CHAPTER 12:
L's POV
Sunday na ngayon. At emo pa rin si Xyz.
Okay. Hindi lang siya basta-basta nagtatampo. Galit na galit na galit na galit na galit siguro. Simula pa kasi noong Friday night ay hindi pa siya lumalabas ng kwarto niya. Kahit para kumain man lang.
Nakokonsensya tuloy ako. Nakakastress pa naman ang ganito. At nakakapanget ang stress. Tsk! Tsk! Pano na lang yung mga babaeng nahuhumaling sakin? Maiistress din sila.. tapos papangit sila.. at magkaka-domino effect. Papangit ang populasyon sa buong mundo. Hindi ka pwede ma-stress L. Para ito sa kapakanan ngnapakaraming tao at para sa ikauunlad ng bansang Pilipinas at ng buong mundo. Kailangan ko munang magparaya. Paano na lang--" naputol ang sasabihin ko ng makita ko sina Terrence na nag-aayos
"Oh, aalis na naman kayo?" tanong ko kay Terrence na nakabihis.
"Yeah. She's going to church, then after that, she's meeting some high school friends." Sagot ni Terrence.
"Hindi ba delikado ang palagi n'yong paglabas at pamamasyal?"
"Syempre, delikado. Anytime, mayrooong aali-aligid para dukutin siya pero hindi ko siya pwedeng pigilan o pagbawalan. Hindi madali para sa kanya ang sitwasyon nila ngayon, pinagbibigyan ko lang para hindi siya madepress. Besides, nandito naman ako. It's my duty to bring her home safe, complete and unwounded." Napamaang ako kay Terrence.
'Yun na ang pinakamahabang litanya ni Terrence sa loob ng tatlong taon naming partnership. Nakakapanibago.
"At the same time," he continued. "It's also a way of finding thrill to this job."
"Loko ka talaga. Nadikit ka lang kay Dash, dumaldal ka na," komento ko.
(-.-) (~~,)
He just shrugged.
Pareho kaming napalingon kay Dash na bumababa ng hagdan habang may kausap sa phone.
"I'm sorry, Kendra, but I think I'll pass this time. Ahm... I am not allowed to attend parties for the meantime. Sorry... 'K... bye!" huminto siya sa tapat ni Terrence.
Ngumiti si Dash kay Terrence. "Shall we?" tanong n'ya.
"I told you, you're free to do whatever you want or to go wherever you wish. I will guard you." Emotionless na tugon ni Terrence.
"No. enough na yung special occasions na lang," tapos hinarap ako ni Dash. "L, ikaw na bahala sa batang 'yun ha? Bye!"
Sure! Ako na ang bahala kahit hindi ko alam kung humihinga pa ba ang isang iyon. At umalis na silang dalawa.
Nung lunchtime ng araw ding iyon, sinubukan kong katukin si Xyz sa kwarto niya pero ayaw pa ring akong pagbuksan ng pinto.
Kung tinatanong ninyo kung bakit hindi ko gamitin ang spare keys, iyon ay dahil sa nasa kanya na iyon. Paano? Ganto ang nangyari.
***Flashback
Saturday morning, 11:30am to be exact.
This is the 10th time that I knocked in her door, but still no response.
I started banging on the door. "Xyz, come on. Open the door and eat."
Wala pa rin.
"Sir L, ito na po 'yung pinakuha ninyo spare keys." Sabi ng katulong.
"Pagpasensyahan mo na ang batang iyan, L. Matagal lang talagang humupa ang sama ng loob niyan." Sabi ni Manang Lourdes, ang mayordoma ng mga Alistair.
Batay sa background check na isinagawa ni Santiago, bata pa lang daw si Mr. Alistair ay nagsisilbi na siya sa pamilya nito.
"Ano pa nga po ba?" 'yun na lang ang naisagot ko.