Chapter 21

99 89 3
                                    

Parehas kami ngayon na tahimik. Grabe hindi ako sanay, lagi kasi syang daldal nang daldal.

Tiningnan ko sya at mukhang malungkot ito. Sya pa yung malungkot? Sya na nga yung nag sinungaling.

Nagulat ako nang bigla sya tumabi saakin sa upuan at sumandal sa balikat ko. Gusto kong tangalin yung ulo nya sa balikat ko pero ang awkward kasi, eh.

Hinidi nya ba gets na ayaw ko syang kasama? Hindi ba malinaw? Gusto ko na syang kalimutan, pati narin yung lahat nang ginawa nya saakin.

Bakit ang hirap para sakanya intindihin yon?

"Sorry..." napalingon ako sakanya. Nagulat kasi ako, eh. Akalain mo yon? Mag sosorry ulit sya saakin?

"Sorry, saan?" Mataray na tanong ko.

"Sa lahat, hindi ko naman talaga planong maging malapit sayo." Natahimik ako. Ngayon kolang sya nakitang nag ka ganyan.

"Gusto kong sabihin lahat sayo pero-" hindi ko na sya pinatapos.

"Pero ano? Masarap ba akong pag tripan? Masarap lokohin? Masarap laruin? Hindi ako laruan andres, tao ako, tao ako!"  Hindi ko napigilan mapaluha habang isinisigaw yon sa mukha nya.

"Pero tatakot akong layuan mo ako." Totoo ba yung naririnig ko?
Layuan sya? Hindi nya ba alam na mas lalayuan ko sya pag nag sinugaling sya!?

"Ano naman sayo kung layuan kita!? Bakit gusto mo din ba ako pag laruan!?" Sinigaw ko ito sa mukha nya ngunit naka tingin lang ito sa lapag.

"Hindi.... kasi...." inintay ko ang susunod nyang sasabihin pero ang tagal eh. Inirapan ko sya at tumalikod.

"Jazz...g-gusto kita... gustong-gusto kita." Napalingon ako sakanya. Nagpapatawa ba sya!?

"Anong klasemg joke yan!? Kasi hindi nakakatawa!" Lumuha na ulit ako. Ano ba itong nararamdaman ko?

Bakit... bakit parang natuwa ako nang marinig ko iyon!? Galit ako sakanya! Galit na galit! Kung galit man ako kay mikel mas galit ako sakanya.

Teka bakit ba mas galit ako sakanya? Dahil pinusta nya lang ako kay mikel tapos nag sinungaling sya? Eh, kung si mikel nga pinaasa ako tapos iniwan sa ere pero bakit mas nagagalit ako kay andres!?

Dahil kaya... hindi! Hindi yon pwedeng mangyari!

"Alam kong ayaw mong maniwala, pero gusto talaga kita, sa tingin ko nga mahal na kita." Dahamn dahan nyang hinawakan yung kamay ko pero inalis ko naman ito. Binibigyan nya akong goosebumps.

"Mahal!? Anong kasinungalingan yan!? Mahal na agad!? Kaunting panahon lang naman tayo nag kasama! Nahahalataang nagsisinungalin ka, eh!" Lumuha ulit yung mga mata ko. Bakit ba kasi ang tanga nya!? Gusto nya ba ulit akong saktan!?

Sobra sobra na nga yung binigay nya! Ano pa ba ito!?

"Jazz..." mahina nitong sabi. "Wag mokong ma jazz jazz!" Nag gigil na ako kaya itinuro ko kamay ko sa kanya habang binabalaan ko sya.

"Hindi mo ba naiintindihan na ayoko sayo!?" Pinag hahampas ko yung braso nya habang sobra pag agos nang mga luha ko.

Pinigilan nya namna nang kamay nya ang kamay ko at hinawakan ito. Hindi ko magalaw kahit anong lakas nang pag hila ko sa mga kamay ko, sadyang malaks talaga yung mga kamay nya.

"Ano ba bitawan moko!" Sigaw ko sa kanya nang ayaw nya akong bitawan.

"Jazz... please makinig ka naman saakin." Bigla nya akong hinila papunta sakanya at niyakap. Yung yakap na mahigpit, pinilit kong kumalawa kaso ang lakas nya talaga.

"Jazz... please" narinig kong suminghot sya. Tinignan ko sya at natagpuang umiiyak. First time. First time ko palang sya nakitang umiyak.

Napahinto ako kakagalaw at natahimik. Bakit naman sya iiyak? Hindi naman sya yung iniwan hindi naman sya yung ginamit hindi naman sya yung pinang laruan yung niloko, pero bakit ba sya umiiyak!?

Natahimik kaming dalawa. Sawakas binitawan na din ako ni andres at nag punas nang luha.

Sa totoo lang ang cute nyang umiyak, hindi na talaga ako aangal.

Ang awkward as in. Sobrang tahimik yung hangin lang yung naririnig namin.

"Inaasar lang nila ako..." nagulat nalang ako nang bigla nalang ito nnag salita.

Nagtaka ako kung ano ba yung sinasabi nya.

"Alam nilang gusto kita... pinipilit nila akong paaminin sayo pero torpe talaga ako... gusto nila akong paaminin sayo, kaya ayun pinilit nila si mikel na jowain ka para umamin na ako..." nagulat ako sa narinig ko, pero hindi ako basta basta maniniwala.

Hinintay ko sya bago ulit sya mag salita. This time hindi na ako kokontra, g-gusto... Oo aamin na ako na gusto ko talagang makinig sa sasabihin nya kahit hindi din naman ako maniniwala dito.

"Matapos yon nag simula akong magalit kay mikel, at ito yung sanhi kung  bakit nag ka watak watak yung grupo namin." Paliwanang nito habang nakatingin sa malayo.

Totoo ba ito? Gusto kong maniwala, pero maniwala sa sinungaling? No way.

"Nalaman nito ni summer yung totoong girlfriend nya" may parang kumurot sa puso ko nang marining ko yung salitang 'totoong girlfriend nya'.

"After non nag sinungalin si mikel na pinagpustahan kalang namin at hihiwalayan ka na daw agad nya. Alam mo bang galit na galit ako sakanya dahil sa ginawa nya sayo? Pero mas galit ako sa sarili ko... kung umamin lang sana ako, edi sana hindi na ganito kahirap." Humarap sya saakin at niyakap ako nang mahigpit.

Hindi ko mapigilan yung luha ko kaya umagos it saakin mga pisnge.

"Jazz... nung nalaman kong na hospital ka hindi ko mapatawad sarili ko sa mga nangyari... alam mo bang ikukulong na dapat ako? Dahil matapos kong malaman na nasa hospital ka binugbog nang binugbog si mikel hangang sa mahuli ako nang nanay nya." Malungkot na paliwanang nya.

Bakit naman nya bubugbogin si mikel!? Ganon nya ba ako ka gusto!?

Lalong humigpit yung yakap nya saakin. "Wala akong ibang pupuntahan kaya nag balak akong umalis nalang... kaso nakita kita sa labas ng hospital, halos hindi ako makapaniwalang magaling kana... kaya sinundan kita at eto na... nandito na tayo." Ngumiti sya habang tinuturo kung nasaan kami ngayon.

Napangiti ako sakanya. "Sa sobrang tuwa ko na sawakas makakasama kita nang walang iba na aagaw saakin kaya ko nagawang mag sinungaling." Ngumiti ito saakin tapos hinawakan yung mukha ko.

Inilapit nya yung mukha nya napa anatras naman ako. Ano gagawin nya!? Biglang nag init yung mukha ko at feeling ko napansin ito ni jacob kaya ito lumayo.

"Eh...umm...b-bakit mo sinabing ikaw yung nag dare kay m-mikel para i d-date nya ako?" Nauutal ko natanong.

"Dahil galit ka at mahirap mag paliwanang sa time nayon." Parang bigla itong nahiya at tumalikod. Pinigilan ko ang sarili kong tumawa kasi ang cute nya.

*********
Next chapter~~~~

Hello Kasiyahan (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon