RIVALS
Haileigh's P.O.V
Sobrang gaan ngayon ng pakiramdam ko, ewan ko kung bakit pero basta masaya ako ngayon.Siguro dahil sa kahapon na naka bonding ko ulit ang mga kaibigan ko.
Kasalukuyan na kami ngayon nag-aalmusal.
''Rinig ko raw may taga ibang school daw na pupunta dito, yun yung makakalaban namin sa sports.'' saad ni Narelle.
''Ganon ba? edi mas masaya. Support lang kami.'' sabi naman ni Ryleigh.
Nang matapos na kami, lumabas na kami at naglakad papuntang University dahil wala ang boys dagil maaga ang training nila sa basket ngayon kaya na una na silang pumunta sa school.
Pagdating namin sa school maraming tao ang tumatakbo papuntang Gym,kami namang chismosa eh nakisali rin sa pagtakbo papunta sa gym.
Pagdating namin sa gym,kailangan pa namin makisiksik dahil sa dami ng tao.Nang makapunta kami sa unahan nakita namin ang mga asungot na naglalaro maliban kay Jeighz na naka upo sa gilid.
Practice game pala nila kaya pala ang daming tao.
Natapos ang practice game nila kaya kami naman ay bumalik na sa room.
''Okay class,siguro narinig nyo naman ang balita na merong taga ibang school na pupunta dito at yun yung makakalaban nyu sa sports na gaganapin dito.Ngayon sila pupunta hanggang next week pa sila dito dahil dito rin sila mag ti-training para ma pag aralan nila ang kanilang lalaruan.So mag-aadjust tayo ng time dahil hindi kayo pwedeng mag sama mag practice.And sa nagdedecorate ng room natin Very good at pag-igihan pa natin ng mabuti.So ibibigay ko na ang schedules nyu sa may mga sports ngayong week wala kayong ibang gagawin kundi ang mag training at magdecorate ng room.Goodluck class!!''
Yun lang at lumabas na si Ms.Gail, busy rin kasi ang mga teacher para sa gagawing event.
''9:30-10:30 may practice ako ng badminton.'' saad ni Narelle.
''10:30-11:30 yung schedule ko sa Volley ball.'' sabi naman ni Lunah.
''So breaktime natin is 8:30-9:00?'' tanong ko.
''Yes,tsaka pagtapos na siguro natin i-decorate ang room pwede tayong manood ng practice.'' sagot ni Ryleigh na sinang-ayunan naman namin.
''Guys! Andito na daw ang taga ibang university!!'' napapitlag naman kami sa lakas ng sigaw ng kaklase namin.
''Wahh!! Ang gwa-gwapo!!'' sigaw rin ng isang kaklase namin.
Napa-irap na lang ako at napa-iling.
Sumapit ang Breaktime namin kaya lumabas na kami ng room at pumunta na sa canteen.
Pagpasok namin sa canteen tinawag kami agad ni Jeighz.
''Lunah ko! mga ate!dito!'' tawag nya sa amin nakita ko naman ang mga asungot dun sa pwesto namin kaya lumapit na kami doon at umupo.
Katabi kong umupo si Chasity at katapat ko naman ay si Kheiden.Bali ito yung order ng upo namin:
Lunah Narelle Ryleigh Amarish Chasity Haileigh
Jeighz Nathan Zach Gio Xandrei Kheiden
"Nakapag order na kami girls kaya kain na lang kayo.'' Sabi ni Nathan.
''Salamat.'' nakangiting pasasalamat ni Narelle.
''Lunah ko wag kang titingin sa iba ha.'' napatingin naman ako sa kay Jeighz.
''Ano di nako titingin sa mga kaibigan ko?'' pasiring na sabi ni Lunah.
''I mean kasi nga may taga ibang school na dadating dito kaya ngayon palang sinasabihan nakita na wag mokong ipagpalit dahil makakapatay talaga ako.'' seryosong sabi ni Jeighz.
''Oo na para kang tanga.'' natatawang sabi ni Lunah.
Napa-iling nalang ako at di sinasadyang napatingin kay Kheiden,nakita ko siyang nakitingin sa akin at nginitian ako kaya ngumiti rin ako pabalik.Nasa ganoon kaming sitwasyon ng umingay ang paligid,napatingin kami sa entrance ng canteen nandon pala ang basketball varsity ng ibang taga University kaya ang iingay ng mga haliparot.
''See Lunah ko wag kang lalapit sa kanila ha di ri naman maikakaila na gwapo sila.'' talak pa ni Jeighz.
Nakita kong umupo sa kabilang table namin ang taga ibang school.
Naririndi nako sa ingay ng mga haliparot. Napatingin ako kay Kheiden na nakasimangot at naka-kunot ang noo.
''Problema mo?'' mahinang tanong ko sa kanya.
Umiling lang siya at patuloy na nakasimangot.Napatawa naman ako sa hitsura niya dahil para siyang batang inagawan ng candy.
''So matapos nito san punta nyu?'' tanong ni Xandrei.
''Kami nina Ryleigh,Chasity at Amarish magdedecorate kami ng room at pagtapos na kami manonood kami ng practice.'' sagot ko.
''Ah ganon ba edi sama na lang kami sa inyo total wala naman kaming practice this afternoon bukas pa kami ulit magpa-practice.'' sabi ni Kheiden na sinang-ayunan ng lahat.
Patuloy lang kami sa pag-uusap ng maramdaman kong parang may nakatitig sa akin kaya mabilis na iginala ko ang mata ko sa buong paligid at natuon iyon sa lalakeng taga ibang University.
Kumunot ang noo ko at nag-iwas na lang ng tingin.
Nagbell na hudyat na tapos na ang breaktime namin at practice na nina Narelle sa badminton.Napagpasyahan na namin na pumunta na sa room para mabilis kaming matapos at makapanood ng practice nila.
10:16 na nung matapos kami sa paggawa ng dapat gawin ngayong araw kaya freetime na namin hanggang mamayang hapon.Naisipan na namin na pumunta sa practice ni Narelle.
''Boys mauna na kayo mag c-cr lang kami.'' sabi ni Amarish.
''Sure kayo?'' tanong ni Gio.
''Oo.'' sagot sa kanya ni Amarish.
''Sige bibili na lang rin kami ng snacks natin.'' paalam nila at nagsimula ng umalis samantalang kami dumeritso sa cr.
''Hay ang boring no?'' sabi ni Ryleigh.
''Oo nga eh.'' sagot ko habang naghuhugas ng kamay.
Nang matapos kami lumabas na kami ng cr at naglakad na papuntang gym.
Habang naglalakad kami papuntang gym ay may biglang humarang sa amin.
''Hi.'' bati sa amin ng chinito,Basket ball varsity ng taga ibang university.
''Ahm hello.'' bati pabalik ni Chasity.
''May i-tatanong sana kami sa in--.'' Naputol ang sasabihin ng chinito ng dumating ang mga asungot.
''Hali na kayo at baka mahuli pa tayo sa practice.'' sabay hila sa amin ng mga asungot.
''Teka lang kinakausap pa ka---.'' naputol ang sasabihin ni Lunah.
''Playboy sila mga moves lang nila yun wag nyo nalang pansinin.'' putol sa kanya ni Jeighz na mukhang badtrip na.
Ako naman ay napatingin kay Kheiden na hila-hila rin ako.
''Anyare sa mukha mo? kanina pa yan ha?'' tanong ko sa kanya.
''Wala to,may gusto lang akong basagin ang mukha.'' naiinis niyang sabi.
''At sino naman yun?'' tanong ko ulit.
''Tsk wag ng makulit.'' sabay pisil niya sa tungki ng ilong ko at gulo ng buhok ko.
-------------------------------------------------
Hi guys votes and comment is so much appreciated.I hope you like it ^_^
-Nana
BINABASA MO ANG
The Childish Mafia Boss
Teen FictionMafia Boss- Dalawang salita pero nakakatakot.Pagnaririnig ang salitang ''MAFIA BOSS'' pumapasok ka agad sa mga ating utak ang salitang, MAMAMATAY TAO,RUTHLESS,HEARTLESS,CRIMINAL, o kung ano pang masasamang salita. Pero ano kaya ang magiging reaksiyo...