Chapter 17
Xyz's pov
Nagulat ako ng hilahin ako ni Hunter palabas ng gymnasium.
Nang makarecover ako mula sa shock dulot ng nangyari kanina sa amin ni L ay sinubukan kong tumigil sa paglalakad ngunit ang lakas ng lalaking ito kaya nakaladkad pa niya ako.
"Ano ba?!" angil ko kay Hunter
Tumigil naman siya sa paglalakad at nilingon ako. Tinapunan niya ako ng masamang tingin pero ginantihan ko lang siya, Kage bunshin technique times two, times two, times two, times two, times two pa! Bale times 10! Ang galing mo talaga sa math Xyz!
(,~~)+++ ... +++++++++++++++++++++++++++++(~~,)
Hunter Xyz
Wala naman akong ginawang masama para tignan niya ako ng ganyan kaya kung akala niya, masisindak niya ako, pwes NAGKAKAMALI SIYA.
Inalis niya ang tingin niya sa akin, pumikit at bumuntong hininga, saka niya binitawan ang wrist ko.
"Hindi naman matindi ang galit mo sa akin?" pinagmasdan ko ang kasalukuyan kong namumulang wrist dahil sa higpit ng pagkakakapit niya kanina. Ngayon pa lang din nagbabalik ang kulay ng namutla kong kamay dahil hindi makadaloy ang dugo kanina.
"Sorry." Sabi niya pagkakita niya sa kinahitnan ng kamay ko. Napakamot siya sa batok niya at nagpout. Kaya madaming babaeng nagkakagusto dito tulad k-- ayy.. nevermind
"Tss." Inirapan ko siya. "Ano ba kasing problema mo?" pabalang kong tanong sa kanya
Nanlaki ang singkit niyang mga mata at biglang sumigaw "YOU'RE REALLY ASKING ME THAT QUESTION?!! XYZ, HE ALMOST KISSED YOU!!!" paghyhysterical niya.
"Sshh!!! Sige Hunter! Ibroadcast mo sa school! Hinaan mo boses mo pwede? Pati ano naman ngayon?"
Nakakunot pa rin ang noo ni Hunter habang hinihilot niya ang temples niya at pinapakalma ang sarili niya "Hindi ka ba magagalit o maiinis man lang?"
Pinagcross ko ang arms ko at sinagot siya, "To be honest with you, hindi. What for? Aksidente naman iyon. Kanino naman ako magagalit? Kay Mage? Kay Ryu? Wala namang may kagustuhan nang muntik ng mangyari. Pati masyado ng cliché yung magagalit yung leading lady dun sa lalaki dahil muntik na silang maghalikan noh!" I tried to lighten up the mood
Sa totoo lang, sobra akong kinabahan kanina ng maglapit ang mga mukha namin ni L. Mabilis at malakas ang mga tibok ng puso ko na akala mo ay katatapos lang tumakbo sa marathon.
Natakot akong gumalaw dahil baka magdikit ang mga labi namin na alam kong pagsisisihan ko habangbuhay kaya nagpapasalamat talaga ako kay Hunter dahil nailayo niya ako kaagad.
Binigyan ako ni Hunter ng isang di makapaniwalang tingin.
Sinuntok ko ng mahina ang balikat ni Hunter. "Kahit pagbalik-baliktarin mo pa ang mundo, hinding-hindi magagawa ni Ryu na halikan ako." I assured him.
Tama. Professional and responsible agent si L. He would never dare to do such thing. He's way better than that kind of guy.
Naibaling ko ang tingin ko sa gilid at nakagat ko ang labi ko. I don't know why that thought made me upset.
Binalik ko rin agad ang tingin ko kay Hunter. Binuka niya ang bibig niya para may sabihin pero sinara niya rin agad ito at hindi na nagsalita pa. sumandal siya paharap sa bintana ng hallway at tinanaw ang malawak na soccer field. Parang may pinag-iisipan siyang malalim and to my surprise, nakabuka rin ang bibig ko and I'm patiently waiting for him to say something. Although hindi ako sigurado kung magsasalita pa ba siya.
Seryosong seryoso ang tingin niya at napansin ko na nakayukom ang kamao niya.
Haaay.. kahit kailan talaga, napaka-overprotective ni Hunter. Hindi lang kay Mage, pati na rin sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa asal niyang ganito.
Siguro dapat magpasalamat na lang si L na ako at hindi si Mage ang muntikan na niyang mahlikan kanina, kasi for sure, nabangasan na ng isang 'to ang pinakaiiingatan niyang mukha.
"relax ka nga lang." sabi ko. Hinawakan ko ang nakayukom niyang kamao.
Tinignan niya ako at halatang nagulat siya sa ginawa ko. Hindi naman kasi ako touchy sa tao.
Tsk! Tsk! 'yan na nga ba sinasabi ko eh, namumula na siya sa galit.
"Hahahaha, mukha ka ng kamatis oh!"
"Tss." Umiwas lang siya ng tingin na parang nahihiya
"Kilala ko si Ryu. Hindi siya yung tipo ng lalaki na magtetake advantage sa ganung klaseng sitwasyon. Conceited lang iyon pero hindi pervert tulad ni Bradley."
Ano bang pinagsasabi ko? Ano nga bang alam ko tungkol kay L?
"Close talaga kayo noh? Ganun mo siya kakilala.." napatingin siya sa taas at parang may malalim na iniisip.
"Ahmm.. hehehe.. Oo. K-kasi di ba childhood friends kami?" inalis ko yung pagkakahawak ko sa kamay niya at napakamot sa pisngi gamit ang hintuturo. ("^_^')a
Sorry kung nagsisinungaling ako at naglilihim sa inyo Hunter. (>/\<)
Hindi naman sa hindi ko kayo pinagkakatiwalaan pero hindi talaga pwedeng sabihin na personal bodyguard ko lang si L. sorry talaga. Siguro kapag tapos na itong lahat.
"T-totoo ba yung s-sinabi niya dati?" napatingin siya sakin pero hindi ko mabasa kung anong iniisip niya..
Nabuko na ba niya kami?
"Anong sinabi niya?"
"Na.. na fiance mo siya."
"WHA?! May sinabi siyang ganun?!"
"Oo, first day niya pa lang dito, nabanggit na niya 'yon."
Saka ko naalala 'yung pagtatalo ni L at Mage noon. Oo nga pala.. Bwisit talaga 'yun.
"Hindi. Hindi totoo 'yun. Nantitrip lang ang hinayupak!"
He sighed as if in relief.
Relief? Bakit? Nag-aalala ba siya na baka tuluyang mainlove si Mage kay L pero committed si L sa akin? HAHAHAHA! Ang panget isipin. Sagwa! Parang mga salitang bawal pagsama-samahin sa iisang sentence kung hindi, wrong grammar ang kahahntungan.
Love triangle? Eeww!!
"Wag kang mag-alala. Kapag nangyari 'yung kung ano mang kinatatakutan mo, akong bahala kay Ryu. Isesemento ko siya sa loob ng drum at itatapon sa Ilosg Pasig." I smirked grimly
Umiling-iling siya. "you don't know what you're saying." He murmured
"Ha? May tumatumbling na ice cream?" hindi ko naintindihan ang sinabi niya..
Napatingin siya sa akin ng weird at medyo natawa. "Wala. Mukhang tapos na 'yung meeting sa gymnasium."
Tinignan ko yung pinanggalingan namin kanina. Tapos na nga dahil naglalabasan na ang mga maiingay na estudyante.
Bumalik na sa pagkaseryoso yung mukha niya. "Mabuti pa, pumunta na tayo sa room." 'yun lang ang sinabi niya at tinalikuran na niya ako para maglakad.
Nag-umpisa na kaming maglakad ng bahagyang nauuna siya at nung aakyat na dapat kami ng hagdan ay biglang nag-iba siya ng daan.
"Oh? Saan ka pupunta?"
"C.R. Sama ka?" sagot niya ng hindi lumilingon.
"Loko!" sigaw ko at pinabayaan na siya. Dumiretso na ako ng classroom.
--------------------------------------------------------------------------------------