Chapter 14

148 3 5
                                    

dedicated sayo.. salamat sa paghintay ng update.. na-appreciate namin ng sobra :)

CHAPTER 14:

Xyz's POV

Masaya ako ngayon!

As in ganito ang ngiti ko. -----> ^___________________________________________^

Bakit? Kasi today is THORsday! YEHEY!

Ok. Huwag n'yo akong sisihin kung corny ang joke ko. Ang dakilang author na si Charmcaster ang nag-isip niyan. Oh well, lagi naming waley ang mga jokes niya, masanay na kayo.

But seriously, masaya ako ngayon dahil P.E. at nagsa-socccer kami ngayon. YOSH!

P.E. ang favorite kong subject dahil natutuwa ako sa tuwing nadadaig ko ang mga kaklase kong lalaki sa iba't ibang sports. Feeling ko, I am INVINCIBLE!

Pero wag lang isasali si Hunter sa usapan. Halimaw kaya 'yun! Siya na MVP sa lahat ng sports na salihan niya mula pa noong elementary sila, kaya lagi akong talunan sa kanya.

Kasalukuyang nasa akin ang bola at malapit na ako sa goal. Pero nakita ko sa peripheral vision ko na may papalapit sa akin na kalaban at determinadong makuha mula sa akin ang bola. Kaya ipinasa ko ito kay Lex-teammate ko sila ni Hunter at nasa kabilang team sina Bradley at Jeero.

Nang maipasa ko na ang bola kay Lex, mabilis naman siyang nilapitan ni Bradley para agawin ito. Saktong padating na si Hunter-to the rescue kay Lex-cue ko na yun para humanap ng magandang puwesto. Si Jeero ang goalkeeper ng kalabang kupunan at alam kong magaling siya. Eh varsity player ang apat na unggoy at goalkeeper talaga ang position ni Jeero.

Pinalibutan agad ng tatlong katao si Hunter ng mapunta sa kanya ang bola. Bakit ganun? Siya, tatlo-tatlo ang bantay, samantalang ako, ni isa wala. Minamaliit nila ako, nakakaasar!

Inikutan ni Hunter yung isa niyang bantay at tumingin sa akin bago sipain ang bola. Pagkasipa niya ay agad akong lumapit sa direksyon ng bola. Nakita kong hinahabol na ni Jeero ang bola na paparating. But I have a better plan.

Tumalon ako at sinipa sa ere ang dumarating na bola para mabago ang direksyon nito at madagdagan ang bilis. At gaya ng inaasahan, naka-goal ako este kami pala. Pero ako talaga ang naka-goal. Hohoho!

Naghiyawan ang mga manonood na nasa bleachers at loob ng building sa tapat ng soccer field kasabay ang pagtatapos ng laro. 5-3 ang score at kami ang nanalo! 2 out of 5 goals, ako ang may gawa. Hohoho! Hindi naman sa nagyayabang ako, sinasabi ko lang na dalawang beses akong naka-goal samantalang naka-isang beses lang si Hunter. Hohoho!

Sumayaw-sayaw pa ako habang sumisigaw

"Ako, dalawa. Si Hunter, isa lang. ^_____________________^ hohoho! Natalo ko si Hunter ngayon."

~~(^0^)~~ (~~,) (- -,) (OO,) (++,)

ako mga kulugo

"Anong pinagsasabi ni master?" bulong ni Bradley kay Jeero

"Hindi ka pa nasanay diyan. Baka sinapian " sagot naman ni Jeero

Nagbulungan pa ang lakas-lakas din naman -___-

Hinanap ng mata ko ang gwa-este hinayupak na si L para magyabang pero nawala ang ngiti ko ng makita ko siya.

Hindi kasi siya nanonood. Nakikipagdaldalan lang siya kay Mage at nakaupo sila sa pinakataas ng bleachers at pareho silang tumatawa.

Bakit sila nagtatawanan? Anong meron? Anong pinag-uusapan nila? Naku-curious ako.

"Oy Xyz." Biglang umakbay sa akin si Hunter at nginitian ako ng pagkatamis-tamis. "Congratz! Ang ganda mo kanina ha."

mission failedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon