First Fight

34 13 25
                                    

First Fight

Haileigh's P.O.V 

kasalukuyan kami ngayong kumakain nung bigla na lang nagsalita si Amarish.

''Sigurado ka ba sa Jeighz na yan,baka lukuhin ka niyan.''

''Hindi naman siguro.'' sagot ni Lunah.

''Tshh kung maka-asta ka kala mo sigurado kana sa kanya ah,baka nga pinaglalaruan ka lang nun,tapos ikaw namang si uto-uto nag papaloko rin.'' Iritang sabi ni Amarish.

''Di naman siguro,tsaka wag mo siyang husgahan Amarish.'' sagot naman ni Lunah.

''Tsk sinasabihan lang kita baka kasi umiyak-iyak ka sa harapan ko dahil sinaktan ka nung Jeighz na yun!'' sigaw ni Amarish.'' Napatingin ako sa kanya ng masama dahil sa pag sigaw niya.

''Pwede ka namang magsalita ng mahinahon bakit kailangan mo pang sumigaw,ang lapit-lapit ng pagiyan nyo oh.'' mahinahong sabi ko.

''Isa ka pa eh! kinukunsinti nyo kasi yan!kaya ayan tuloy namimihasa sa kalandian!'' sigaw na saad niya.'' 

''Sumusobra kana ata Amarish,wag ka ngang magsalita ng ganyan.'' sabat ni Ryleigh.

''Ako na ngayon masama,kasi pinagsabihan ko siya?! ganon ba yon huh?!'' napa sapo ako sa aking noo,bad trip siguro siya kaya ganyan.

''Teka wag nga kayong mag-away.ang aga-aga oh.'' pigil ni Narelle.

''Nasa harap tayo ng hapagkainan wag naman kayong bastos.'' suway samin ni Chasity.

Bumuntong hininga ako.

''Amarish kung badtrip ka,sabihin mo hindi yung magagalit ka na lang bigla.''

''Hindi ako galit!'' sigaw niya.

''Oh bakit ka naninigaw?'' tanong ko sa kanya.

''Kasi di nyu makuha ang pinupunto ko!''

''Ano ba ang pinupunto mo ha.'' tanong pa ni Ryleigh.

''Alam nyo pwede mo namang sabihin ang problema mo nang mahinahon eh,di mo kaylangan manigaw at bumitaw ng masasakit na salita.'' sabi ko.

''Sinasabi ko lang naman na baka umiyak-iyak siya sa harap ko dahil niloko siya at tanga naman siya dahil nagpalandi naman siya.anong masama don?!'' sigaw niya,

Napatingin kami kay Lunah na napahikbi na at tumayo na at lumabas ng bahay.

''Tingnan mo? nasaktan siya sa sinabi mo sana bago ka manghusga kilalanin mo dapat ang tao at dapat kung magsalita ka dapat alalahanin mo rin na may damdamin rin sya, nasasaktan rin sya.'' sabi ko.

''Bakit ba ako ng lang lagi ang mali? ikaw kung makapayo ka kala mo kung sino kana, eh napakaarte mo naman,kaya nga tingin ng mga pinsan mo sayo oa eh.Totoo naman oa ka,ultimo pag-upo sa upuan mo ayaw mo dapat ikaw lang,ano ka sosyal?'' sabi pa niya.

''Hindi mo alam ang sinasabi mo.'' sagot ko sa kanya at kinuha narin ang bag at hinabol si Lunah.

Agad rin namang sumunod ang mga naiwan at tahimik kaming naglakad papunta sa University.

Pagdating namin sa room,tahimik lang kaming na upo at hindi nagpapansinan.''

''Good morning.'' bati ni Xandrei nung mapadaan sila samin.

''Good morning rin.'' tipid na ngumiti si Chasity.

Hanggang sa sumapit ang lunch hindi parin kami nag papansinan sinundo rin namin si Lunah,at dahil nga nanliligaw si Jeighz kay Lunah sumay silang anim samin.

''Ang tahimik nyo naman.'' sabi ni Gio.

''Edi mag-ingay ka.'' masungit na saad ni Amarish.

Ako naman ay hindi nagsasalita at nakikinig lang.

Pagdating namin sa cafeteria,Namili na kami agad kung saan u-upo,pagtingin ko sa uupuan ko may nalaglag na pagkain kaya kumuha ako ng wipes at pinunasan ang upuan.

''See ang oa mo kaya palaging galit sayo pinsan mo eh.Napaka oa mo,sobrang linis mo naman ata.'' Pasiring nasabi ni Amarish.

Hindi na lang ako nagsalita,at umurder na lang at kumain.

Kaharap namin ang mga boys na tahimik lang din.

Busy kami sa pagkain nung magsalita ng mahina si Kheiden,

''Okay ka lang?'' mahinang tanong niya.Tumango lang ako.

Nung pabalik na kami sa room,habang naglalakad kami,sumabay ng paglalakad sakin si Kheiden.

''Okay ka lang ba talaga?'' tanong niya.

''Oo naman,bakit?'' tanong ko.

''Wala lang di ako sanay na tahimik ka eh,pansin ko kasi ikaw ang panakamaingay sa grupu niyo.'' sagot niya.

''Okay lang ako.'' sagot ko na lang.

Pagpasok namin sa room pagka-upo namin,nag-announce si ms.President na wala daw si Miss ngayon dahil kasalukuyan itong umattend ng meeting para sa upcoming event namin this week.Kaya wala kaming nagawa kundi ang tumunganga na lang.

''Galit ka ba?'' tanong sakin ni Chasity.

''Hindi ako galit disappointed ako dahil ganon pala ang tingin niya sakon,oa na pala ang sobrang linis di kasi ako na inform.''

''Pag-usapan natin pag-uwi natin.Okay?'' sabi ni Chasity.Tumango na lang ako.


Your words can hurt someone's feeling without knowing it,keep that in your mind.-Nana


---------------------------

Votes and comments is so much appreciated.Luvlotzzzzzzz

-Nana 





The Childish Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon