CHAPTER 13:

164 4 2
                                    

CHAPTER 13:

Xyz's POV

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinigawan ko si L last Friday night. Hindi ko alam kung saan ko nahugot yung sama ng loob ko. Basta ang alam ko, kelangan ko nang sumabog na parang bulkan.

Pagkasarang-pagkasara ko ng pinto, nakaramdam na agad ako ng guilt. Pinakalma ko ang sarili ko para makapag-isip-isip.

Humiga agad ako sa kama pagkabihis ko at nagmuni-muni.

Tama ba yung ginawa ko?

Eeenk! Alam na alam mo Xyz na mali. Kahit ano pang gawin niyang pagtetake-over sa buhay mo, hindi ka dapat magalit. Dahil simula ng dumating siya sa buhay mo bilang bodyguard, responsibilidad ka na niya at nakasalalay na ang buhay mo sa kanya.

Ano ba 'yan? Kinakausap ko na ang sarili ko in a second person perspective. Nababaliw na ako.

Pero bigla ko na lang naisip yung nangyaring pagtatangka para dukutin ako, a week ago. Bigla akong natakot dahil sa laki at lakas ng mga baril na gamit nila at sa dami nila. Ngayon ko lang narealize na hindi na pala talaga basta-basta ang kaaway ni Daddy. Na sobra sobra siguro ang pag-aalala nila Mommy, Daddy at ate nang ikwento ko yun at parang wala lang sa akin. Napaka-childish ko talaga.

Ngayon tuloy ay natatakot ako hindi lang para sa sarili ko kundi para sa buong pamilya namin. Tapos may mga tao pang handang magbuwis ng buhay para lang sa kaligtasan namin. Nahiya naman tuloy ako sa ginawa ko kay L.

Nagpasya akong matulog na ng hindi pa kumakain pero hanggang 11:30 pm ay di pa rin ako makatulog. Nakapikit nga ako pero paikot-ikot lang ako sa kama. Ang tindi ng bad vibes ko, ayaw akong patulugin.

Kaya naisipan kong manuod na lang ng Anime, pampaantok. Kaichou-wa Maid Sama ang sinalang ko para panoorin kaso imbis na antukin ako, natapos ko pa siya hanggang 7:45 ng Sabado ng umaga. Tsaka ako nakatulog kaso naalimpungatan ako dahil sa malakas na katok sa pinto.

Yung feeling na wala pang apat na oras ang tulog mo tapos bubulabugin ka. Kaya ayun, susugurin ko sana pero kinuha ko na lang yung susi at bumalik sa pagtulog.

3 pm nang magising ako on my own free will. Ganda ng gising ko kaso kumukulo na yung tiyan ko sa gutom.

Iiih! \(>.<)/

Nahihiya pa akong harapin si L.

Dinikit ko yung tenga ko sa pinto para marinig kung may tao sa labas. Narinig ko ang boses ni ate na may kausap. Nung sinilip ko, may kausap nga sa phone.

"Pssst... ate..." mahinang tawag ko kay ate. "Pssst... oy... PANGET... ate... ate Dash... GANDA!"

Ayun biglang lumingon ng tinawag kong ganda. "Yes my dear sister?"

"Si L?"

"Nasa office ni Dad, may pinag-uusapan sila. Gusto mo bang tawagin ko?"

"Naku, hindi na. wag ka nang mag-abala." ^______________^ sabi ko sabay labas ng kwarto at takbo sa kusina.

Naghakot na ako ng stock ko dahil hindi ko talaga alam kung kelan ako makakalabas ulit.

Pagbalik ko sa kwarto ko naabutan ko sa labas nito si Mang Marco. Nakangiti siya sa akin.

"You two are playing hide and seek?" then he chuckled.

"Po?"

"Kung nagtatagu-taguan ba kayo?"

"Alam ko po ang tagalog ng hide and seek. Ang ibig ko pong sabihin bakit mo naman po nasabing naglalaro kami ng tagu-taguan?"

"Hindi ba pagtatago iyang ginagawa mo?"

mission failedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon