sorryy ulit kung matagal yung update :D
Lex sa gilid --------------------------------------------------->
start na :)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
CHAPTER 15:
Hunter's POV
Sablay.
Panlimang three-point shot ko na iyon na sumablay.
Kanina pa ako naglalaro ng basketball mag-isa para magpahupa ng init ng ulo. Nag-jump shot ako pero sablay na naman. At parang mas lalo akong nabwibwiset. Nag-dunk naman ako pero hindi pumasok yung bola.
"Aaargh! Bwiset!!!" sabi ko sabay bato ng bola.
Saktong pagtalbog ng bola,
tinamaan ako sa mukha. "ARAYYYY! ILONG KO!!!" inda ko. Napaluhod ako sa sakit.
Tinignan ko ng masama yung bola na hanggang ngayon ay tumatalbog pa rin. Pinulot ko ito at tinitigan
"Ikaw! Sisirain kita mamaya, humanda ka sa akin!"
"BWAHAHAHA!" napalingon ako sa pinanggagalingan ng matinis na tawa na iyon. "WAHAHAHAHA!"
Nakita ko si Mage na nakaupo sa isang bench. Hawak niya ang tiyan niya habang humahagalpak. "HAHAHAHA!" may nalalaman pa siyang paggulong-gulong at paghampas-hampas ng kamay sa bench. "HAHAHAHAHA!"
"Anong ginagawa mo dito?"
"Tumatawa. Bulag ka ba? Wahahahaha!" halakhak niya habang nakaturo sa akin.
"Umalis ka na nga!" bulyaw ko sa kanya.
"hahahahahahaha" patuloy lang siya sa pagtawa. Tapos bigla siyang tumigil
"matino na ba kitang makakausap ma-"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHHAAH! sabi--- hahahahahahah!! Yung-hahaha! Bola-Hahaha! Mukha-hahahahaha! Pagalitan-haha!"
-____________________- wala akong naintindihan sa sinabi niya.
"Wait lang." sabi niya sabay extend ng kamay as a hand gesture. "Ub-bwahaha! Uubusin ko lang muna ang tawa ko. Bwahahahahahahahahahahahaha!"
Ano bang nakakatawa? Yung mukha ba ng authors namin yung tinatawanan niya?
"HAHAHAHAHAHAHHAAHA!!" napatawa din ako ng malakas at sinabayan si Mage.. nakakatawa nga
pero hindi nga? Bakit kung makatawa siya ay wagas? Lalo tuloy akong nababadtrip.
After 3271996 years...
Joke lang. after 5 minutes, humupa na ang tawa niya.
"Tapos ka na?"
Tumango lang siya bilang sagot. "Hihihi!" grabe! Awayin daw ba yung bola? Dami kong tawa dun."
"Talaga? Mga ilan?" pamimilosopo ko.
"Mmmhh... Teka, bilangin ko lang. Bwa-ha-ha..." sabi niya habang nagbibilang sa daliri.
Hindi talaga siya nagpapatalo sa pamimilosopo. Sumasakit ang ulo ko sa kanya.
"Hssh! What do you want?" tanong ko para matigil na siya sa kabaliwan niya.
"Hmm?" nadistract siya sa pagbibilang niya. "Wala naman. Sinisilip ko lang ang baby brother ko." Then she smiled widely.
Tama kayo ng basa. Mas matanda sa akin si Mage ng 16 minutes. Pero kung umasta naman daig pa ang 10-year-old na bata. Prinsesa kasi siya kung ituring ng parents at tatlong kuya namin since only daughter siya kaya na-spoiled ng sobra.