chapter 6

236 9 13
                                    

walang magagalit sa pic..hahaha...  

arcky sa side---------------------------------------------------------------------->

dedicated to sa isa naming mga fans.. nagpadedic kasi siya eh :)

kung gusto nyo din magpadedic.. add niyo lang kami sa fb or i-message niyo lang kami sa watty..binabasa naman namin yan eh  :)

http://www.facebook.com/angel.charmcaster

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 6:

 Xyz’s POV

“So, you stalked me back at Maldives, huh?”

“Ha? Ako ba ang kinakausap mo?” maang ko.

“Who else?” tanong niya sabay tingin sa paligid.

Sinundan ko ang tingin niya. Sino pa nga ba ang kausap niya eh kaming dalawa lang ang nandito sa sala.

“Hoy! Ang kapal mo naman! Hindi kita ini-stalk! Sinundan lang kita nung gabing iyon dahil kahina-hinala ka! Why should I stalk you anyway? hindi ka naman kaayang-aya na nilalang at ang ganda ganda nung lugar para bigyan pa kita ng pansin.” Inismiran ko siya.

"haha.. yung lugar ba ang maganda? 

o yung view? Dahil sakin???"

"ASA!!"

“Defensive?”

“Hindi noh! Nagpapaliwanag lang.”

“Pareho lang yun.”

“Natanong ka eh, natural lang na sagutin kita.” Singhal ko.

“Ano nga bang tinawag mo sa akin kanina? Assassin? Huh! Wala sa mukha ko ang pagiging masamang tao. At isa pa ang tanging nasa mukha ko lang..

ay umaapaw na kagwapuhan”

“Tss. Bakit? Si City Hunter ay assassin di ba? But he’s not a bad guy. And he’s so handsome and gorgeous. At hindi na lang panget ang mga kriminal sa panahon ngayon.”

Pumunta siya sa harap ko at nakangiti. Hindi pala basta ngiti kundi naka-ngising aso.

“Are you implying that I’m handsome and gorgeous? Dear, I already knew it.” sabi niya sabay pose at inayos ang buhok niya na parang superstar

Napanganga ako sa sinabi niya. 

Ano raw? E punong-puno naman pala ng kahanginan ang isang ito eh. Siguro kung hindi ako namamanhid ngayon, kanina ko pa siya nasipa ng bonggang-bongga.

Nagface-palm siya tapos, “Tsk! Ang lakas talaga ng appeal ko, for all ages. Pati bata, nagdu-drool over me. Tsk! Tsk!”

“Aba’t! ang kapal talaga ng mukha mo, nuh? Sino nagsabing naglalaway ako sa’yo?”

“Sinabi ko bang ikaw?” he smirked.

“Eh, ako lang naman ang bata dito sa bahay ah!.”

“Maraming bata sa mundo. Ikaw lang itong assuming.”

BASAG!!!

Ilang beses pa ba akong mapapahiya ng paulit-ulit sa walanghiyang conceited at gwapong lalaking ito?!?!?!

“Unless, nasapol ka ng sinabi ko.”

!@#$%^&*?*&^%$#@!

I’m pretty sure, namumula na ako.

Namumula sa galit.

“HAHAHAHAHA!” tawa pa niya.

=_________=+++++

mission failedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon