Braid
Haileigh's P.O.V
Pangalawang araw na namin dito sa Theira University at masasabi ko namang maayos naman pamamalagi namin rito.
Andito kami ngayon sa may upuan namin at kasalukuyang nagchi-chismis,nung biglang dumating ang mga asungot.Napa-ikot ako ng mata nung magsitilian naman ang kaklase kong mga malalandi.Kasalukuyan kong bini-braid ang buhok ni Amarish nung mapatingin ako sa kay Kheiden yung may maamong mukha,inirapan nya lang ako at nakipag-usap na sa mga kaibigan niyang asungot.Pumasok na si ms.Gail at sinabing may gagawin kaming activity at by pair daw.
''Dapat sa hindi nyo mga kaibigan ha,alam ko naman kasing nagkakahiyaan pa kayo kaya ganito ang ginawa ko para maging close kayo at maging magkakaibigan.'' sambit ni ms.Gail.
Bumaling kaagad si Ryleigh sakin.
''Alam mo di kita kilala.''
''Bakit ikaw sino kaba?'' sakay ko sa trip nya.Sabay pa kaming natawa.
''Okay at dahil ang titigas ng mga ulo nyo ako na lang ang pipili ng mga partners nyo.'' agad naman kaming nagreact sa sinabi ni Ms.Gail.
''Pero mis---'' Naputol ang sasabihin ng kaklase namin ng magsalita si miss.
''No more buts, ako na ang pipili.''
'' Reyes and Cruz'' at nagsimula na ngang magsalita si miss.
''Avery and Stone''
''Harlow and Mason''
''Backstrom and Miller''
''Aiken and Cassidy''
''Lennon and Lennox''
Hindi ko alam kung sadyang mapaglaro ang tadhana dahil kaming limang magbabarkada,eh na partner pa sa mga asungot.
''Okay go to your partners now.You have 2 hours para magawa ang activity,pagring ng bell dapat naka-pasa na lahat.Ms.president ikaw ang kumuha ng papers nila at i-pass mo sakin pag ring ng bell sa office.'' yun lang at lumabas na sya sa room.
''Pstt.'' napalingon ako sa katabi ko,katabi ko si Kheiden yung may maamong mukha.Sya yung partner ko.
''Bakit?'' tanong ko sa kanya.
''Ano yung ginagawa mo kanina sa buhok ng kaibigan mo?'' tanong niya.
Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya.
''Bini-Braid bakit?'' takang tanong ko.
''Lapit ka nga rito.'' utos niya.
''At bakit naman?''
''Basta lapit ka nga sabi eh.''
''Ayoko nga,ano mo ako utusan---.'' agad na nanlaki ang mata ko nung hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at nilapit sa mukha niya.
''Ang dami mo pangsinasabi pinapalapit lang naman kita.''
Agad kong tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa magkabila kong pisngi.
''Magside-view ka.'' utos niya ulit.
Akmang tututol pa ako nung pinutol niya ang sasabihin ko.
''Baka gusto mo ako pa ang gagawa nun para sayo.''
Labag sa kalooban kong sinunod ang utos niya.
Nagulat ako nung hawakan niya ang buhok ko at parang tini-tirintas niya.
''Teka ano bang ginagawa mo? gagawa pa tayo ng activity oh!'' palag ko.
''Tsk,dalawang oras ang binigay sa atin.Wag ka ngang mag-alala,sus ang dali-dali niyan eh.''
''Tsk ano nanaman ba ang trip mo ha?!'' mahinang singhal ko sa kanya.
''Wag ka ngang malikot nagugulo oh!'' balik singhal niya sakin.
''Bakla ka ata eh.'' pang-aasar ko sa kanya.
''Ako?bakla? tsh baka pagsisihan mong tinawag mo kong bakla paghinalikan kita.''
''Bakit marunong kang mag-braid ng buhok?''
''Marunong ako kasi nakita ko kung pano magbraid,kung di mo alam kanina pa ako nanunuod kung paano ka magbraid.'' sagot niya habang patuloy pa rin sa pagbraid ng buhok ko.
Nung matapos siyang magbraid eh tiningnan ko ka agad sa salamin,okay naman ang galing medyo messy nga lang.
''Ganda diba.'' proud niyang sabi.
''Tsh.'' napa-iling-iling na lang ako.
To be continued
---------------------------------------------------
Hi guys this is my first story here in wattpad.Hope you'll enjoy reading.
Comment,Votes are so much appreciated! Luvlotss
-Nana
BINABASA MO ANG
The Childish Mafia Boss
Teen FictionMafia Boss- Dalawang salita pero nakakatakot.Pagnaririnig ang salitang ''MAFIA BOSS'' pumapasok ka agad sa mga ating utak ang salitang, MAMAMATAY TAO,RUTHLESS,HEARTLESS,CRIMINAL, o kung ano pang masasamang salita. Pero ano kaya ang magiging reaksiyo...