chapter 16

107 3 0
                                    

mehehehehe.. pasensya na po kung natagalan..

Bradley sa side --------------------------------------------------------------------->

----------------------------------------------------------------

The characters and events in this book are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the author.

CHAPTER 16:

Xyz's POV

Nagising ako ng maramdaman kong umuuga ang hinihigaan ko. Kinabahan ako bigla at natakot dahil baka lumilindol, nasa rooftop pa man din ako.

o baka naman...

hindi kaya..

KINUHA RIN AKO NG MGA KIDNAPPERS NI JULIUS HAN??!!

Adrenaline rush suddenly kicked in my bloodstream na dahilan ng bigla kong pagdilat at pagtayo kaso...

*TODOINKS!*

"Aray! Ansakit!" inda ko nang tumama sa kung anong matigas ang ulo ko.

"Xyz, are you alright?" tanong ng kung sino.

Tsaka palang gumana ang lahat ng senses ko. Nasa backseat na pala ako ng kotse at yung matigas na bagay kung saan ako nauntog ay bubong pala. At kaya umuuga kanina ay dahil nagdadrive si L.

"Anshakit ng ulo ko. Bakit ako nandirito?"

"Siguro kasi kikidnapin kita.." seryosong tingin sakin ni L

"HOY LALAKE!! Hindi porke't agent ka ay matatalo na ako! Makakatakas ako sayo!!" bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla siyang tumawa

"Hahahahaha.. Xyz, seriously? Are you actually thinking that I'll kidnap you?"

Napaisip ako saglit.. Oo nga, bakit naman niya ako kikidnapin?

Bumalik siya sa pagkaseryoso

"Pauwi na tayo." Sagot ni L na mukhang nag-aalala sa pagkakauntog ko. "Okay ka lang ba? Kelangan pa ba kitang dalhin sa ospital?"

"Tss... OA mo, dre. Bukol lang 'to. Sige na magpatuloy ka lang sa pagdadrive." Sabi ko habang inaayos ang upo ko at sumandal. Hawak ko pa din yung part ng ulo ko na sa tingin ko ay magkakaroon ng malaking bukol. "Sa labas ka nga ng windshield tumingin at wag d'yan sa rearview mirror. Okay nga lang PO ako."

Tinignan ko rin siya sa rearview mirror ng nakataas ang isang kilay. May ilang segundo rin kaming nagsukatan ng tingin at siya na ang kusang nagbawi para tingnan ang dinadaanan namin.

Pagkadating naming sa bahay, pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng pinto ay naghihikab na ako. Inaantok na naman ako kahit kagigising ko lang. Parang gusto ko na agad matulog ulit. Kaya dumiretso ako sa hagdan para makapunta na sa kwarto ko at makahiga na sa kama. Itutulog ko na ito.

"Ano ba kasing pinagkaka-abalahan mong gawin kagabi at sabik na sabik ka ngayon sa tulog?" tanong ni L habang sinusundan ako.

"Nagbabasa."

"HA? Nagpuyat ka para mag-aral? Malakas ata pagkakauntog mo kanina" gulat at di makapaniwalang tanong ni L.

"Kapag nagbabasa, nag-aaral na agad? Di ba pwedeng nagbabasa lang ng label ng de lata?"

"Uhh.. so nagbabasa ka nun kagabi?" nawiwirduhang tanong ni L

"Of course not! Novel ang binabasa ko ok? DUH!" Nag-'novel marathon' kasi ako kagabi dahil ang ganda talaga ng Percy Jackson and the Olympian. Ang COOL ni Nico, ang HOT ni Apollo at nakaka-inlove si Percy!

mission failedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon