"Hoy bumangon kana!" Narinig kong boses ni aji. Hindi ko ito pinansin at patuloy parin sa pag tulog.
Maya maya hindi kona natinig ang pag bwibwisit nito kaya nahimbing nanaman ako.
Ang sarap matulog hindi ko alam kung bakit ko nasasarapan dito dahil kahoy lang hinihingaan ko kumpara doon sa hotel ang lambot ng kama.
Bigla ko tuloy nalala ang mga pangyayaring gustong gusto konang kalimutan. Si ninang, si oliver, si rhiona, at lalo na si andre- hindi ko natuloy yung sasabihin ko sa isip dahil nagulat lang ako nang may humila sa paa ko.
Napatalon ako sa gulat. Nakita ko si aji tawa nang tawa habang hawak hawak parin ang mga paa ko.
Inirapan ko sya at bumangon. "Aji naman ang sarap sarap na nga nang tulong ko, eh" sabay kamot ulo.
"Haha! Ayaw mong gumising eh." Paliwanag nya habang tumawa.
"Sana inalog mo nalang ako"
"Mas efective kasi pag hihilahin yung paa para gising agad. Ganon lagi ginagawa saakin nang lola k-" hindi natapos ni aji at bigla syang natulala.
Nagtaka naman ako dahil hindi ko alam kung bakit. Tinignan tignan ko buong kubo baka may nangyari pero wala naman eh.
"Bakit aji?"
Bumalik ito sa sarili at tinignan ako nang kabadong mata. "H-ha? Wala! Tara kumain mag hahanap pa tayo nang mga taong pwede g tumulong saatin dito." Paliwanang nya habang nagiginig yung boses.
Ang weird nya na ngayon, ewan ko kung bakit.
...............
Kumain na kami at ready nang umalis. Ako unang lumabas dahil mag gagayak pa si aji.
Pag bukas ko ng pinto bumungad agad saakin ang isang pamilyar na mukha. Mukhang kinaiinisan ko.
Hindi ko sya pinansin at dinaanan lang. may mas importanteng aasikasuhin pako kesa sakanya.
Dumiretso ako sa bangka malapit lang sa kubo namin at inilipag ang mga gamit namin doon.
Napansing ko namang lumapit si andres sa pwesto ko. Iniwasan ko lang sya at sumakay na nang bangka.
"Psstt!" Naring kong tawag nya. Hindi ako lumingon.
"Psstt!" Di parin ako lumilungon. Ka bwisit naman kasi nito! Bakit ba nya ako ginugulo?
"Jalen? Jazz? Jazzelene? Pssttt!" Ang kulit talaga nya o.
"Pansinin mo naman ako. Sorry na please" kahit diko man sya tignan alam kong nag pupuppy eyes sya.
Nag cross arms ako at umarte na para bang wala akong naririnig. Ito namang hayop na toh alog nang alog ng bangka.
"Ano ba!?" Sigaw ko dahil inis na inis na ako.
Hindi parin sya tumitigil kaka alog ng bangka. Napuno na ako kaya tumalikod ako para harapin sya.
Nagulat nalang ako dahil naka sakay na sya at malayo na kami sa beach.
Hala! Bakit hindi ko napansing umaandar na pala yung bangka. "Huy! Itigil mo ito!" Utos ko sakanya.
Ngumisi ito at umupo sa tabi ko kaya naman tumayo ako para iwasan sya. "ititigil ko lang ito kung sasabihin mong bati na tayo."
Hindi ko sya pinansin at tumingin sa beach baka sakaling nandon na si aji.
"Tulong! Tulungan nyoko!" Narinig kong tumawa si andres at lumapit saakin. "Alam mo, wala namang makakarinig sayo dito, eh."
Naka talikod ako sakanya at ramdam ko na malapit na sya saakin. "Ano jazzy, bati na tayo?" Nagulat nalang ako dahil pag katapos nyang sabihin yon hinipan nya yung likod ng tainga ko.Medyo nakiliti ako na may halong irita at napataas lahat ng balahibo ko sa katawan. Agad akong lumingon para harapin sya at laking gulat ko na ang lapit lapit na pala nya.
"Ano ba!?" Tanong ko sakanya. Nakakainis na sya. Lumapit ito sa leeg ko at bumulong. "Sige na, jazz." Napatalon ako dahil hinipan nya yung leeg ko. Muntik na kaming na hulog sa bangka.
"Umalis ka nga! Lumayo ka! Tutumba na yung bangka!" Utos ko sakanya nang mapansin kong hindi na balanse yung bangka at baka mahulong kami.
Tumawa ito at lalo tinignan ako sa mata. "Lalayo lang ako pag sinabi mong bati na tayo." Nang bwibwisit ba talaga sya?
Inikutan ko sya at lumayo. Kung ayaw nyang lumayo edi ako nalang.
"Jazzy baby?" Narinig kong tawag nya kaya naman bigla uminit yung pisnge ko. Baby?
"Baby? Mukha bang kakasilang kolang kahapon para maniwala sayo?" Inirapan ko sya at nag cross arms.
Lumapit nanaman sya saakin at umupo sa tabi ko. "Kung ayaw mo naman maging baby, edi mommy nalang ng baby ko." Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan.
Seryoso ba sya!? Ano ba! Bakit ba kasi nandito ako!? Hinahanap nako ni aji, huhu.
"A-ano ba!? I-iuwi mo na nga ako!?" Narinig ko nanaman syang tumawa. "Sabihin mo munang mahal moko." Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. Sirang sira na talaga ulo nito.
"Alam mo, mas okay na sana yung sabihin kong 'bati na tayo' kesa doon"
Mas lalo ata syang natuwa. Teka... hindi pa kami bati? Hindi ko dinnsasabihin yon kahit lunudin nya ako dito.
"Edi, sabihin mo nalang na bati na tayo." Naiirita na talaga ako dito sa hayop na toh. Naalala ko tuloy lahat nang ginawa nya saakin.
Pinustahan lang pala ako tapos nakuha nya pang mag panggap.
"Sige na jaz-" hindi ko sya pinatapos dahil nagalit ako bigla. Hindi yung galit na naramdama ko nung iniis nya ako, dahil ibang galit ito.
"Bakit ba pilit ka nang pilit na sabihin ko yon, ayaw ko nga, eh!? Ikaw nga nag sinungalin na saakin ayaw mo pang aminin!" Napansin kong tumutulo na pala yung luha ko.
Natigilan sya at natulala. Mabuti naman at ayoko na nang maingay.
********
Next chapter~~~