"Jaime napaka bwisit mo talaga!" Rinig kong sigaw ni rhiona kay jaime. Nag aaway nanaman sila. Usually i'd be irritated by this but this time i didn't.Maybe it's, because excited nakong umuwi? Makita ulit si mama at si papa? Jusko hindi ko alam kung ano una kong gagawin pag-kauwi ko. Shit! Naiiyak ako.
"Huy! Nag dradrama kananaman jan." Napalingon ako kay oliver. Nginitian nya ako. Shit! Makakasama ko nga pala sila sa school.
"Oliver, wag mo ngang lapitan si jazz. Ikaw mag buhat nito kupal ka." Pareho kaming napalingon ni oliver kay andres. Bahagya akong natawa.
****
Hindi ako maka paniwalang huling yakap kona ito kila ninang. Hinigpitan ko ang pag hawak sa mga balikat nya. Naramdaman kong tumutulo na ang luha ko.
Bumitaw si ninang sa pag kayakap at humarap saakin. "Jazz, mag-pakabuti ka ha? Wag mong umahin yang galit mo, tandaan moyan." Maiyak-iyak na payo saakin ni ninang.
Eto ba yung feeling na mag-papaalam kana sa mga importanteng tao sa buhay mo? Oo, importante na lahat sila saakin.
"Opo ninang." Pinunasan ko yung mga luha ko. Napalingon ako kay aji. Agad ko din itong niyakap. "Promise, babalik din ako." Bulong ko dito.
Natahimik ng saglit si aji. Naramdaman kong humigpit yung yakap nya. "A-alam ko"
"Halika na pate, aalis na at ikaw nalang hinihintay." Sabi ni manong na may dala ng sasakyan. Bumitaw na ako sa pag-kayakap at dali daling tumakbo papalapit sa sasakyan.
Lumingon ulit ako sa huling pakakataon. Mamimiss ko kayong lahat. Sa puntong ito naramdaman ko ang pag-kalungot. Jazz! Wag mo ngang isipin yon! Of course babalikan mo sila. That's my promise to aji.
Kumaway ako sakanila bago tuluyan sumakay ng sasakyan.
Hindi ko talaga mapigilan ma iyak. Hindi ko talaga ma explain yung nararamdaman ko ngayon. Natutuwa ako dahil makikita kona ulit yung pamilya ko habang nalulungkot ako dahil mag-papaalam na ako sa bagong pamilya na nakilala ko.
After 1 month hidni ko aakalain maiiyak ako sa pag-alis ko dito. Simula nung napunta ako dito ang gusto ko lang ay makaalis at makauwi ulit sa bahay. Ngayon naman ay parang ayoko nang umuwi.
Dati nung una kong nakilala si andres ang gusto ko lang ay lumayo sakanya, ngayon hindi kona kaya syang layuan. Ang gulo diba? Sa isang buwan nayon ang dami na agad nangyari.
"Jazz..." Bahagyang hinawakan ni andres yung kamay ko habang konti-konting sumasandal sa balikat ko.
"Tignan mo si oliver, Haha! Kunwari pang hindi namimiss si aji." Napalingon tuloy ako kay oliver. Nadatnan ko itong nag pupunas nag luha.
Tumingin ulit ako kay andres. Hinawakan ko ulo nya na naka sandal saakin balikat at hinawakan yung kamay nya. I hope this moment never ends.
****
Unti unti kong dinilat mata ko. May naririnig kasi akong umiiyak. Nakita ko si andres sa harapan ko. "Jazz, pangako mo saakin na kakayanin mo nang wala ako." Tinignan ko ito nang seryoso. Ano ba pinag-sasabi nya?!
"Ano ba pinag-sasabi mo?" Naguguluhan kong tanong.
Pinanood kong unti unting tumulo yung luha nya sa pisnge. "Patawarin mo ako kung pinaasa ulit kita."
Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko alam kung ano ba yung nangyayarin.
Tumingin ako sa paligid at tanging si andres lang at ako yung nasa loob ng sasakyan. Nasan na yung iba?!
Binalik ko tingin ko kay andres. "Andres nasan na sila?!"
"W-wala na...." yumuko ito at tumingin sa lapag. Hinawakan ko yung mukha nya at hinarap saakin. Doon ko nakita na umiiyak na sya.
"Ano ba yung nangyayari?! Umamin ka saakin andres! Ayoko yung ganito!" Inalog alog ko yung balikat nya. Hindi ko narin napigilan yung mga luha ko.
"I'm sorry jazz, kung pinaasa lang kita." Seryoso nitong sabi. Sa puntong ito nanigas na ang buong katawan ko. Niloko nya lang ba ako? Kasabwat nya ba si mikel?!
Naguguluhan na talaga ako. Patuloy sa pag-agos yung mga luha ko. "Ano bang pinag-sasabi mo?! Naguguluhan na ako!" Hindi ko mapigilan sigawan sya.
"Patawarin moko, gusto lang talaga kitang maka sama kahit nasa panangin mo lamang." Unti unting nawala si andres sa paningingin ko.
Naka rinig ako ng ibang boses. "Jazz! Gumising ka, jazz!" Teka boses yon ni ate.
"Ate? Nandito ako!" Inikot ko yung boung sasakyan. Hindi ko makita sila ate.
Tinry kong nuksan yung pinto ng sasakyan pero ayaw. "Jazz, anak wag mo kaming iwan." Boses yon... boses yon ni mama!
"Mama! Nandito ako!" Mas lalong tumulo yung luha ko. Katok ako ng katok sa bintana ng sasakyan baka sakaling may maka rinig saakin. Hindi ko alam kung nasaan ako o kung sana man si mama, ang gutso kolang ay makita nila ako.
"Mama! N-nadito... a-ako." Sa huling sigaw kona yon unti unti na akong nawalan ng malay.
****
"Jazzelene, anak." Nagising ako nang naramdaman kong may humawak ng pisnge ko.
Totoo naba yung nakikita ko? Sila mama! Tatayo sana ako para yakapin nya kaso bigla ako naka ramdam ng sakit sa bandang binti ko.
Tinignan ko ito at nakita kong naka balot ito. Tinignan ko yung paligid ko. Nasa... hospital ako? Ano ba nangyari saakin?
Tinignan ko sila mama. Umiiyak ito sa tuwa. "Jazz, masayng masay ako na gumising kana." Niyakap ako nito.
Iba talaga yung yakap ni mama. Nakaka ginhawa ng pakiramdam. Naramdama kong tumulo yung mga luha ko.
Mama, naka sama ko na ulit kayo.
****
Next chapter~~~