Selos

31 3 13
                                    

Selos

Haileigh's P.O.V

Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang school since hindi kami masusundo ng boys dahil may practice sila.

Habang naglalakad na kami papuntang room namin ng may biglang may humarang nanaman sa amin.

"Hi" nakangiting bati sa amin ng chinito, siya rin yung humarang sa amin kahapon.

"Ahmm H-hi" nahihiyang bati pabalik ni Narelle.

Nagsmile lang sya kay Narelle at napataas ang isang kilay ko ng dumapo ang tingin nya sa akin.

Napakamot siya sa batok nya at ngumiti sa akin.

"What's your name?" napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"Bakit mo natanong?" saad ko.

"Haileigh Brheille" halos bigwasan ko si Amarish ng banggitin nya ang buo kong pangalan.

"Yun lang ba male-late na kami eh." dugtong pani Amarish.

"Thank you and btw nice name." 

"Sige ha mauna na kami, kase baka ma late kami." paalam ni Chasity.

"Sure and see you around." Kumaway pa sya at kinindatan ako.

Napailing na lang ako. 

Nang makapasok kami sa room namin agad na kaming nag umpisang magdecorate at pagsapit ng break sakto namang katatapos lang ng boys magpractice.Sabay kaming pumunta sa may cafeteria at nag-order na.

"So pagkatapos nito practice nyu na rin Lunah ko?" Tanong ni Jeighz.

"10:30-11:30 pa kami magpa-practice sina Narelle pa." sagot naman ni Lunah.

Nag-uusap lang kami ng biglang umingay ang paligid at ng mapatingin kami ang taga ibang university pala.

Umupo sila sa katabing mesa lang namin.

"Hi Haileigh." nakangiting bati sa akin ng chinito.

"Paano mo nalaman ang pangalan nya?" magkasalubong ang kilay na tanong sa kanya ni Kheiden.

"Chill lang Captain" nakangising sabi ng chinito.

"Tol hayaan mo nayan nagpapansin lang yan." saad naman ni Gio.

"Panu nya nalaman ang pangalan mo?" tanong sa akin ni Kheiden.

"Hinarang niya kami kanina tas tinanong nya ako" sagot ko sa kanya.

"At sinabi mo rin?" kunot noong sabi niya.

"Syempre hindi si Amarish ang nagsabi noh." 

"Tsaka pangalan lang naman eh." dugtong ko pa.

"Tsss" yun lang at tumahimik na ito. Ako naman ay napakibit-balikat na lang.

Pagkatapos naming kumain ay dumeretso na kami sa gym para manood sa practice ni Narelle.

Umupo na kami dahil nagsisimula na rin ang practice. Ang galing talaga ni Narelle.

Nasa kalagitnaan kami ng panonood ng may umupo sa may likuran namin at para lang malaman na ang basketball team pala ng taga ibang university.

"Brheille" napatingin ako ng may tumawag sa akin.

Nakita ko namang yung boys na napalingon din.

"Bakit?" tanong ko sa chinitong na sa may likuran lang namin.

"Drei nga pala sorry kung hindi ako nakapagpakilala sayo kanina."

"Okay lang di naman sya interisado eh." sabat naman ni Kheiden

Hinampas ko naman si Kheiden sa may braso. Kahit kailan talaga ang lalakeng to!

"Ahm Okay lang" sagot ko kay Drei at bumalik na sa panonood.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Childish Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon