Chapter 24

105 94 2
                                    

Habang papalapit kami nang palapit sa beach mas maayos kong nakikita si aji na naka tayo, at kung makikita mo mukhang galit ito.

Nang makababa na kami nang bangka agad ako nang lakad papalapit kay aji. Patay, baka galit na galit ito. Ano oras naba? Mag hahapon na!

Hindi na kami natuloy at kasalan ito lahat ni andres.

"Umm... aji sorry... kasi itong hayop na ito kinidnap ako." Turo ko kay andres na kunwaring hindi alam yung ginawa nya.

"Okay lang" seryoso nitong sabi. Napatingin ako sakanya, nakaka gulat kasi. Hindi sya galit?

"Hindi kaba galit?" Nahihiyang tanong ko sabay kamot nang ulo. Nilingon ko si andres. Naka ngisi naman ito.

"Hindi ako galit kasi nung nandon ka nakikipag landian, nakahanap ako nang makaka tulong saatin maka uwi."  Mataray nitong sagot. Bigla ako nahiya nang marinig ko yung salitang 'nakikipag landian' pero bigla naman din akong sumigla nung marinig kong makaka uwi na kami.

"Ah, talaga? Sino?" Masigla kong tanong. Tumingin ito sa kaliwa at may tinuro gamit ang mga labi nya.

"Ayun oh, yung lalaki nayon. Sabi nya dadalin nya daw tayo sa hotel kung saan sila tumitira pansamantala at tutulungan daw tayo nang mag asawa doon maka uwi pag bumalik na daw yung anak nila galing manila." Paliwanag ni aji habang hinahalot yung pagkain at gamit namin.

Sinundan ko kung saan nya tinuro at laking gulat ko nang makita ko si oliver. Napansin din siguro ni andres kung saan ako tumitingin kaya napa lingon din ito kay oliver na nag bubuhat nang mga kahoy.

Naalala ko tuloy yung gabing kumukuha kami ni andres nang kahoy. Grabe kala ko talaga asaang na yung nakita ko. Bigla tuloy ako natawa dahil sa iniisip ko.

Napatingin si andres dito at nag taka kung bakit ako natawa. Tumingin ulit sya sa direksyon ni oliver at parang na mukhaan nya ito kaya nya ito tinawag.

"Oliver! Oliver na binge! Oliver supot!" Paulit ulit na sigaw ni andres dahil hindi sya marinig ni oliver.

Natawa ako kasi nung binangit nya yung 'supot' agad napa tingin si oliver.

"Andres na adik, bakit!?" Rinig kong sigaw ni oliver kay andres. Nilingon to si andres at mukhang nataranta ito.

"Gago ka oliver! Halika dito! Nakita ko si jazz!" Sigaw nito kay oliver tska turo saakin.

Halos mabingi ako sa dalawang ito. "Ano gusto mong gawin ko!? Mag pari sa kasal nyo!?" Sarcastic na Sigaw ni oliver habang nag lalakad papalapit saamin. Tama ba yung narinig ko? Baliw talaga sila. Ang mag pari sa kasal namin?

"Ulol!" Sigaw ni andres habang nag lakad papalapit kay oliver para batukan.

Napa tingin si oliver sa gawi ko at mukhang nagulat. "Totoo palang nanjan si jazz kala nag sisinungalin ka nanaman." Tignan nyo pati si oliver umamin na din na sinungaling si andres.

"Teka bati na ulit kayo?" Tanong ni oliver nang makita nyang mag kasama kami.

Tumango naman itong si andres. Anong bati!?

"Anong bati!? Pinilit kang nya ako!" Sigaw ko sabay cross arms. Napa lingon si andres saakin at tinaasana ko nang kilay. Inirapan kolang ito.

"Wala ka pala tol, eh" sabi ni oliver kay andres at naglakad papalapit saakin. Nakita kong medyo nainis si andres kasi narinig kong minumura nya si oliver nang mahina, pero rinig na rinig parin.

Lumapit saakin si oliver at nagulat at nang umakbay ito saakin. Tumingin ito saakin at ngumisi. "Alam mo, hindi ko alam kung ano nakikita sayo ni andres at patay na patay yon saiyo." Naramdaman kong uminit yung pisngi ko.

Hindi ko alam kung bakit ito yung nararamdaman ko dahil galit ako kanina kay andres, pero ngayon kinikilig ako sa sinasabi ng kaibigan nya. Teka kinikilig? Joke lang pala yon.

"Ha?" Tanong ko kay oliver nang hindi ko ma gets ang sinasabi nya. Si andres patay na patay saakin? Nice joke.

"Basta. kung ako sayo ikaw na mag first move jan, torpe kasi yan eh" matapos nyang sabihin yon binitawan nya ako at nag lakad papalapit kay andres.

First move? Torpe? Nabobo naba ako dito? Kasi hindi ko magets sinabi ni oliver, eh.

"Hoy, narinig koyon! Anong torpe?!" Tanong ni andres kay oliver habang inis na inis ito. Tumingin saakin si andres. Kbadong kabado ito.

"Ah, jazz wag kang maniwala dito. Lasing lang ito." Paliwanag ni andres habang hinihila si oliver papunta sakanya. Tinignan ko si oliver at mukha namang maayos ito, at tska wala namang alak dito eh. Mag papalusot nalang nang palpak pa.

Tumalikod at at iniwan sila doon. Dumiretso at sa kubo at napansin kong naka silip si aji sa dalawang nag aaway. Napanisin siguro ako ni aji kaya lumapit ito sakain na merong naiinis na mukha.

"Nakikita mo bayaong lalaki nayon?" Turo nya kay oliver na nakikipag talo kay andres. "Oo, bakit?" Tanong ko sakanya.

"Wag kang lalapit jan, halatang gago." Sabi nito sabay irap habang naka tingin kay oliver. Nag away kaya sila? Bakit parang galit na galit si aji sakanya?

"Ha? Sig-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang marinig kong sumingaw si oliver. Napansin nya atang pinapanood namin sya.

"Hoy, aji ni moto! Bilisan mo gumayak! Napaka kupad mo! Ilang oras na akong naghihitay dito,oh! Maawa ka naman sa tao." Sigaw ni oliver kay aji at makikita mo sa mukha ni aji na bwisit na bwisit sya.

"Wala akong pake kahit mabulok ka jan kakahintay!" Sigaw ni aji sabay buhat sa mga gamit nya at nag simulang lumapit sakanila.

Buti nalang at nakita kong nakagayak nadin yung gamit ko kay binuhat ko ito sabay sumpnod kay aji.

Habang pinapanood ko si ajing maglakad bigla kong naalala kung saan kami pupunta. Kinabahan ako dahil ayokong bumalik sa hotel nayon. Baka hindi ako tanggapin nila ninang.

Napahinto ako sa pag lalakad. Pero wala akong choice. Doon pupunta si aji at keylangan kong sumama dahil kung hindi baka mamatay ako sa gutom dito. Hindi ko naman pwedeng pilitin si aji na wag pumunta kasi gusto nya nadin umuwi at hindi mahirapan dito.

*******
Next chapter~~~

Hello Kasiyahan (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon