mapili yung sarili kong mag salita. Nasasaktan ako habang nakikita ko nag nag sisi si mikel.
Naramdaman ko yung luha ko sa mata na unti unting tumutulo.
Humarap ako sakanya. "Matagal nayon, kalimutan nlanag natin yung nangyari." nauutal na sabi ko dito bago ko sya talikudan at iwan don.
Nakita kong nagulat si mikel sa sinabi ko. Ako rin naman, eh.
Ayaw ko na kasi syang nakikitang nag kakaganon. Kaya kong solohin yung sakit. Hindi kk din sinasadyang sabihin na kalimutan nalnag yon kasi kahit kelan hindi ko makakalimutan si andres.
*****
Next chpater--