chapter 11

154 4 2
                                    

CHAPTER 11

L's POV

"Ang gwapo ko..."

Oh. Wag muna magreact. Di ako nagsabi niyan. Yung Dilaw ang buhok, malaki ang katawan dahil sa kamachuhan, laging nakashades at conceited na feeling habulin nang babae na cartoon characther na si Johnny Bravo ang nagsalita..

Baka sabihin nyo na naman na pinayayabang ko na lang sa twina-twina ang taglay kong kagwapuhan... Pero di ako ganun. Hinahayaan ko lang makita ang mga taong makita at marealize ang kapogian ko.. Di na kailangan pang sabihin ng paulit-ulit na gwapo ako. Ay... SOBRANG gwapo pala. Alam na nating lahat iyon (^^,)

Yung bata kasing binabantayan ko ay nanonood ng t.v. at sa cartoon network napagdiskitahan ilipat ang channel. Saktong ang hambog na si Johnny Bravo ang palabas.

Hndi ko nga lang alam kung talaga bang nanonoood ang isang ito. Paano ba naman kasi abala siya sa paglalaro ng flappybird sa iPAD niya, naglalaro ng farmville sa laptop niya, nagpapatugtog ng kanta, nagduddoodle at ang pinakamatindi pa ay nakaupo siya sa kama at napapaligiran ng mga bukas na libro (novels at academic books) at notebook dahil gumagawa ito ng assignment niya..

Ito na ang pinakamatinding multi-tasking na nakita ko..

"YES!." Pagbubunyi ni Xyz na may kasama pang suntok sa ere... "May bago na naman akong record! .. Talo ko nanaman ang Kulugo."

Ang tinutukoy niyang kulugo ay yung mga kaibigan slash utusan slash punching bag slash alipin niyang lalaki. Lagi niya na lang tinatawag ang mga ito sa iba't-ibang pangalan. Minsan kulas, hudas, barabas, hestas, unggoy, hinayupak, at kung ano ano pa.. Pero pansin ko naman na kahit papaano pa ang tawag niya ay pare-pareho pa rin yung apat na lilingon at tutugon sa tawag niya.

Para siyang nagtayo nang isang kulto at ang apat na iyon ang mga tagasunod niya. Parang isang fraternity ang barkadahan nila na oras oras may hazing dahil ang bibigat ng kamay nang magbebestfriend na Xyz at Mage. Grabe, nakakatakot ang dalawang iyon, Hindi na ako nagtataka kung bakit nanlaban ang amazonang ito sa mga kikidnap dapat sa kanya.. Maangas at palaban siya, Pero hindi maganda ang pananaw niya na ang buhay ay parang isang malaking action film na nakakathrill ang ganung eksena dahil isang maling galaw lamang ay "the end" na... hindi tulad sa mga pelikula, ang bida o super villain na parang pusang may siyam na buhay para magkaroon ulit ng sequels at kumita ang direktor. Hindi ko tinutukoy yung mga pelikulang kagaya ng shake, rattle and roll ha. Pati rin yung wrong turn. Hindi talaga. Pramis.. As in hindi.

Anyway.. hindi nga siya kasi kagaya ng mga big boss/super villains na kahit tamaan nang ilang bala, saksakin, buhusan ng asido, putulan ng ulo, bagsakan ng eroplano, ihulog sa pacific ocean at pasabugan ng nuclear bomb ay buhay parin. Siya, isa lang, bonus pag may pangalawa pero himala ang pangsiyam

Ano ba itong pinagsasasabi ko? Feeling Bob Ong na ba ang mga loka-lokang authors?

"Xyz.." tawag ko.

"Ay.! 10:30 na pala, may walking dead na" at mukhang may balak pa siyang dagdagan yung ginagawa niya. Masyado nga namang kaunti. Nakakahiya naman

"Xyz,"

"Nasaan na ba yung remote? Kaasar naman oh," sabi ni Xyz habang naghahanap. "Ay. Ayun. Hohoho!" at naglipat na siya ng channel.

"Xyz, yung assignment mo," pagpapaalala ko sa kanya.

"Mamaya," yun lang ang sagot niya at tutok na tutok na siya sa pinapanood niyang zombie apocalypse.

. . . . .

. . . . .

. . . . .

"Waaah! Ang cool talaga ni Daryl!"

mission failedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon