PROLOGUE

142 20 17
                                    


Limang taon narin ang lumipas simula nung huli ko SIYANG makita.

Nandito ako ngayon sa ''THEIRA UNIVERSITY'' kung saan ako nag-aral noon,kung saan una kaming nagkita,kung saan maraming ala-ala,kung saan nagsimula ang lahat.

Alumni kasi namin ngayon,at alam ko na malaki ang posibilidad na makita ko SYA.

Pero ang tanong kaya ko na ba siyang harapin?

Kasalukuyan kaming nakaupo ng aking mga kaibigan sa isang pa bilog na mesang mapatingin ako sa may gate ng University namin, Kitang-kita ko sya mula dito na naglalakad na animo'y isang Modelo sa kakisigan at kagwapuhan.

Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa,at natuon ang atensiyon ko sa mukha nya at para bang nanlumo ako nung makita ko ang mukha niya.Wala na ang dating maamo niyang aura,Kundi napalitan iyon ng malamig at walang emosyon na aura.At sobrang sakit sa pakiramdam na ako ang dahilan ng pagbago niya.

''Guys CR muna ako ha.'' Paalam ko sabay tayo at pumunta ng Cr, nang matapos ako akmang lalabas na ako ng may humila sakin pabalik sa Cr at ni-lock ang pinto.

''K-Kheiden?'' na uutal na sambit ko.

''Alam mong wala kanang karapatan na tawagin akong ganiyan.'' malamig niyang sabi.

''Nagbago kana talaga'' Malungkot kong sabi.

''Dahil sayo, at alam kong alam mo yun.'' Sabay labas niya sa cr.

Ako naman ay parang tangang naiwan sa loob na nakatunganga.Kung hindi ko ba siya iniwan,ganito ba siya ngayon?

''YOU KNOW IT TAKES SECONDS TO SAY HELLO,BUT IT TAKES FOREVER TO SAY GOODBYE''

The Childish Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon